Entry #3

15 2 0
                                    

Dear Jimin, 

Gagueeeee!!! Finally, sineen mo na ang messages ko sa'yo sa messenger! Hayup ka! Kung di pa kita chinat na pansinin ako, hindi mo rin siguro ise-seen 'yun. Pero okay lang, atleast ngayon, sineen mo na. 

 Ang saya-saya ko ngayon, alam mo ba 'yun? Syempre, alam mo 'yun. Lahat naman siguro alam mo sakin basta pagdating sa'yo. Dahil sa'yo, wala akong tinatago. Wala akong di sinasabi. Lahat kinukwento ko sa'yo kahit alam kong di ka naman interesado sa mga kwento ko. Baka nga sakin wala ka ring interes eh, diba? 

Sabihin mo na lang kasi na ayaw mo sakin, na di mo ako gusto para tumigil na ako. Pero kung gusto mo naman ako, wag kang mahihiyang magsabi sakin kasi una pa lang naman gusto na rin kita. 

Kaso parang impossibleng magkagusto ka sakin. Pero bakit ganon? Nagbibigay ka ng motibo na gusto mo rin ako? Naalala mo pa ba na nagsend ka sakin ng video mo na naggi-gitara? Hindi nga lang kita ang mukha mo. Grabe sobrang kilig ko noon, pakiramdam ko hinaharana mo ko online. Huling El Bimbo pa 'yung kinanta mo nun. Grabe, iyon na 'yung isa sa mga masasayang araw sa buong buhay ko. Gusto ko pa sana magrequest sa'yo ng ganon eh, mapagbibigyan mo kaya ako?  

Kapag pinagbigyan mo ako, ibig sabihin  talaga 'nun gusto mo rin ako! Hahaha! Biro lang. Pero pakyu ka pa rin kasi pa-fall kang hayup ka.  

Dear JiminWhere stories live. Discover now