Chapter 1

9 0 0
                                    

CHAPTER 1

"Uy girl, wag kang masyadong magastos baka bawasan na ng daddy mo ang allowance mo niyan." sabi ni Ellisse.

"Every now and then ka nlang nagsho shop para bang nasusuot mo lahat ng damit na binibili mo." dagdag pa ni Jessica

"Amph! wag niyo nga akong sermonan. Alam niyo namang ito lang ang kaligayahan ko eh. Binabawalan niyo pa ako." sabi ko.

Nasa mall kami ngayon nagsho shopping kasama ang aking dalawang bff. At ako itong si bili ng bili ng kung anong magustohan ko. Hindi kami mayaman, katamtaman lang kami. Pero kahit na ganun medyo na sspoiled din ako. Maluwag kasi sa akin ang daddy only child lang kasi ako. 

"Pssst." kinalabit ako ni Jess.

Tapos may tinuro turo siya na guy. napalingon naman ako dun sa guy.

"Gwapo diba?" -Ellisse

Hmmm... medyo gwapo nga. Pero para namang chickboy.

Hehehe. Actually meron pa kaming isa pang motive kung bakit kami narito sa mall. Yun ay para maghanap ng soulmate. Sawa na kasi ako na nasasaktan. Kaya ngayon gusto ko ng sumaya.

"mmm. Medyo. Pero playboy ata eh"

"Ayyy" they said in unison

"Kung ayaw mo sa kanya girl akin na lang pwede?" sabi ni Ellisse

"Hoy babae! Ako ang nakakita no." -Jess

Ay sows... ang dami kayang gwapo dito sa earth. Para lang diyan pinag aagawan pa nila. Tch!

"Girls. May pupuntahan lang ako ah. Babalik din ako agad" paalam ko sa kanila tapos tumango lang sila.

Wala naman talaga akong pupuntahan gusto ko lang maglakad lakad para mapalayo ako sa kabaliwan nung dalawa. Oo, besties ko sila pero paminsan kasi naloloko sila sa mga guys.

Lakad

lakad

lakad

lakad

AMPH! kanina pa ako lakad ng lakad pero wala naman akong patutunguhan. Matawagan nga yung dalawa.

Calling... Jess

"Hello?"

"Asan kayo? Punta kayo dito please. Pagod na ako eh. Nandito ako sa may Pizza Hut"

"Hindi pwede girl, may date kami ngayon eh. Kung gusto mo umuwi ka na lang. Sige bye bye." And in-end call na niya. Aish! Kainis ayokong nagcocommute ng mag-isa eh. Tapos nakuha pa nilang kumuha ng date.

Ganeeeeeeern?

So, lumabas na nga ako para pumara ng jeep. Pagkarating ko sa bahay. Nag wash up na ako't natulog. Susulitin ko na ang pagtulog kasi last day na ngayon ng sem break.

Tama nga pala. Bago ako matulog magpapakilala muna ako sa inyong lahat. Ang pangalan ko ay Tiffany Mauve(Mayv) Cruz. Hmmm... maganda ako hehehe walang aangal, matalino konti, mabait kuno, hanggang waist at medyo wavy ang hair and last but not the least hindi gaanong matangkad. 

Okay, dahil tama na siguro yung info na yun for now. Mag bbeauty sleep na ako. 

Nagising ako dahil sa ingay ng aking kuya. Pinsan ko pero kuya ang tawag ko. 

Pagkadilat ko ng mata ko. 

*Blink blink*

Nakita ko agad ang kuya ko na nakatitig sa akin

"KUYA!!!" sabay hug sa kanya

"TIffany! Maghilamos ka muna. Tsaka mo ako yakapin"

"Ay sows kaartehan mo! Maghihilamos rin ako. Pero bago yun. Bakit ka nga pala napadalaw? May pasulubong ako?" 

"Maya na ako magkkwento pag nakahilamos ka na." 

"Amph. KJ mo!" sabi ko sa kanya sabay takbo sa banyo.

Minsan lang kasi may time si kuya kasi nagtratrabaho na siya ngayon. Nagmamanage siya ng isang company. Sa amin siya nakatira dito sa Pinas. Laking States kasi 'tong si kuya eh. Pero minsan lang yang nag eenglish. Pero ngayon dun siya sa condo niya. Malayo kasi ang bahay dun sa company nila. 

Pagkatapos kong maghilamos pumunta ako sa sala. At nadatnan ko si kuya na may kausap sa phone. 

"Pero, hindi ko kayang sabihin sa kanya eh." 

"Sigurado rin ako na aayawan niya rin 'to. Sir, sa tingin ko po hindi niyo dapat ginagawa 'to sa anak niyo." 

Sir? Kausap niya si Daddy? Sir kasi ang tawag niya kay Dad eh. 

"Kung naririto pa po si Tita hindi ka niya hahayaang gawin 'to sa anak niyo" 

Sumingit na ako

"Kuya sinong kausap mo?"

Nagulantang si kuya nung narinig niya ang boses ko. 

"A-ah w-wala yun. Ang papa mo kasi... May pinapagawa nanaman sa akin" 

"Ahhhh okie" 

"Sige aalis na ako may aasikasuhin pa kasi ako." paalam niya

Pero, I smell something fishy. Parang may kinalaman sa akin.

Finding YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon