My Boyfriend is... DEATH?!

465 6 0
                                    

Ummm... Sorry, dala lang ng pagkaaddict ko sa musical na Elisabeth... :) at sa Kuroshitsuji.   So... Enjoy at SANA ...SANA... magcomment at magvote naman kayo.  :D Walang silet readers.  PLEASE. :(

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~START~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Paano kung yung pinakaminamahal mo ay yung taong sadyang tinadhana para kunin ang buhay mo?   Literal na kukunin.  Papatayin ka niya.

ANONG GAGAWIN MO?

Ipagtatabuyan mo siya at iiwasan?

Ibibigay mo na lang ba yung buhay mo para mabuhay siya?

O KAYA NAMAN...

Sasamahan mo siya?

Ako si Elisabeth.  Elisabeth Lopez.  Masyado nang magulo ang utak ko.  As of now, nakaupo lang ako sa sala namin.  Inaantay si Tod, yung boyfriend ko na dumating.  Hindi naman siya inaabot ng ganitong katagal na dumating, ewan kung nagkotse siya o lumipad.  

Eto ang love story namin ni Tod.  Gusto ko tong ishare sa inyo dahil sabi ni Tod, marami na daw kalahi niya ang nagkalat sa mundo.  Hindi mo alam, andyan na pala siya, kausap ka.  

"BEEP!"  Nagkotse pala ang loko.  Kaya matagal. 

"ANDYAN NA! " Sigaw ko.  Dapat talaga pinaghihintay ang lalaki, pero iba kasi siya eh.  Baka pag pinaghintay ko siya may hindi magandang mangyari sa bahay. 

"Good choice." Sabi niya.  Tinitigan pa yung pinili kong damit.  "Shall we?" Sabay bukas ng pinto.

"Oo, sige.  Kelangan nagenglish pa?"  Banat ko. 

"Naman.  Uy, for formalities sake lang naman lang yun.  Dali, pag ikaw tinulak ko..." 

"O ano ngayon?" 

"Pag ikaw tinulak ko...baka kunin ko yung buhay mo.  At ayokong mangyari yun."

 Takot ako.  Pumasok na lang ako.  Ganon kasi siya, once na hawakan ka, todas ka na.  Kaya nga hindi kami masyadong nagkakaroon ng physical contact.   

Pupunta kami sa isang seremonya ng... basta.  Kwento ko muna yung bago nitong lahat:  Nung kakakilala lang namin.  Nung hindi ko pa alam.  Nung... noon, noon, noon, noon, noon pa. 

My Boyfriend is... DEATH?! [O N  H O L D]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon