Kabadtrip kala mo naman napakagwapo, sus matangos lang naman ilong niya noh, tapos ang ganda ng kilay niya niya. Bwiset siya. Kutong lupa siya. Buti nalang hindi siya nagtanggal ng shades niya baka duling siya. Eww!
Ayun as usual pumasok na ulit ako sa work ko, konti nalang gagraduate na ako. Medyo stressful narin kasi eh, tapos may problema pa ako sa bahay. Aish aish.
8PM na nang makauwi ako ng bahay, nag OT ako dahil sa birthday Party kanina, nag host pa kasi ako. Super nakakapagod, sa store na ako kumain dahil ayaw ko ng magluto pa sa bahay.
"Bye Maxene, una na ako. Closing ka pala?"
"Oo Alissa eh, ingat ka pauwi" nag paalam ako sa kapwa empleyado at lumabas na ako ng store.
Lakad lakad, pero di pa man ako nakakapasok ng Subdivision namin ng naramdaman kong may sumusunod sa akin, agad kong nilabas yun pepper spray ko. Kunwari wala akong alam pero nanginginig na yung tuhod ko sa takot.
Nang makarating ako sa guard house "kuya huwag po kayong magpapapasok kapag may naghanap sakin ah? O kaya kapag wala naman kailangan"
"Sige Isay, basta magsasabi ka agad kapag may problema, ingat ka ngayon madami pa naman adik jan"
"sige kuya, thank you po ah?"
Grrrr, laganap na talaga mga adik ngayon, nakakatakot. Mabilis ko naman natungo ang bahay namin, nilock ko ng mabilis ang lahat ng pwede mapasukan ng magnanakaw. Dumiretso ako sa kwarto ko para mag post sa FB.
"desidido na ako, papa-rent ko na talaga tong bahay, sorry mama" Nagpost ako sa fb at nag pm ako sa mga kakilala ko na nagpapa-rent ako ng bahay. Nag PM din ako kay Jill
*CHAT*
"Jiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiill"
"Oh? Bakit?
"papa-rent ko na tong bahay, may sumusunod kasi sakin kanina eh"
"osige friend, bukas mag ayos na tayo ng gamit mo, txt txt nalang"
"thank you talaga, Jill" buti nalang talaga may friend ako, hays!
*END OF CHAT*
Tumayo ako at kumuha ng iang karton sa cabinet, paonti unti kong inaayos ang mga gamit ko para bukas konti nalang yung aayusin naming ni Jill.
Kinuha ko lahat ng damit ko at ilang mga mahahalagang gamit, hindi ko alam kung pati ba gamit papa-rent ko o ibebenta ko nalang.
Kinuha ko rin yung box na binigay sakin ni mama, binuksan ko ito "ako ba talaga si Gabri---"
BINABASA MO ANG
The Lost Princess
RomanceBawat babae nangangarap maging Prinsesa, magsuot ng magarang gown at maningning na korona. Makilala ang kanilang Prince Charming at maipakasal dito. Tatanggapin mo ba kung bibigyan ka ng pagkakataon? Pagkakataon na rin para makilala ang magulang mo...