He Harana Me. Nope.

307 14 4
                                    

HiHello Nashleners! Dahil nakapanood ako ng isang cute na movie, update na uleeee ako. HiHello sa mga sumuporta sa LOVESTORY ni EPANG. Naka-3k reads na tayo! Yehey.

Anyways, kinuha ko lang sa youtube ang video. Tinamad na akong mag-edit. Patawad.

Keep the love mga loves :D

***

Nakatulog ako kagabe namay smile sa labi. Ang kulit talaga nitong si Zac. Ang daming satsat. NAgskype rin pala kami kagabe. Oo, parang tanga lang. Eh nasa kabilang bakod lang naman ang ugok. Anong ginawa namin?

*Flashback*

"Good Night Arley. I love you." nawala ang antok ko. Si Zac yun ah?!

"Ano ba ang nakain mo at iyan ang pinagsasabi mo?"napatayo talaga ako.

"Skype tayo."

"Haaa? Pumunta ka nalang dito."

"Ayaw. Tinatamad ako. Please?"

"Osige na nga."

After 30 minutes....

"Ano ba yang ginagawa mo? Inistorbo mo lang ako dahil gusto mong makita kitang nangungulangot?" Kanina pa kami online. Pero hindi umiimik.

"Sorry." he said. He seemed bothered. Nakayuko siya eh

"Problema mo?" 

"A-ah. Arley, kasi, nahihirapan na ako."

H-ha?

"Haaaa? Ayaw mo na akong maging bestfriend?"

"Oo. Hindi. No. I-i mean, Oo. Ayaw na kitang maging bestfriend."

H-haa? I was devastated.

"Kasi, gusto na kitang maging girlfriend." sabi niya sabay kanta.

*Flashback End*

Nagising naman ako sa tone ng aking cellphone. Hindi ko na sinilip kung sino ang tumatawag, antok na antok pa ako eh.

"H-he-"

"Goodmorning. Halika sa labas. May surpprise ako!"

At dahil ganyan sunud-sunuran talaga ako kapag bagong gising, sinilip ko kung ano ang ginagawa niya sa labas.

(Play the video. Just watch the dancing-dancing na :D)

At napaluha ako nang matapos siyang sumayaw.

"Goodmorning Babe! Alam ko na nagtataka ka kung bakit ako andito sa labas at sumasayaw. Babe, kagabi, I confessed that I love you. Oo po. Mahal kita. Mahal na mahal na gusto ng sumabog ng puso ko."

Lumuhod siya at kinuha ang bouquet na binigay ng isang lalake.

"I love you. Please allow me to court you."

NASH's POV

"I love you. Please allow me to court you."nawala siya sa bintana. Pero, I know she won't let me down. At tulad ng inaasahan ko, andito na siya. Parang tumigil ang pag-inog ng mundo nang makita ko siya.

"Z-zac? Zaaaaaaaaac!"umiiyak na siya habang nakatingin sa akin. Hays, my Arley. My only Sharlene San Pedro.

"I love you. Please allow me to court you." inulit ko ang sinabi ko. Magsasalita na sana siya nang may magsalita sa likod ko.

LoveStory ni EpangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon