Buong gabi akong hindi pinatulog sa nalaman ko kagabi, simula kasi nung namatay si mama hindi ko pa binubuksan yung box na binigay niya sakin. Hindi naman kasi ako interesado.
Pero dahil buong buhay ko hindi ko nakilala ang mga tunay kong magulang minsan napapasip ako sino nga ba sila. Sino nga ba sila? Hays.
Tanghali na pero ito hindi parin ako kumakain, sabado ngayon at walang pasok, hindi ko alam kung anong gagawin ko ngayong araw. Maya maya naman ay may tumatawag sa number ko.
"huh, sino to? Number lang" hindi ko sinagot dahil hindi naman ako nag eentertain ng mga prank caller.
Pero nag ring ulit yung cellphone ko "ang kulit naman, aish" tinanggal ko yung battery ng cellphone ko, "hays, ano ba Alissa, badtrip ka ba?"
Humiga ako sa kama at tumingin naman ako sa kisame "Mama, bakit kasi kailangan mo pang mawala?" huminga ako ng malalim at bumangon "lalabas nalang ako ng bahay"
Naligo ako at nag ayos ng konti, nagsuot ako ng white polo tapos jeans, dinala ko rin yung cap ko kung sakaling mainit. Nasira payong ko eh. Hehehe!
1:30 ng makarating ako sa Mall, so what now Alissa? Ano nga bang gagawin ko dito. Ahh! Kakain na lang muna ako. Dumiretso ako sa Tokyo Tokyo, I love Japanese food.
"Thank you for coming Ma'am" sabi sakin nung babae matapos ko kumain. Bahagya lang akong ngumiti.
Naglakad lakad ako, sa may bandang activity center na tila may pinagkakaguluhan "tss, parang artista lang eh"
"Ladies and Gentlemen, please welcome. The new faces of New Yorker"
"AHHHHHHH, KYAAAAAAAAAAAAAAAAH" susmaryosep kung makasigaw naman yung mga tao dito kala mo ngayon lang nakakita ng modelo eh. Tss!
"WAAAAAAAAAAAAAH! Anakan moko! WAAAAH!"
"Ang Gwapo Gwapo mo, woooooah! Kanin please!! AHHHH"
Dahil sa curiousity ko, ayun kinain ko din yung mga salita ko. Parang first time lang ata ganito kaingay dito ah.
"excuse me, excuse me" sabi ko habang nakikipaggitgitan, okay fine! Oo na, curious kasi ako. Ano ba?
"Hoy babae, dun ka nga ang tagal naming naghintay noh?" tinanong ko ba?
"oo nga, bakit may magazine ka ba nila?" wala.
"may products ka ba nila? May banner ka ba?" wala din, so?
Hindi ko namamalayan unti unti na pala akong naitutulak sa harap. Bumelat nalang ako sakanila.
"Arrrrghhh!" narining ko nalang yung tatlo na naiinis.
BINABASA MO ANG
The Lost Princess
RomanceBawat babae nangangarap maging Prinsesa, magsuot ng magarang gown at maningning na korona. Makilala ang kanilang Prince Charming at maipakasal dito. Tatanggapin mo ba kung bibigyan ka ng pagkakataon? Pagkakataon na rin para makilala ang magulang mo...