Chapter 3

44 3 1
                                    


Wala naman masyadong nangyari nung Sunday, nagsimba lang kami ni Jill tapos dumiretso kami sa bahay nila, kinuwento ko sakanya lahat lahat ng nangyari sakin kahapon, simula nung nag Mall ako hanggang sa may napulot akong kwintas.


*FLASHBACK*


"Oh Isay bakit mo naman naisipan mag aya dito sa bahay? May problema ka ba?" problema agad? Pero sabagay problema narin to'


Kunwari pa'y nag iisip isip ako "hmm hmm" umupo ako sa sofa sabay bukas ng TV.


"hoy feel at home ka Isay ah, ano nga kasing iniisip mo" tumabi naman sakin tong si Jill.


"ganito kasi yan"


"okay? Then?" lumapit pa sakin si Jill ng konti, halatang tsismosa eh.


"buntis ak---"


"Gago ka Isay, huwag ako! Wala kang jowa" hinawak hawakan ko pa yung parte ng ulo ko na binatukan niya.


"to naman, seryoso ka kasi masyado jan, ito ito na" umayos ako ng upo "kahapon pumunta kasi ako ng mall, eh hindi ko naman alam na may Mall tour ata dun yung bagong model ng New Yorker"


"yung bagong store sa SM? OMG!! Tapos tapos"


"ito na nga, hindi naman kasi ako interesado, eh kaso ayun nacurious narin ako kaya naman nakipaggitgitan ako" pahina akong sinabi, nakakahiya kasi eh.


"HAHAHA! Kita mo to' kunwari ka pa, interasado ka rin naman pala"


"eh sabi kasi nung host, New faces daw!"


"OMG! Madami sila?"


"hindi, dalawa lang sila, ito na nga. Sa sorang dami ng tao nagitgit ako tapos napapunta na ako sa harapan, ayun binigyan ako ng panyo nung..si ano, si Kevin ata yun"


"Anong panyo? Bakit ka niya binigyan? Tsaka bakit di mo siya kilala?"


"teka lang kasi, eh kasi nga masikip, ayun sabi niya okay lang ba ako kasi namumutla ako, ayu binigyan niya ako panyo, ang arogante nga kasi tapon ko na daw pag tapos kong gamitin, ito oh" nilabas ko yung panyo, agad naman inagaw ni Jill.


"iba ang alindog mo Isay, nagpakita ka ba ng cleavage ha? Ang bango bango naman ng panyo niya, kung ako to maglalagay ako ng memorabilia sa bahay"


"May pagka takas ka rin sa mental hospital eh noh? Akin na nga yan"


"oh tapos anong nangyari, di mo man lang alam name niya?"


"Kevin ata? Kasi yung mga fan girl sa likod ko, sabi kakainin daw nila si Kevin, eh siya lang naman yung nasa harapan ko that time, yun isa ata model nasa kabilag side."

The Lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon