"Helix tara na aalis na tayo" ang nagmamadaling sabi ng isang babae.
"Wait a minute. Hinahanap ko lang yung bracelet ko. Nakita mo ba kung saan ko nailagay?"
"Ikaw talaga burara ka kahit kailan. Nasa ilalim ng kama tignan mo"
"Thank you Honey!" sabay kindat kay Katrina
"Kung di ka lang gwapo. Tsk!"
"Nakita ko na! Honey tara na sigudarong inip na inip na si Etro."
Pagkababa ng magasawa ay napangiti silang dalawa ng makita nilang mahimbing na natutulog sa sofa si Etro yakap yakap nito ang favorite niyang blue teddy bear.
"Baby wake up!" ang mahinang sabi ni Helix.
"Hmmm...."
"Baby lets go! Wake up baby."
"Ikaw kasi honey ang tagal mo. Nakatulog na tuloy si Etro. Paano na yan. Siguradong naghihintay na sila Mommy."
"Honey mauna kana doon. Susunod nalang kami ni Etro."
"What?! Di puwede kilala mo naman si Mommy. "
"Ano bang sinabi ko? Diba susunod nalang kami. Ano gusto mo. Gigisingin natin si Etro naa may topak. Kilala mo naman ang anak natin."
Wala na nagawa si Katrina kundi mauna na siya sa venue kung saan gaganapin ang wedding ng kanyang kuya.
Samantala pinagmamasdan naman ni Helix ang kanyang 5 years old baby na si Etro.
Di pa din siya makapaniwala na may anak na siya. At ikinasal sa isang magandang babae at mahal na mahal niya ito.
Sa totoo lang mabilis ang mga pangyayari.
Nagising nalang siya sa loob ng hospital. Wala siyang maalala. Pati ang pangalan nito ay di niya alam.
Nagising siya walang kasama.
At bigla nalang may pumasok isang nurse na babae.
"Oh my god! Gising kana!" ang tarantang sabi ng nurse. Di nito alam kung ano ang gagawin niya.
Dahil na din sa pagkataranta ng nurse at malakas na boses ay bigla nalang sumakit ang kanyang ulo.
"Oh my G! Anong nangyayari. WAIT LANG TATAWAGIN KO SI Doc. MENDEZ!!!"
Di niya namalayan na tinurukan siya ng pampatulog.
Nagising siya muli. At nakita nanaman niya ang nurse na babae na natahimik ito.
"Mr. How you feeling right now?"
Di niya napansin na may isang lalaki nakatayo sa kabilang side.
"Ah? Medyo masakit ang ulo ko."
"Mr. Maari bang malaman kung ano ang pangalan mo?" ang tanong ng doctor.
"Pangalan?" Napaisip siya. Ano nga ba ang pangalan nito?
"Oh my god doc. Baka nagka amnesia siya. God! First time ako makaka encounter na may amnesia! Kala ko sa teleser...."
"Nurse Kat can you please shut up" ang may awtoridad na sabi ng doctor.
"Sorry" ang sabi ng nurse.
"Amnesia? Ako si Helix" ang biglang sabi niya.
Di niya alam kung bakit nasabi niya ang pangalan na Helix.
"Daddy"
"Oh baby."
"Where is mommy?"
"Nauna na siya. Hinintay pa ni Daddy na magising si Baby Etro."
BINABASA MO ANG
I Wear The Crown
Mystery / ThrillerHalux Lantis The New Campus King 2016 Suot niya ang gintong korona na nagsasabing siya ang Campus King 2016 Ito din ang korona na ikakasira ng kanyang buhay. Dahil sa Alipin ni Bobby at Alipin ni Ariel at Campus Queen ay maisusulat ko ito. Walang...