Crown 1

1.6K 34 4
                                    

"And the winner is....... "

Lahat ay kinakabahan lalo na ang mga natitirang kalahok sa Search For Campus King 2016.

Isa na doon ay si Helux Lantis isang 2nd year Bs. Tourism sa University of Jeux.

Isang sikat na University na kahanay ng University of Gil.

Kahit nakangiti nakatingin sa mga tao si Helux ay nilalabanan niya ang panginginig.

Ito ang kauna unahang pagsali niya sa ganitong contest.

Napilitan siyang sumali dahil siya ang napili ng CIHM o College Of International Hospitality Management na irepresent ang college nila.

Dagdag pressure pa sa kanya kung siya ang manalo ay di na sila magkakaroon ng final exam sa mga major subject ng buong CIHM. Pero kapag natalo naman siya ay magkakaroon sila ng Final Exam.

Crowd favorite siya. Nakakuha na siya ng mga awards.

Best In Photogenic
Popularity Choice Award
Best In Casual Wear
Best In Formal Wear

Ipinanganak siyang may kaya ang pamilya niya. Lahat ng luho ay nakukuha niya pwera sa atensyon ng kanyang magulang lagi silang busy sa trabaho nila. Laging out of the country sila.

Only Son kasama niya palagi ang mga kasambahay nila sa isang malaking bahay sa isang exclusive subdivision.

Nakaagaw pansin sa kanya ang isang napakagandang babae nakatayo sa may gilid ng stage.

Napansin naman ng babae na nakatingin sa kanya si Helux. Kaya agad na thumbs up ang dalawa sakanya. Isang napakatamis na ngiti ang binigay naman ni Helux sa babae.

"Congrats!!!!"

"Oh my god wala na tayo Final Exam!"

"Ang galing mo Helux"

"Pare The best ka!!!"

Maraming bumabati sakanya di pa pumapasok sa isip ni Helux na siya ang Nanalong Campus King 2016.

Naramdaman niyang may nakasuot sakanyang medyo mabigat sa ulo niya.

Nakasuot na sakanya ang gintong korona na nagsasabing siya ang Campus King.

Maraming nagpapapicture sakanya at bumabati.

"Excuse me Mr. Lantis akyat muna po kayo sa stage at kukuhanan mo kayo ng picture sa official poster ng Campus King" ang sabi ng isang organizer na babae.

Tumango naman siya at pumunta muna siya sa back stage para maayusan siya ulit.

"Well congrat Helux. Nakakabilib ang performance mo kanina. At first time na back to back winner tayo!" ang masayang bati sakanya ni Etro Siam ang last year Campus King.

"Di ko nga expect na mananalo ako. Salamat pare" ang ngiting sabi ni Helux.

Natapos ang pictorial niya at kasama din niya si Etro.

"Mr. Helux Lantis puwede bang magpapicture sayo?" ang sabi ng isang babae sakanya.

Napaisip naman si Helux kung papayag ba siya na magpapicture na kasama ang babae.

"Sa isang kondisyon" ngising sabi ni Helux

"Ano naman yun?" ang takang tanong ng babae.

"Hmmm... Kiss me" ang seryosong sabi ni Helux na pinipigilan niyang matawa.

Di na sumagot ang babae at bigla nalang itong sinunggaban si Helux ng halik. Isang napakatamis na halik sa labi.

"So puwede na po ba ako magpapicture?" ang sabi ng babae

I Wear The Crown Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon