Vera POV
"The number you have dialed is either unattended or—" pinindot ko ang end button ng phone ko dahil sa inis. Ilang beses ko nang tinatawagan ang boyfriend ko pero di pa rin macontact.
Dalawang linggo ko na siya na hindi nakikita, o makausap man lang. Namimiss ko na ang mokong na yun. Hectic kasi ang schedule nila dahil soccer athlete siya, naiintindihan ko naman pero gusto ko talaga siyang makita.
Tumayo ako sa kinauupuhan ko at tumingin sa bintana ng classroom nang biglang
"VERA!!" sigaw ni Kine na patakbo sa kinaroroonan ko. Si Kine Hillary Villa, ang best friend ko since first year pa lang ako. Una pa lang alam ko na good impression na agad ako sa kanya. Kahit na madaldal 'to, mahal namahal ko pa rin." Ano na naman? Ang aga aga nagsisisigaw ka?" sabi ko sa kanya. May kailangan na naman ba 'to?
"Sorry girl. Pero lumabas ka na dali! May gulong nangyayari sa labas" sabi niya sa akin. Gulo? Anong gulo? Since gusto ko ding makita, dali-dali akong naglakad papunta sa hallway habang nakasunod naman si Kine sa akin. Anong meron? ba't andaming tao? Unti-unti akong nakalapit at nakita ko si Red na nakatingin sa akin, nakahawak ito ng boquet. Oh no! here he comes. Ayan na!!
"Babe, I love you" bulong nito pagka-abot na pagkaabot niya sa boquet.
Maya-maya, nagsilabasan ang mga kasama ni Red. Nag-ayos ng mga instruments. Kinuha ni Red ang microphone sa stage at sinimulan nilang patugtugin ang mga instruments. Di ako makagalaw sa kinatatayuhan ko. Hinaharana nila ako! >_<''
>>By Your Side- Lifehouse<<
All I want now is to be with you
Inumpisahan ni Red ang pagkanta. Ang gwapo ng boses niya. Nakakalaglag panga.
Nakita ko siya na nakatingin sa akin at di ko maiwasang mapangiti. Lahat ng tampo ko sa kanya ay tila nawala.
When you feel lost
and you can't find yourself
When words around are lost
you can hear me sayI'll be by your side
When your hope is dead
I will still be aroundNapaluha ako sa saya. Nakita ko siya na tinanggal ang gitara at lumapit. Dahan-dahan niyang hinawakan ang aking mga kamay at lumuhod sa harapan ko.
"I'm sorry for making you worry Vera" mas lalo akong napaluha sa mga sinabi niya. Pinatayo ko siya at hinawakan ang gwapo niyang mukha.
"Shh.. Stop crying my girl" sabi niya habang pinupunasan ang luha ko. Humawak ito sa baba ko at unti-unting iniangat. He gave me a tender kiss.
"I miss you" sabi ko at yumakap sa kanya ng mahigpit. Nagpalakpakan ang mga tao sa paligid namin at may mga cardboard na may mga letra— I'M SORRY BABE.
Aww what an effort nga naman nakikilig tuloy ako ng patago, kompleto na ang araw ko dahil nasa tabi ko ulit ang taong mahal ko.
Matapos ang makabuluhang effort nina Red, napagdesisyonan naming magdinner sa isang resto. Lunch sana kaso may practice pa sila sa soccer kaya kami na lang ni Kine ang nag adjust.
---+++--
Hininto ni Red ang kanyang sasakyan. Hinatid niya ako at kasalukuyang nasa harap kami ng apartment na tinitirhan ko.
Humarap ako sa kanya "Salamat sa paghatid, binuo mo ang araw ko ngayon. Ikaw talaga pinaiyak mo pa ako sa harap ng maraming tao." pabiro kong sabi sa kanya. Nakatingin ito sa akin na nakangiti.
"Anything for my girl." sabi niya at hinalikan ako sa noo. Waahh. Natutunaw na ako sa kilig. Chill Vera chill.
"I'll fetch you tomorrow. Babawi ako sa mga araw na wala ako."
"Ok. See you tomorrow babe." pagpapaalam ko at bumaba na ng kotse.
Pagkarating ko sa loob, may nakita akong mga box sa tapat ng kabilang pintuan. May bagong renter ba dito? Wow for the first time na magkakaroon ako ng neighbor.
Di na ako nag-aksaya ng oras at pumasok sa loob. Agad akong nagshower at nagpalit saka patamad na humiga sa kama ko. Hah! what a day—happy, tiring, but memorable day.
YOU ARE READING
The Runaway Neighbors
FanfictionLet's face reality. Kung ikaw ay ipapakasal sa taong di mo mahal at di mo kilala, gugustuhin mo ba? Syempre hindi or baka sabihin niyo na naman, depende. Pero sa akin Hindi! a big NO NO! Arranged Marriage! Oo arrange arrange na naman. Pero wag kayon...