Chapter 4: He's my Neighbor

0 0 1
                                    

Vera POV

Maaga akong nagising dahil gusto kong bumawi kay Red. Ayoko naman kasing maging unfair sa kanya at saka gusto kong makipagkwentuhan kay Kine.

Okay naman ang gabi ko ngayon dahil tumahimik ang katabi kong kwarto.

Di ko man lang alam kong ano ang itsura ng ka-apartment ko pero ang sabi ng landlady, student din daw siya.

Maganda kaya? o gwapo ba? Saan kaya siya nag-aaral?
Anubayan! That's not my business.

Inayos ko ang mga gamit ko at nilapag sa kama ang mga libro, nagsuklay ng buhok at nagsapatos.

Wooh! Am ready.

Pinihit ko ang door knob at nag- inat inat. Alam mo ba yung feeling na parang nakalaya ka? oo basta ganon.

Narinig ko na may nagsara ng pinto sa kabila . Kalalabas lang ng isang lalake galing sa loob.

Nakatingin lang ako sa kanya, total nakatalikod naman ito.

Ang ganda ng body figure niya, damn sexy back! Enough Vera enough! May boyfriend ka.

Unti-unti itong humarap ngunit nakayuko pa rin.

(  >_>) T-teka?! (0_0)

Nagkatinginan kaming dalawa. Agad akong umiwas dito.

Arrgghh! So ikaw pala huh?!

"Goodmorning Vera? Such a small world nga naman." bati niya. Naningkit ang aking mga mata.

Goodmorning?! Wala na eh,—wala na ang  GOOD sa morning ko. Sinira mo! -.-

Erase erase sa mga sinabi ko kanina. Di pala gwapo ang kapitbahay ko. Isang salot sa lipunan.

"So ikaw pala ang bwisit na kapitbahay ko na walang konsiderasyon sa mga tao sa paligid niya?!" pagsusungit ko.

Of all people na pwede kong maging kapitbahay, siya pa?! Such a cruel world.

"Ang ganda-ganda ng bati ko sayo tapos ganyan an isasagot mo? Iba ka talaga Vera." sabi niya. Bakit sa tingin mo ba magkakainterest pa akong pansinin ka?! Likod mo lang naman ang maganda!

"Don't talk to me Fontana. Di tayo close." sabi ko. Mukha siyang timang na nakangiti sa harapan ko.

Makaalis na nga. Sayang ang laway at oras ko kung makikipagtalo na naman ako sa aroganteng tao na 'to.

---+++---

Tyrone POV

Kinuha ko ang susi ng kotse sa mesa at dumiretso sa pintuan. Pupunta na ako sa school dahil may kailangan pa akong asikasuhin na papeles sa paglilipat ko.

Sinara ko ang pintuan at tumalikod. Napansin ko na parang may tao sa unahan ko at nang makita ko, si Vera lang pala.
Wah! ang galing naman ng tadhana.

Nagkatinginan kami ngunit agad itong umiwas. Self-conscious ba?
Nakabuo agad ako ng ideya sa isipan ko na medyo ikinangiti ko.

"Goodmorning Vera? Such a small world nga naman." bati ko.

Tumingin ito ng masama sa akin. Tinignan ko naman siya na nakangiti pa rin. Humawak ito sa strap ng sling bag niya.

"So ikaw pala ang bwisit na kapitbahay ko na walang konsiderasyon sa mga tao sa paligid niya?!" bulyaw niya.

Whoa! Chill lang. Ang aga- aga nababadtrip na agad ah. Meron ba siya ngayon? Wala naman akong nasabing masama sa kanya di ba?

And about that music, nakalimutan kong patayin ang stereo nung lumabas ako at nakarepeat din pala siya. Muli lang itong nagsounds nang makaalis na ako papuntang bar.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 01, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

 The Runaway NeighborsWhere stories live. Discover now