OMG (Oo May Ganun)

210 3 0
                                    

Hayyy... Sana talaga may maglakas loob na pindutin yung nandyan sa gilid... SANA LANG...       JOKE! Basta no silent readers.  Comments are VERY,VERY VERY hepful sa akin.  First time ko pa lang po eh. :) So, ENJOY! :D

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~ELISABETH'S POV~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

"Non naye norae.. Nunul gamumyon dulyoonun soridul, gudae mameul, gudae jageun senggakdurul..." (You're My Melody by DBSK)   sabi ng alarm clock kong cellphone.  ARGH.  Umaga na uli.  At ano ibig sabihin nun?  PAPASOK NA  AKO.  First day ng classes, third year na ako sa Ridgewest High.  At kung gusto nyong malaman kung anong itsura ko...

O_____________________O. Ganyan.  Ganyan na ganyan.  

So, skip na natin yung mga seremonyas sa umaga.  Pagdating sa school, inabutan ko yung mga kaibigan ko, sina Hero at Max.  "HERO!  MAXINE!" Sigaw ko.  Tinginan lahat ng nasa Quad.  Kakahiya. *__*

"Diosmio, Sabbie, ang ingay ingay mo! Bunganga mo, huhugutin ko na,e."  Sabi ni Maxine, mas kilala sa tawag na Max.  Siya lang naman ang pinakamatalino sa  batch namin.  Sa sobrang hindi halata, pati mismong batchmates ko nagugulat kapag sinasabi ang name niya sa PA bilang 1st honor namin.SRSLY.

Anyway, nilapitan agad ako ni Max para matahimik na ako.  "Kahit ganyan ka, namiss kita! Akala ko aalis ka na talaga eh."  Sabi niya.  Paano kasi, nagbiro ako last year na magmimigrate na ako sa US.  Ayun, paniwalang paniwala si Max.

 "Ano ka ba, biro lang yun.  Mukha bang iiwan kita sa ere?"Sumbat ko.    

Humabol si Hero, pawis na pawis at mukhang may pinagtataguan.  "Tara na.  Mamaya na kayo magchismisan at alis na tayo.  May... May..." hingal niyang sabi.  "May ano?"  Sabi namin ni Max.  "May mga... may mga babae... habol... akin...".   Talaga kasing literal na habulin ng babae si  Hero.  Kahit ata lalaki nababakla pag nakikita siya, eh.  Siya ang number 2 sa batch, at pinakagwapo sa lahat ng gwapo sa school.  May secret akong iseshare ah! Pero wag nyo sabihin.

 Balak ni Hero ligawan si Max.  Para daw pag summer, lagi silang magkasama.  Lakas din ng tama ni Hero, eh.   

BACK TO THE STORY.  Ayun, hatakan kaming tumakbo paalis ng quadrangle namin at nagtago. Maya maya, narinig namin yung mga babae, sumisigaw...

"Asan na si Hero my labs!?"

"HERO! ASAN KA NA!"

"Eh. Inagaw na naman ni Max,eh.  Nakita nyo kung paano sila naghilaan kanina?  Kulang na lang, umamin silang sila na nga."

"Hindi kaya may kung anong milagro na silang ginagawa ngayon?"

"Paano naman si Elisabeth? Don't tell me..."

"Hmph.  Magkikita't magkikita din tayo, Hero.  At sa pagkakataong yun, akin ka na!  BWAHAHAHAH!"

Kulang na lang magtransform yung mga babae bilang witches.  Namutla namang parang labanos si Hero dun sa sinabi nung pangatlong babae.  At nangamatis naman si Max sa pangapat.  Paano ko nalaman?  Magbebestfriends kami, ano ba.  Pakiramdam ko nga mga kapatid ko na sila e.

After mga 1 minute, nagtatatakbo na kami papunta sa classroom namin.  Na nasa kabilang building.  Swerte lang talaga naman dahil magkakaklase kami uli.  Pagkatapos ng record breaking 5 minutes, narating din namin ang classroom at nakaupo, sakto sa bell.  UMPISA NA NG GIYERA! 

Kahit na sabihin niyong itong susunod na mangyayari e ang magdidikta ng buhay ko, excuse me, sobrang hate ko to nun,  Gusto mo malaman ang nangyari?  Ganito yun...

Edi andyan na  si Mrs. Manzanilla.  At may kasakasama siyang isang lalaki, almost kasing edad lang namin.  "Okay, class, this is Angelo Contreras, he will be your new classmate for this year.   Angelo, would you kindly introduce yourself?"  Sabi niya sabay tingin kay Angelo.

My Boyfriend is... DEATH?! [O N  H O L D]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon