Entry #2

25 2 1
                                    

Dear Jimin, 

 Paksyet malutong! Online ka na naman pero hanggang ngayon, hindi mo pa rin siniseen mga messages ko! Bakit ba, Jimin! Bakit ka ba ganyan? Last month pa 'yung messages ko pero bat ayaw mo pa rin i-seen hanggang ngayon. Grabe ka talaga sakin, 'no? Pinaparamdam mo ba talaga sakin na di ako mahalaga para sa'yo? 

 Sa ilang taon kong pagco-confess sayo tungkol sa nararamdaman ko, hanggang ngayon ba hindi mo pa rin ako nagugustuhan? Ang tigas mo naman. Ang tigas naman ng puso at mukha mo. Nag-eeffort ako na puntahan ka sa room mo after ng klase ko. Nag-eeffort akong puntahan ka kung saan ka magpunta. Nag-erffort ako na i-chat ka kapag online ka. Nag-eeffort akong tawagan ka kapag may load ako. Minsan nga kahit wala akong load tinatawagan kita basta may pantawag ang mga kaibigan ko, tinatawagan kita. Kahit hiyang-hiya ako sa'yo,oo nahihiya pa rin ako sayo 'no, kinakapalan ko lang talaga dahil baliw nga ako sa'yo. Mahalaga ka sakin. Gago ka, ganon ka kahalaga! 

 Kapag dumating ang araw na magsasawa na ako sa'yo at makahanap ng bagong crush, WHO YOU KA TALAGA!  


Babaeng tanga sa'yo,

Raray

Dear JiminWhere stories live. Discover now