It's Me

2.1K 46 9
                                    

      Before you read, paki-on muna ang music sa gilid :) haha. panakot lang po. hehe

Don't Forget to: VOTE and COMMENT po. Thanks!

_________________________________________________________

Story Title: It's Me

Summary:  Isang mahiwagang text ang natanggap ni Leah isang gabi. Hindi niya alam kung sino ang nagte-text pero tila alam nito ang mga galaw niya. SIno ito? isang stalker? Panganib ba ang hatid nito kay Leah?

         Isang text message ang natanggap ni Leah habang nililigpit ang mga gamit. Magsasara na ang library at kailangan niyang umuwi.

      Alas-nuwebe, magsisi-uwian na ang mga tricycle driver. Ayaw niyang maglakad pauwi dahil isang madilim at mapunong bahagi ang madadaanan nya. May matandang babae raw na nagpapakita roon.

        “Tapos ka na?”

        Hindi kilala ni Leah kung sino ang nag-text. Wala sa kanyang phone book. Hindi na lang niya iyon pinansin.

         Tinanguan lang niya si Mrs. Cagas, ang librarian nang madaanan niya palabas.

          Nasa may hagdan na siya nang may mag-text uli.

         “Mag-ingat ka sa pagbaba sa hagdan na ‘yan. Baka maapakan mo ang balat ng saging.”

          Loko-loko ba ‘to? Tanong ni Leah sa isip. Imposibleng alam ng text na nasa hagdan na siya.

        Para makasiguro ay nagmasid siya. Wala naman siyang makitang tao. Madilim ang hallway. Wala nang katao-tao sa paligid. Mas imposibleng si Mrs. Cagas ito!

          Pero sinunod niya ang babala sa text.

        Pagbaba niya ng apat na hakbang, muntik na nga niyang matapakan ang balat ng saging. Kumunot ang noo niya. Nagtataka siya habang pinupulot ang balat ng saging at itinapon sa basurahan. Sino ba ‘tong nagte-text?

       Muling tumunog ang cellphone niya. Napalunok siya. Dahan-dahan niya iyong inilabas sa bulsa niya.

       “Doon ka sa hallway sa may guidance counselor’s office. Sira ang mga ilaw sa hallway na dinadaanan mo.”

     Shit, may stalker ako? Kinabahan si Leah. Kung susundin niya ang text, sa Gate 1 ang direksyong tatahakin niya. Eh, sa Gate 2 siya lumalabas. Kaya doon siya sa dating dinadaanan niya dapat dumaan.

         May nag-text ulit.

         “Sarado ang Gate 2. Wala ang guard doon. Wala ring tricycle roon. Sa Gate 1 ka dumaan.”

     Hindi ako naniniwala! Naiinis na si Leah. Nagpasya na siyang mag-reply. Hindi rin niya sinusunod ang direksyon ng nagte-text.

        “Sino ka ba? Bakit mo ba ako sinusundan?” reply ni Leah.

        Nang marating niya ang dating dinadaanan niya, nakita niyang madilim iyon. Lumunok siya at binaybay ang hallway. Hindi nagre-reply ang mysterious texter o baka stalker!

         Naabot niya ang Gate 2. Sarado iyon. Wala ang guard.

        Muling tumunog ang cellphone niya.

        “Sabi ko sa’yo, di ba?”

       Pakiramdam ni Leah ay nanlalaki ang ulo niya. Ramdam na ramdam niya ang pag-iisa habang binabasa ang text. Kung masamang tao ito, anong gagawin ko? Paano kung inaabangan niya ako sa Gate 1? Pero andun ang guard!

True Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon