"SiGN" [One Shot]

68 6 0
                                    

"lord give me a sign again. 3 sign for I week. If I saw the red roses, if I saw the blue shirt, and have provided my favorite chocolate, it means may crush din saken si crush. Amen."

Nag-sign of the cross na ulit ako at nahiga na sa kama ko. Tumingin ako sa ceiling.

Haayyy.. Sana naman magkatotoo na this time yung sign na hiningi ko sa kanya. Ilang beses na rin kasi akong humingi ng sign pero kahit isa dun wala pang nagkakatotoo. Nakakapagod din minsan but I have no intention to stop. Bwahahahaha.

By the way, ako ng po pala si Keimi Villaflor. Maganda (?) mabait at matalino ^_^ Hahaha. Simple lang pero kapag nakikita ko na si Kyler Sy, parang baliw na nakalabas sa mental na. 

Sino ba naman kasing hindi mababaliw sa lalaking yun? Varsity player, vocalist sa isang sikat na boy band at higit sa lahat, gwapo na matalino pa. Oh san ka pa? Eh di kay Kyler Sy na. Bwehehehe ^_^

  The next day,maaga akong pumasok para sa misyon ko este para sa sign na hiningi ko. Nagbabakasakali na baka magkatotoo na. Sana nga.

"Ang aga mo yata Keimi? Anong meron?"

Salubong saken ng bespren kong si Myka.

Napatingin ako sa kanya.\

"Wala lang. Masama na bang pumasok ng maaga ngayon?"

Napa-palatak sya ng tawa sa sagot ko. Ano namang nakakatawa dun? Hindi naman joke yun e.

"Hahahaha. Let me guess. Humingi ka na naman ng sign noh? Hahahaha."

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad ko. Baka sakaling makita ko yung isa sa mga sign ko.

"Alam mo na naman pala yung sagot nagtatanong ka pa. Psh!"

Luminga-linga ulit ako sa buong campus pero wala pa rin akong nakikita.

"Hahahaha. Are you not really contented? Eh halos mapikon na yata sayo si Lord ng dahil dyan sa kakahingi mo ng sign e. Kaya nga siguro kahit isa, wala pang nagkakatotoo. Bwahahahah."

Swear to god! Kung pwede lang pumatay ngayon kanina pa nakaburol tong babaeng toh. 

"You know what Myks? Kung wala kang magandang sasabihin, will you please shut your mouth?"

Binilisan ko na lang yung paglalakad ko hanggang sa makarating ako s aclassroom. Hinanap agad ng mata ko si Kyler pero wala pa sya. Mamaya pa yata dating nun.

Umupo na ko sa upuan ko at nagpangalumbaba ako habang nakatingin sa labas ng bintana.

"Haaaayy sana naman magkatotoo na yung sign ko."

Bulong ko sa sarili ko.

"KEIMI!!!!!"

"AY PALAKA KA!!"

Muntik na talag kong mahulog sa kinauupuan ko nung may biglang sumigaw sa may gilid ko. Tingingnan ko kung sino yun at napasimangot agad ako sa nakita ko.

"Baliw ka na ba talaga?!! Papatayin mo na bako?!!"

Nag-grin lang sya saken at tumabi sa upuan ko. Nilapit nya yung bibig nya sa tenga ko.

"Sorry.. Ang pangit mo kasi pag nakatulala e. Tsaka si Papa Kyler mo padating na."

Feeling ko pumalakpak yung tenga ko dahil sa narrinig ko. Tumingin ako kay Myka habang nakangit ng malapad.

"Really? Teka.. Maayos ba yung buhok ko? Yung mukha ko? Haggard ba ko tingnan? Ano?"

"OA lang? Hindi.. Okay na yan. Hindi naman tayo pupunta sa mall e. Kaya wag ka nang magpaganda. Wala na rin namang magbabago sa mukha mo. Hehehe Ba-bye."

"SiGN" [One Shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon