BallPen

123 4 9
                                    

--BallPen--

BALLPEN ---> a pen that has a small metal ball as the point of transfer of ink to paper. Ballpen is like a LOVE that when you write it, the letter or shape you write become a beautiful art and this mean you give a life to make them better, a colorful life and also you give a meaningful to him/her.

*******************************************

"Miss !" boses ng isang lalaki.

"Teka! Miss!!" Muli niyang sigaw ngunit hindi ako lumingon dahil hindi ako sigurado kung ako nga ba ang kanyang tinatawag. Ayaw kong mapahiya at magmukang tanga kaya patuloy pa rin ako sa paglalakad tsaka mamaya hindi naman ako yung tinatawag niya. Nasa quadrangle ako ngayon at kasalukuyang naglalakad papunta sa Canteen.

"Miss ! Miss sandali lang." dedma lang ako.

"Miss na naka-head-band na pink !!" Teka! Ako ba yun? Tinignan ko ang paligid sabay hawak sa head-band kong PINK? Hala! Ako nga iyon ! Paglingon ko nasa harapan ko na siya. Wow!! Ang gwapo niya! Yung buhok niya ang itim pati na rin ang kilay niya. Merun siyang Brown-eye na bilog na bilog tapos yung ilong niya mas matangos pa sa akin. Yung labi niya perfect, ang lambot parang marshmallow salambot. Pede kayang tikman?!! Agad akong pumikit habang papalapit sa kanya. Grabe ang lakas ng kaba ko at wala na kong iba pang marinig.

"Miss?! Ok ka lang ba?!" bigla akong naytauhan sa sinabi niya. Teka, kala ko ba kaya niya ako tinawag kasi gusto niya akong mahalikan? Sayang naman ! >__<

Ano bang pinaggagawa ko?! Nakakahiya naman! Grabe! Piling ko namumula ako sa kahihiyan. May nakakita kaya sa amin? Bigla siyang may inabot siya sa akin, pagtingin ko Ballpen ?? o__O hah?!! ito ba yung dahilan kaya niya ako tinatawag?

"Miss, nalaglag kasi yan kanina." sabay turo sa hawak kong ballpen. Yun nga ang dahilan kaya niya ako tinawag. Bigla tuloy akong nanghina -__- "Salamat" walang gana kong sabi sa kanya tsaka tumalikod. Ang lungkot ko talaga dahil sa nangyari sayang ang Marshmallow !!!

***********

"Ano hindi mo man lang tinanong yung pangalan niya?" sigaw ni best Lyan sa akin. Grabe talaga 'tong baba na'to walang patawad kahit sa tenga ko. Ikinuwento ko kasi sa kanya ang nangyari kahapon. Hindi man lang niya tinanong kung, 'ok lang ako' matapos yung nakaka-traumang pangyayari kahapon. Bestfriend ko ba talaga 'to?! Nagda-doubt na ako sa kanya TT__TT

"Aray! Ang sakit best ahhh!!!"

"Tanga ka talaga! Ayun na ang pagkakataon mo para magka-boyfriend na gwapo!" aray naman! para namang sinabi mong mga PANGET ang naging boyfriend ko. Bestfriend kita sa lagay na'to ahh!! Ang sakit magsalita niya nu?! Bumalik na ako sa kinauupuan ko dahil napipikon na ako sa kanya. Ang sakit talaga nung sinabi niya.

"Best !!! Tignan mo may gwapo sa classroom natin !!" di ko siya pinansin at nagpatuloy lang sa pagsusulat ng kung anu-ano sa likod ng notebook ko. Ang ingay rin ng mga classmate ko at nagtitilian pa. Sigurado ako kinikilig na naman yun. Basta gwapo, nangunguna yan si Bessy, di ko naman pinagkakaila na maganda siya. Sa aming dalawa mas malakas ang Sex appeal, ma-appeal sa mga lalaki kahit TOMBOY nga ehh. Kaya kung may manliligaw man sa amin mas marami at mas angat ang mga lalaking nanliligaw sa kanya.

*365 Days* One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon