Crown 5

644 20 2
                                    

Nakatulog na din sa wakas si Etro dahil na din sa kakaiyak. Binabantayan siya ng kanyang daddy Helix.

Napapatanong si Helix kung paano kung mas grabe pa ang nangyari sakanyang anak.

Baka di niya kayanin. Di na sila tumuloy sa Kasal. Nagsabi na din siya sa kanyang asawa na si Katrina. Di niya muna sinabi dito kung ano ang nangyari.

Nag online na muna siya sa kanyang laptop.

Laking gulat niya na makita niya ang isang viral video kung saan nandoon ang kanyang anak kasama ang isang lalaki.

Napaisip siya kung ano ulit ang pangalan ng lalaki.

"Etro! Kapangalan pala ng anak ko!" ang sabi niya sakanyang sarili.

Di niya alam na kinukunan sila ng video ng mga tao kanina. Napailing nalang siya dahil ibang klase ang mga ibang tao. Imbes na tulungan ang anak niya ay nakuha pa nila videohan ang anak nito.

Nakalagulat ang views na umabot na ng 500,000k at ang comments ay umabot din ng 5k. At shares naman ay 10k na.

Napakamot siya ng ulo. Di na siya nag aksaya ng panahon na basahin ang mga comments.

Nagulat din siya na dumami ang likers at friend request niya sa Fb lalo na sa Instagram.

"Honey! Asan si Etro!" ang sigaw na narinig niya. Sigurado siyang si Katrina yun.

"Yung apo ko!" ang isang tinig naman.

Bigla nalang bumukas ang kuwarto at iniluwa ito si Katrina kasama ang mama at papa nito.

"My God  Etro!" ang hikbing sabi ni Katrina.

"Honey Etro is ok. Nasugat lang ang kamay nito. Pero di naman malalim. Im sorry its my fault." ang sabi ni Helix.

"What happen. Napanuod namin yung video." ang tanong ng papa ni Katrina.

Ikinuwento ni Helix ang buong pangyayari.

"I think we should hire a yaya para mabantayan ng mabuti ang apo ko" ang mataray na sabi ng mama ni Katrina.

"I think we shouldn't. Kaya ko naman bantayan aang anak ko ma." ang sabi ni Helix

"Really!!! Muntikan nga mapahamak ang apo ko!"

"Helda come down. Natutulog na si Etro baka magising pa yan. Alam mo naman apo natin ayaw na ayaw ang nasisira tulog niya. Tara na baba na tayo. Hayaan na natin sila ang magusap tungkol sa bagay na yun"

"But!"

"Tara na. Helix, Katrina bababa lang kami."

At lumabas ang magulang ni Katrina.

"Tama si Mama kailangan natin kumuha ng yaya para kay Etro" ang biglang sabi ni Katrina.

"What!?Honey naman kaya ko alagaan ang anak natin. Yeah napabayaan ko siya kanina pero di na mauulit. Im sorry. Tsaka wala naman ako ginagawa." ang sabi ni Helix

"Honey its ok. Aalalay lang naman ang yayang kukunin natin. Para di ka din mahirapan na bantayan si Etro lalo na kapag lumalabas kayong dalawa." ang malambing na sabi ni Katrina.

Kahit labag sa kalooban ni Helix na kumuha ng yaya ay pumayag na din ito sa kagustuhan ng kanyang asaw.

Ilang linggo na abala siya sa pagiinterview sa mga  applicant.

Kilikilatis niya ng mabuti ang bawat isa. Pero wala ni isa na pumasa sa kanya.

Biglang may tumawag sa kanyang cellphone. Ang kanyang asawa.

"Honey pinapasabi nila mama at papa doon tayo sa bahay nila m
magdinner ngayon gabi."

"Ok sige Honey. Anyway ano oras ka pala matatapos sa trabaho mo. Para masundo na din kita. Sabay na tayo pumunta kina mama"

"Hmm... Im not sure kung makakapag out ako early dami kasi mga guest ngayon. Nakakapagtaka nga. Dati naman ganitong oras wala na masyado pumupunta sa coffee shop natin."

"Ganito nalang punta nalang ako dyan at tutulong ako."

"Honey wag na edi mas lalo dadani ang tao dito. Alam mo naman sikat na asawa kong gwapo."

"Sira ka talaga honey. Its ok para marami tayo kita. Kahit na araw araw ako pumunta dyan hahaha!"

Nang matapos ang usapan ng magasawa ay tumuloy pa din si Helix sa coffee shop nila.

Madami ngang tao.

Pagkababa palang ng kotse niya ay may nakabanggaan siyang tao.

"Oh sorry!" ang sabi agad ni Helix.

"Its ok!" ang ngiting sabi ng lalaki.

Napansin ni Helix na natapon pala ang inumin na hawak ng lalaki. Kaya naman nabasa ang damit nito.

"Sh!t! Im so sorry brat!" ang agad na sabi ni Helix agad niya kinuha ang panyo nito sa bulsa upang punasan nito ang basang parte na natapunan ng inumin.

Abala sa pagpupunas si Helix samantalang nakatingin lang ang lalaki sa kanya.

"Ok na." ang tipid na sabi ng lalaki.

"If you want bili nalang kita rather libre nalang kita sa coffee shop." sabay turo ni Helix sa coffe nila.

"Ok. Pero puwede bang sa ibang coffee shop nalang?"

Napakunot noo si Helix.

"Brat ayun lang yung coffee shop. Lalayo paba tayo."

"Yeah i know pero kakagagaling ko lang dyan kanina. Para maiba naman. Remember you said na libre mo ako at nabasa mo ang damit ko hahaha" ang pabirong sabi ng lalaki.

Walang choice si Helix kundi pumayag. Magaan naman ang loob niya sa lalaki.

Nagpaalam muna siya kay Katrina sa loob ng coffee shop.

"Di ba puwede na dito nalang kayo honey?" ang may pagaalalang sabi ni Katrina.

"I told you ayaw niya dito. Tsaka sandali lang naman kami. Alam ko naman na may dinner tayo. I  will call you. Bye honey" ang paalam na sabi ni Helix.

Walang nagawa si Katrina kundi pagmasdan niya ang kanyang asawa na palabas ng coffee shop at umalis kasama ng isang lalaki.

Di niya alam bat kinakabahan siya.

"Kayo pala ang may ari ng coffee shop na yun. Im sorry if na offend kita or what. Your coffee shop is really good lalo na ang mga pastries ninyo and ofcourse mga kape niyo." ang ngiting sabi ng lalaki.

"Ok lang brat. Saan pala tayong coffee shop na pupunta.?"

"Sa Crown Coffee Shop. Sa coffee shop namin" ang ngiting sabi ng lalaki.

Napatingin si Helix sa lalaki habang nagdrive siya.

"Whoa! Tingin ka sa daan baka mapunta tayo bigla sa langit!" ang natatawang sabi ng lalaki.

Natawa na din si Helix sa biro na yun.

"Sorry! Nabigla lang ako! Ikaw ang owner ng THE CROWN" ang manghang sabi ni Helix.

"Actually marami kami.  Isa ako sa owner ng The Crown"

"Wait kanina pa tayo naguusap. Di pa tayo nagpakilala sa isat isa."

"Im Slate and you are The Helix ang nasa viral video ngayon." ang ngising sabi ni Slate.

I Wear The Crown Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon