All the Little Things

383 12 16
                                    

Salamat dahil bumabasa pa rin kayo sa istoryang ito. Salamat ng marami :D Sorry sa slooooooow update. Busy po kasi, at 2nd sem na. Salamat.

***

NASH's POV

"Saan ba tayo pupunta?" tanong sa akin ni Sharlene. Hindi ko siya sinagot, sa halip niliko ko ang sasakyan upang makapagpark. Andito kami ngayon sa paanan ng isang maliit na hiking place. Pinuntahan na namin ito noon. Dito kami ng picnic noong first date namin bilang couple. Hays, naalala ko pa. Ang gulo nameeen noon. :D

"Napasmile ka?"

"Wala, may naaalala lang ako. Halika na nga." Hinawakan ko ang kanyang kamay upang igiya siya. Yosh. Libreng chansing. Nasa isang kamay ko rina ang bag namin.

"Lemme guess, hiking?"

"Yeep."

"I sooo love this." at nagsalita na siya ng salita. I soo love this daw, eh bugbog naman tainga ko sa mga maktol niya sa akin. SAMPLE gusto nyo?

***

"Araaay naman. Ang sakit na sa paa. Bakit kasi itong sapatos na ito ang dinala mo? Yung blue sana. Ang ganda kaya noon." sabi nya. Nagmamaktol siya kasi, magkaparehas kami ng shoes. Haha. Para-paraan lang dre :D

"Araaay naman. Natisod ako. Infairness ha, malubak ang daan."

"Anoo ba to. Ang kati-kati na."

"Nauuuhaw ako." ako naman, binigyan agad siya ng tubig.

"Ayoko na." umupo siya sa lupa. Inatake ng pagkatamad.

"Kargahin mo ako! Yung piggy-back ride." sabi nya, tapos, lumundag sa likod ko. Kay kulit na bata. Haaaaay. Pero, okey lang. Lab ko etong batang ito eh.

Malapit na kami sa itaas nang magsalita ang babae. Akala ko tulog na eh. Ako lang abg parang nag-eexsersays dito. Nakooo.

"Bakit parang napaka special talaga ko talaga sa iyo?"

"Hindi mo ba talaga na tatandaan?" luminga-linga siya. Napabuntong-hininga ako.

"Kasi nga diba, ang alam ko, magbestfriends lang tayo?" sabi niya. Yea, it do hurts at ayokong masaktan pa ng masyado. Babawiin ko siya, ni matter what.

Nahiga kami sa damuhan nang maiready ko na ang lahat matapos naming marating ang tuktok. Naglatag ako ng Picnik Mat na dala-dala ko.

"Special ang lugar na ito sa akin. Dito ko dinala ang girlfriend ko noong paea sa first official date namin. Gusto mo bang malaman ano ang ginawa namin?"

Tumango siya. Bumangon ako, umupo at kinuha ang kamay niya.

"Sinabi ko sa kanya, Mahal na Mahal ko siya. Hindi ko siya ipagpapalit sa kahit kaninong babae sa buong mundo. Ayokong nakikita siya nasasaktan dahil mas nasasaktan ako." infairness sa kanya, nakikinig talaga siya. Hindi ba niya talaga naaalala na siya ang girlfriend ko?

"Mahal na mahal ko siya, at mahal na mahal nya rin ako. Sabi niya, ako lang ang lalakeng iibigin niya ng ganito ka tindi. Hindi nya ako ipagpapalit kahit maghubad pa si Adam Levine sa harap niya. Ganun niya ako kamahal." umiyak na ako. Hindi ko alam kung bakit, ngunit isa lang ang nararamdaman ko, nasasaktan ako sa tuwing inaaalala na hindi ko nagawa ang responsibilidad ng isang mabuting boyfriend.

LoveStory ni EpangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon