chapter 2

1.1K 31 0
                                    


King vlad 's POV

Nagkakagulo na ang mundo namin Simula ng ipanganak ang aming munting prinsesa..naging agresibo ang mga kaaway dahil ,isinilang na ang itinakda ng propesiya. Natatakot kami sa pwedeng mangyari sa aming anak dahil alam naming Hindi na sya ligtas dito kaya Isa lang ang naisip ko ,ang mundo ng mga tao..maaaring mamuhay dun ng maayos ang aming anak
Kaya dali dali kong pinapunta si Vanessa sa mundo ng mga tao.Bago sila umalis isinuot ko ang kwintas ko na  galing pa aking mga ninuno..naitatago nito ang Amoy ng isang vampira. Nalulungkot ako dahil malalayo kami sa aming anak pero kailangan..pagkaalis ni Vanessa sabay nagdatingan ang mga kalaban na kasama doon ang aking kapatid.,kapatid ko na di ko akalain na magtataksil sa aming lahi ng dahil sa ambisyon nyang maging hari at mamuno sa aming lahi..,ngunit batid namin ang kanyang balak ,kaya napagdesisyonan ng mga hukom at ng aming ama na hirangin ako bilang bagong hari ng  aming kaharian.,kaya lalong naghimagsik sa galit ang aking kapatid..binalak nya akong paslangin ngunit nabigo sya ,nagalit ang aming mga magulang dahil sa ginawa nya kaya sya pinarusahan,ikinalulungkot ko talaga ang mga nangyayari sa aking kapatid ,ganun pa man mahal ko ang kapatid ko..Hindi kami nagkakalayo ng idad..matanda lang ako sa kanya ng isang taon. Hindi naman sya ganyan dati ,alam Kong kinaiinggitan nya ako dahil madalas akong pinupuri dahil sa aking tagalay na kakayahan. At mas lalo syang nagalit sakin dahil sa iisang babae ang tinitibok na aming mga puso .. Oo tama kayo na inlove kami sa iisang babae na walang iba kundi si Vanessa. Hindi sya vampire tulad namin Hindi rin sya lobo tulad ng aming kaaway.,kundi Isa syang mortal.

THE VAMPIRE PROPHECYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon