chapter Z- you and me

197 8 1
                                    

Nagising na lamang ako ng may kung sinong yumakap sa akin..

Napadilat ako ng kaunti at nakita kong si Steve pala iyon at tulog na tulog sa tabi ko... naka yakap pa nga sa akin eh..

Nasilaw ako sa liwanag na pumapasok sa loob ng kwarto namin kaya naman dahan dahan akong tumayo saka ko sinarado ang bintana at sinarado ko na muna ang pintuan namin.. ayoko talagang may kung sinong makakakita kapag natutulog ako..

Pumunta na muna ako sa cr saka na ako muling tumabi kay Steve.. dahan dahan ko muling inilagay ang pagkakayakap nya sa tyan ko...

Ipinikit ko ang mga mata ko saka ko sya niyakap rin..

Bale magkatapat kami ngayon..

Inaantok pa ako ng dahil sa naalimpungatan pa kaming dalawa ni Steve ng mga bandang 4am kaya nagka kwentuhan pa kami ng kaunti saka namin naramdaman ang antok kaya nakatulog kaming muli..

Inaantok pa ako kaya naman napapikit muna ako..

Pero parang ayaw ng bumalik ng aking diwa sa pagtulog kaya naman tumayo akong muli at inon ang tv para sana manood ng movie..

Saka ako kumuha ng piatos at tumabi na muli kay Steve na mahimbing na natutulog parin sa tabi ko..

Gumalaw syang muli kaya naman nayakap nya ako sa bandang binti nalang kasi naka sandal na ako sa headboard at kumakain ng piatos..

Kasalukuyan akong tawa ng tawa dahil sa 'just laugh out gags' ang pinapanood ko ngayon..

Kaya naman di ko na napansing natayo na pala si Steve sa tabi ko at nagnakaw na kaagad ng halik sa akin sa pisngi..

"Aba.. may good morning kiss na agad ako huh?" Pagbibiro ko sa kanya.. ngumiti lang sya habang kinukusot ang mata nya.. halatang kagigising lang nya kasi medyo walanpa sya sa mood ngayon..

Hinalikan ko rin sya sa noo nya saka ngumiti.. napangiti syang muli saka na sya pumasok sa cr..

Matapos nyang mag cr ay nag senyas pa muna syang labas muna kami..

Pinause ko ang pinapanood ko saka ako pumunta sa kanya..

Sabay kaming bumaba sa kwarto namin..

Kukusot kusot kaming pumunta sa hapag kainan..

Nandoon na sila at halatang natigil sila sa pagke kwentuhan ng dumating kami.. ano namang problema nila?

"What?" Inosenteng tanong namin ni Steve sa kanila..

Pero nanatili silang nakatingin sa katawan namin..

Nakakunot ang mg noong tumingin kami sa mga suot namin..

Oh ano namang masama sa suot namin?naka boxer at sando plus nighties lang naman ka---- what the heck! Ganito pala ang suot namin..

"What the!" Sigaw ko saka kami nagkatinginan ni Steve..

Nagpapabilisang tumakbo kami pabalik sa kwarto namin at nagmamadaling nagsuot ng bathrobe..

Mabuti naman at nag impake ako ng dalawang bathrobe namin ni Steve..

Inabot ko sa kanya yung blue at sinuot ko naman ang pink..

Tatawa tawa lang kaming binabalikan ang epic na mukha namin sa kahihiyan kanina.. naku!

Tumawa lang kami saka kami magkahawak kamay na bumaba ng kwarto saka na kami sumalo sa hapag kainan ng pamilya..

Nagtatawanan kami habang kumakain.. kwentuhan rin at the same time.. kaya nung napadako yung topic sa aming dalawa.. jus ko! Para kaming nasa hot seat!

"Kumusta naman ang naging tulog nyo kagabing dalawa?" Nakangising tanong sa amin ni tita..

Napayuko na lamang ako.. feeling ko kasi namumula parin ako.. naramdaman ko namang hinawakan ako ni Steve sa kamay..

"Ayos naman mom.." nakangiti nyang sabi sa kanila..

"Ahh.. so walang nangyare?" Tanong ni mama..

"Hay.. bakit naman ang bagal nyong dalawa?" Sabi ni tito

"Di naman kami magagalit eh.. natural nyan excited pa nga kami" sabi naman ni tita

"Di nyo na pinagpatuloy yung kagabi?" Biglang tanong din ni papa..

Napahinga kami ng malalim saka namin sila tiningnan at ngumiti.. si Steve ang sumagot sa tanong nila sa amin..

"Tito.. tita.. dad.. mom.. alam ko pong excited na kayong magkaroon ng apo.. but look first for our age.. we are never yet ready.. besides I respect Kylie if she's not ready for that kind of situations" sabi ni Steve saka tumingin sa akin..

Agad na nakita ang mga ngiti sa kanilang mga labi..

"Tama yan anak.. manang mana ka talaga sa akin.." pagmamalaki ni tito..

"Thank you Steve for giving a respect for my Princess.." sabi ni papa kaya naman nagkatinginan kaming dalawa ni Steve..

"And I want a perfect and complete family kaya naman po gagawin  ko kung ano man ang gusto nya.." sabi nya pa sa akin..

Edi wow na talaga.. ewan ko ba kung nag papa impress lang sya sa mga magulang ko oh ano eh? Di lang ako makapaniwalang nagsasabi sya ng ganyan..

**********

Ngayon nagtatampisaw kami rito sa beach.. nag aya kasi sila mama at papa na mag bonding na muna kami..

"Oh wag na wag kang mag susuot ng swimsuit okey? Mas gusto kong ito nalang" sabi nya saka pakita sa akin ng isang short na hanggang hita lang naman at isang sando ng babae na maganda rin namang ipangligo sa dagat..

"Okey po" sabi ko saka ko na kinuha iyong binibigay nyang damit saka na ako pumasok ng cr..

Sinuot ko na iyon saka na ako nakarinig ng mga katok sa pinto..

"palabas na.." sabi ko saka ko na binuksan iyong pintuan..

Agad na tumambad sa harapan ko si Steve na naka topless.. okey? Di man lang ba sya mag sa sando?

"Bakit?"inosente nyang tanong sa akin..

"Ah.. wala" umiiling na sabi ko sa kanya saka ko  sya hinila palabas ng cottage..

Pumunta na kami sa mga magulang namin na naliligo na sa dagat..

Pero kanina pa ako naiirita sa mga babaeng kanina pa nakatitig sa katawan ni Steve.. konti nalang talaga.. hmp!

"Wag ka ngang mainis" bulong nitong katabi ko..

"Nope.. magsando ka" sabi ko sa kanya habang tinitingnan ko parin ng masama itong mga babaeng nag papa cute sa kanya.. tusukin ko yang mga mata nyo eh!

"Hay.. naiwanan ko po" sabi nya sa akin.. sinamaan ko naman sya ng tingin.. "haha.. yakapin mo nalang ako" sabi nya sabay ngisi..

"Ito gusto mong mayakap?" Tanong ko sa kanya sabay pakita ng kamao ko..

"Di ka naman mabiro" sabi nya sabay sumisid na sa dagat..

Nagulat naman ako.. malayo pa yung pwesto kung saan naliligo sila mama eh.. bakit sumisid na sya agad?

"Ayan? Di na nakikita.. solve ka na?" Tanong nya sa akin..

Napangiti naman ako saka ako sumunod na sumisid sa kanya saka kami nagpabilisang lumangoy hanggang sa pwesto nila mama..

Buong maghapon masaya lang ang tanging nangyare sa amin.. kainan tapos tawanan sabay kwentuhan.. saka kami maliligo muli sa dagat..

Hay.. sana ganito nalang bawat araw..

Sana masasabi ko ng..

Steve and I

You and Me..

Fall Inlove With My Manhid BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon