Naisulat niyo na ba ang kwento ng buhay niyo sa loob ng 365 days? Naaalala niyo pa ba ang mga nangyari sa panahon na 'yun? Sa tuwing naaalala niyo yun, ano yung nararamdaman niyo? Masaya, malungkot at kung anu-ano pang emosyon. This are Compilation of One Shot Stories. Please look forward for this story.
*****************
Sa 365 days, ano nga ba uli yung mga bagay na ginawa mo na tumatak sayo? Naalala mo pa ba.......
'Yung unang mong PANGARAP para sa sarili mo?,
'Yung unang LIWANAG na nakita mo matapos ang matinding trahedya?,
'Yung una mong PAG-IBIG?,
'Yung unang NGITI ng taong mahalaga sayo na nagbigay ng inspirasyon?,
'Yung unang HALAKHAK kasama ang mga kaibigan mo?,
'Yung unang patak ng LUHA mo?,
'Yung unang GALIT mo sa taong nagtraydor sayo?,
'Yung unang KASALANAN mo sa isang tao na nagtiwala sayo?,
'Yung unang PIGHATI mo dahil wala na siya?
At yung muling nagbigay sayo ng PAG-ASA para muling lumaban?
Sa loob ng 365 days o sa madaling salita ay sa isang taon. Lahat ng pangyayari sa buhay mo kaya mo pa bang alalahanin? Ang kwentong ito ay napapanahon dahil lahat ng kabataan naranasan o di kaya ay nakita sa kanilang kaibigan o pamilya. Isinulat ko ito hindi para mgpasikat sa mundong ito kundi para ipaalala muli sayo na ang nakaraan ay di DAPAT KINAKALIMUTAN kundi NAGBIBIGAY ARAL para sa haharapin mong bukas.
Ang mga kwentong ito ay hango sa totoong buhay na kung saan ay narasan mismo ng sumulat na ito. At maaaring naranasan mo na rin ito o mararanasan mo pa lang. Gusto kong ibahagi ang mga karanasan ko sa PAG-IBIG, TAGUMPAY, PAGKATALO, at ang isa sa pinakamatinding pagsubok sayo ay yung makaharap mo si KAMATAYAN.
Simple lang buhay natin pero dahil sa mga bagay na nangyayari sa atin nagkakaroon tayo ng kulay. Ang iba ay sinusubok ang sarili sa mga bagay na alam nilang ito ang maaaring magdala sa kanilang hantungan. Ang iba ay walang alam kundi kainin sila ng kanilang kahinaan, pagkatakot o di kaya ay nawawalan ng pag-asa. Pero hindi lahat ay negatibo ang pananaw kundi merun ding mga taong positibo sa buhay na kaya nilang gawin, na magagawa nila basta ang TIWALA nila ay laging nasa puso at higit sa lahat may pananalig sa PANGINOON.
-------------
My Notes:
Sana magustuhan niyo ang iba't-ibang kwento ng buhay sa panahon natin ngayon. Ang kwento na sana ay magbigay din ng inspirasyon sa inyo. Wag kayong mawalan ng pag-asa hayaan niyong ang pag-asa ang mawala sa inyo (chos lang, sorry sira na ang drama niyo). MAngarap kayo at pagbutihan niyo ang mga ginagawa niyo para matupad at mangyari ang mga pangarap niyo. Isulat niyo sa malinis na papel o notebook tapos lahat ng achievement niyo ilagay niyo rin doon, maliit o malaki iyon isulat niyo pa rin. Tapos paglipas ng panahon, malalaman mo (pagbinasa mo hah) na nagawa mo na pala siya noon pa.
SATISFACTION and CONTENTED are the KEY of my LIFE that help me to improve and enhance my skills.
XOXO
Lian (Mary Ann is my real name)
makulaynaballpen <3

BINABASA MO ANG
*365 Days* One Shot Stories
Short StoryKindly Read This. I hope you like it and I hope that will give you an inspiration. Also this story is On-Going that happen in my real world. Look Forward for this story!!! Written By: makulaynaballpen XOXO