--My First Love--
"You Changed My World !!! I love you !!" I said to Kaito with my wholeheartedly.
"I love you too Kazumi !! I love you forevermore !!!" he shouted loudly but his voice calm and he hugged me that will never ends.
*******************
Isang simpleng araw para sa isang simpleng tao na kagaya ko. Huling taon ko na sa High School at kailangan ko ng maghanda para sa College life pero sa di inaasahang pagkakataon mararanasan ko ang sinasabi nilan pag-ibig. Pag-ibig na magpapabago sa makulit kong buhay at sa mga nakagawian ko na. Ang isa sa pinakamasaya sa buhay ko at ang isa sa mga inspirasyon ko. Ako si Kazumi, 16 na taon ng tamaan ng tunay na PAG-IBIG. My First Love
"Kazumi !!! Narinig mo ba yung balita sa room natin?!!" kasalukuyan kasi akong nasa canteen at kumakain. 'Yung nagsalita naman ang bestfriend ko ngayong huling taon sa High school. Naalala ko pa kung paano kami nagkakilala, nung unang araw ng pasukan nag-away kami dahil sa isang upuan. Nag-iisa na lang kasi yun at kaming dalawa na lang ang walang upuan kaya naman nag-agawan kami na naging dahilan kung bakit kami nag-away at dahil pareho kaming tamad lumabas para kumuha ng isa pang bangko ay napag-isipan naming tumabi na lang sa isa't-isa.
"Kazumi !! Nakikinig ka ba sa sinasabi ko?!!!!" sabay hampas sa balikat ko na sobrang lakas.
"Aray!! Ang sakit ahh!!! Kung makahampas ka para namang nakapatay ako ng tao!!!" medyo nainis ako sa ginawa niya. Ang sarap-sarap ng kain ko tapos hahampasin niya lang ako ang malala pa natapon yung kinakain ko. Ayoko pa naman na ginugulo ako kapag kumakain ako, oo alam ko tsismosa ako pero pag oras ng kainan hindi ko magawang magsalita dahil naka-concentrate lang ako sa pagakain.
"Hahaha !!! Sorry naman best!! Napalakas ko ata yung hampas ko. Anyway !! 'yung tsismis sa room may isang classmate natin ang nagkakagusto s------"
"Ehh!! Ano naman ngayon?!! Anong konek ko sa balita na yan? Isa pa !! Anong big deal dun? nakakain ba yun?" hindi ko na siya pinatapos at agad na akong nagsalita ng tuloy-tuloy para hindi na siya maksingit pa.
"Ang dami mong tanong kung pinapatapos mo kaya ako nuh!!! Tsaka hello ?!! Anong konek? Malaki ang koneksyon mo. Dahil si Kaito na mahangin ay nagtapat na may GUSTO SAYO at ikaw ngayon ang STAR sa room!! Alam mo na ??!!" sabay inum ng coke ko. ang galing talaga niyang magpalusot, makikiinum lang dinamay pa yung tsismis!! Kanina kinikilig pa siya habang nagkukwento ngayon naman para siyang hinabol ng toro at hingal na hingal sa sobrang bilis magsalita. Pero, teka! Ang sabi niya AKO (O__O) ?? Ako ang STAR sa room? At si Kaito may gusto sa akin? 'Yung lalaki na yun!!!!
"Best! Wag ka ngang magbiro hindi nakakatuwa! Si Kaito? Eh ! Ang hangin nun tsaka ang layo ng dream girl niya sa itsura ko !" Pagtatanggi ko sa sinasabi niya habang nag-aayos na ako ng gamit sa bag.
"Bahala ka! Kung ayaw mong maniwala diwag! Basta mamaya wag kang epal ahh!!" At doon natapos ang usapan namin ni Aya.
***
Pumunta na kami sa room malapit na kasi ang Chemistry class namin. Si Mrs. Aurelio ang terror teacher pero mahilig magpatawa at nagtitinda ng kung anu-ano pa. Pagdating namin sa room dinig namin ang sigawan at tawanan ng mga kaklase ko, siguradong wala pa si Mam dahil nagagwa pa nilang mag-ingay.Bigla akong kinabahan at parang may di magandang mangyayari pagpumasok ako sa loob kaya naman huminto ako para sana huminga ng malalim pero bago ko pa yun magawa hinila ako ni Aya papasok sa room.
"Ano ka ba Aya!!" bumitaw ako sa pagkakahawak niya sa akin.
"Bakit kasi may pahinga-hinga ka pa dyan?!" malamang kinakabahan ako! Itong bestfriend ko lagi akong iniipit sa sitwasyon tulad ngayon. Nang makita kaming nagtatalo nagsigawan ang mga kaklase ko at patuloy sa panunukso.

BINABASA MO ANG
*365 Days* One Shot Stories
Cerita PendekKindly Read This. I hope you like it and I hope that will give you an inspiration. Also this story is On-Going that happen in my real world. Look Forward for this story!!! Written By: makulaynaballpen XOXO