BTW(Behind The Wall)

59 0 0
                                    

[MERRY CHRISTMAS and a HAPPY NEW YEAR!!]

A/N:  Iba ito sa mga chapters, back story ito nina Hero at Maxine.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~MAXINE POV~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Grabe.  1st day.  Ang daming assignment.  And projects.  At ang project namin sa quarter na ito? Ang magalaga at magpahatch ng itlog nga chicken.  Kapag successful, perfect na sa project grade.  And ang kapartner ko?  Si Hero. =">

AYY.  Halata ba?  Ok.  Titigil na. 

"♪♫ Cause I see sparks fly, whenever you smile

Greet me with those green eyes, baby as the lights go down.

Give me something that'll haunt me 

Whenever you're around♪♫"

Gosh.  Sino nanaman kaya 'to?  Sana naman hindi na si Sabbie.  My hands are so full of her today. Nasa bahay daw niya si DK.  Take note si DK si Angelo, ha.  Yun.  Kaya nakakaBV.  Sige, sagutin ko na nga yung phone ko.  

Pagopen ko, bumulaga ang picture ni Hero.  Yung self taken niyang picture, naka pout ng konti at nakapuff yung cheeks.  Parang bata. CUTIE!!

To: MAXipag

From: cHEROkee

Ummm, yeah.  Tungkol sa project natin.  May egg na akong nakita, since yung kapitbahay namin nagaalaga ng manok.  Kalalabas lang, kani kanina.  So ok na!

Favorite Color?

SO RANDOM. --____________--  Sagutin ko na nga lang.

To: cHEROkee

From: MAXipag

Nako, THANKS!  Tunay ka talagang kaibigan.. :))))) One down.  SALAMAT ULI!

FAVE COLOR:  Blue!

Hindi na sumagot ang loko.  SAYANG. </3 Hehe. :)

Baka matanong ninyo kung gaano katagal na kaming friends ni Hero at Sabbie.  Si Hero, ever since kinder, friends na kami.  Si Sabbie, Grade one naman.  

Tunay ka talagang kaibigan.  Bat ko nasabi yun?  Kasi yun talaga yung totoo.  Let me do the honors of telling you kung bakit kami friends ni Hero.

------------FLASHBACK-----------

Nasa swing lang ako.  Bagong salta sa school, kaya wala talagang friends.  Kumakain ako ng sandwich, na tanging baon ko that day.  All of a sudden, may mga bumungo sa akin.  And worse, yung sandwich na tanging pagkain ko that day, nahulog.  Pati ako, nahulog sa swing.  

Syempre, bata, iiyak talaga.  So iyak naman ako.  Mga 4 seconds lang ako tinignan ng lahat ng tao sa may playground, tas nagsialisan na.  Iyak lang, tutal wala naman na akong magagawa, eh.  Nang may biglang nagabot ng panyo sa mukha ko.

"O, panyo, punas mo na tears mo."  Sabi ng isang anghel.  De joke.  Sabi ng isang batang lalaki.  

"Wag ka na iyak. Ha?"  Tango lang ako.  Sabay tanggap nung panyo.  Hmm, ang bango.  

 "Um, yan lang ba food mo?"  Tango uli ako.

 "Ah.  O, sige, libre na kita.  Tayo ka na diyan.  Wag ka na iyak, ha?"  Then he held out his hand.  There's this certain something sa kanya na  nakapagpatahan sa akin.  Siguro yun yung silence.  Hinawakan ko na yung hand niya.  

 "Wag ka na talaga iyak, ha?"  Tas these 8 words changed my life.  "Hindi kasi maganda sa babae ang umiiyak, eh."  AHH.  So sweet. :")

My hero, sabi ng utak ko.  Then tinignan ko na siya ng matagal habang hinahatak niya ako papunta ng canteen.  Ang puti-puti niya.  Ang pouty pa ng lips.  Ang soft ng skin.  Hindi ko pa pala natatanong yung name niya.  

"Ano name mo?"  Tanong ko.  

"Ah, Hero.  Hero Santos."  WHEW.  Parang dinuduyan ako nung boses niya.  AND Hero pala ang name niya.  What a coincidence.  My hero's name is Hero.

--------------------END OF FLASHBACK-----------

-------------------HERO's POV--------------

Hay, buhay.  Ang sarap tulugan ng mga assignment.  Andami, eh.  Buti na lang nagawa ko na yung project ni Ma'am Josie.  Linsyak na itlog yan, buti na lang kapitbahay namin nagaalaga ng manok.  Binigay na lang sa akin.  Para naman maging masaya yung ISANG TAO. =")

To: MAXipag

From: cHEROkee

Ummm, yeah.  Tungkol sa project natin.  May egg na akong nakita, since yung kapitbahay namin nagaalaga ng manok.  Kalalabas lang, kani kanina.  So ok na!

Favorite Color?

Parang hindi ko naman alam na blue ang favorite color niya.  From that fateful day na nagkita kami sa my swing ng preschol namin, alam ko nang siya na.  She's the one.  Yun bang puppy love na mas malalim.

To: cHEROkee

From: MAXipag

Nako, THANKS!  Tunay ka talagang kaibigan.. :))))) One down.  SALAMAT ULI!

FAVE COLOR:  Blue!

Tss. Tunay na kaibigan.  Kundi lang ako dumating sa swing on that exact time that nahulog siya sa swing ay baka hindi ko na siya nakita uli.  Gan'to kasi yun...

------------------FLASHBACK--------------

Naglalaro lang ako dun sa may see-saw, kasama yung isang kaibigan ko rin.  Noong araw na yun ay badtrip na badtrip ako sa mga kasama ko, hindi kasi nila ako sinali sa laro nila.  So ayun, see-saw na lang.  Tutal andun naman yung bestfriend ko.

"UYYYY, si Hero, may nagugustuhan!"  Asar ni Mark, yung kasama ko sa see-saw.  Kanina ko pa kasi tinitignan yung batang babae na nasa swing.

 "Hindi ah!   Mark, tignan mo yung nasa swing.  Ang lungkot lungkot naman niya."  Sabi ko.    

"Edi lapitan mo!"

"Eh. Nakakahiya, eh."

"Nahiya ka pa."  Sabi niya sabay alis sa see saw para kumain.  

Pagtayo ko, nakita ko na yung mga kasama ko.  Sasabihin ko sana na isama ako, pero bigla na lang nilang naitulak yung batang babae sa swing.  Pati yung food niya, nahulog din.  Parang yun lang yung pagkain niya, iniyakan niya na lang.  Nilapitan ko na.

"O, panyo, punas mo na tears mo."  Sabi ko.  Inalok ko yung pinaka favorite kong panyo.  Hindi na nga niya yun binalik, eh.  Hinahanap ko.   

"Wag ka na iyak. Ha?"  Tumango lang siya.  Sabay tanggap nung panyo.    

"Um, yan lang ba food mo?"  Tango uli siya.  Hindi ata 'to nagsasalita  

"Ah.  O, sige, libre na kita.  Tayo ka na diyan.  Wag ka na iyak, ha?"  Tas pinatayo ko na.  Inalok ko pa yung kamay ko.  Ewan ko ba, sa tuwing may umiiyak, ako ang nagpapaalo.  Inulit ko uli, para hindi na talaga siya umiyak.

 "Wag ka na talaga iyak, ha?"  Tas inulit ko lang yung sinasabi ng tatay ko kay Mommy kapag umiiyak siya.   "Hindi kasi maganda sa babae ang umiiyak, eh."  

 Habang hinahatak ko siya, hindi ko maitatangi na bumilis yung tibok ng puso ko.  Eto na kaya yun?  Sabi ng utak ko.  Ah, ewan.  Tatanong ko si Daddy mamaya.  Nararamdaman ko yung titig niya, pero hindi ko sigurado.  "Anong pangalan mo?"  Tanong niya.  Ah, hindi pipi.  Muntik ko nang itanong kung pipi siya eh.  "Hero.  Hero Santos."  Sagot ko.  Ang sweet ng boses niya.  This is it,  sabi ng puso ko.

----------------END OF FLASHBACK---------------

A/N:  Yan, at least may back story na sila.  :) Salamat sa readers! Let's do this, guys!   :*

My Boyfriend is... DEATH?! [O N  H O L D]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon