"Come over Vera. I want to see you badly."
Binasa ko ang note na nakalagay sa isang chocolate at flower delivery galing sa kanya.
"Ikaw din naman gusto kong makita" pagkakausap ko sa sarili ko.
Naligo agad ako at nagbihis. Simpleng shirt,jeans, at doll shoes lang ang suot ko.
Kinuha ko ang isang rosas sa boquet na pinadala niya sa akin. Di ako nagsabi na pupunta ako dahil gusto ko siyang surpresahin.
Habang nasa sasakyan ako, may email na galing sa unknown number. Agad ko itong binuksan at nakita ang litrato nilang nagyayakapan ng ex niya.
Nabuo ang pagdududa ko sa kanya pagkakita sa mga litrato na iyon ngunit pinakalma ko ang aking sarili dahil buo ang tiwala ko na di niya ako lolokohin.
Nang makarating ako sa tapat ng bahay niya, nakita kong lumabas ito kasama ang ex niya. Ang masakit pa ay kitang kita ng dalawa kong mata na naghalikan sila.
Nagising ako ng wala sa oras dahil sa aking panaginip.
"Not again.. please" bulong ko sa sarili at sinapo ang ulo ko.
Nagbabalik ang ala ala ko sa pinakaunang tao na minahal at nagdulot ng masakit na nakaraan.Nakatulog pala ako kagabi habang tinetext si Kine. Hayy.
Kinapa ko ang cellphone ko sa side table at tinignan ang message galing kay Red."Goodmorning sunshine. See you later." napatawa ako ng bahagya. Ang sweet talaga ng Boyfriend ko. (*0*)
Tumayo ako at dumiretso sa banyo upang maligo at makapaghanda dahil baka ilang minuto na lang ay darating si Red.
---+++---
[SCHOOL]
"I'll see if I can take you home after school Vera. Baka kasi matatagalan ang practice namin dahil mag oovertime kami para sa competition." pagpapaliwanag ni Red habang papasok kami ng gate.
"No. You don't need to pressure yourself Red. Naiintindihan ko naman and I can handle myself. Magsasabay na lang kami ni Kine pag-uwi." sabi ko. Ayoko naman kasi na mas lalo pa siyang mapagod lalo na at over time pa.
Nakikita ko naman na naghahanap siya ng paraan upang makasama ako.
"Are you sure?"
"Yep, and besides gusto ko ding magmall kasama si Kine" sabi ko na nakangiti.
"Okay, I'll see you later then. I love you babe." niyakap niya ako at naglakad papunta sa kabilang building kung saan naroroon ang first class niya.
Maghihintay pa ako ng 30 minutes bago mag-umpisa ang klase ko kaya tinawagan ko muna si Kine at tumambay sa canteen .Parehas kasi kami ng schedule sa mostly na klase.
"Ikaw ah tinulugan mo ako kagabi. Bawi ka sa akin ngayon" pagmamaktol ni Kine.
"Sorry na. Masyado kasi akong napagod kahapon kaya ako nakatulog ng di naoras." sabi ko nang nakangiti.
"Dapat bumawi ka ngayon." pag uulit niya. Paano ba ako babawi? Ay alam ko na.
"Malling tayo mamaya,same dismissal naman tayo." nakita kong tumingin siya sa akin at naghihintay ng confirmation sa sinabi ko.
"Seryoso nga, magmomalling tayo ngayon. Di ko makakasabay si Red dahil may practice sila" sabi ko ulit. Nakatingin pa rin siya sa akin. Alam ko naooverwhelm na naman to.
"Tara na nga." nauna akong tumayo at inumpisahang maglakad. Agad naman siyang sumunod at sumabay sa akin.
Kine POV
Matapos ang klase namin, nagpunta kami ni Vera dito sa mall. It's been a while since the last time we went out together.
Bumili kami ng bagong gamit. New dress,new footwears,shirts and other girl stuffs.
After some hour, we decided to finally go home dahil madilim na din.
Naglalakad kami papunta sa main entrance at nilagay ang mga pinamili namin sa sasakyan nang biglang tumigil si Vera at nakatingin sa entrance. Anong nangyayari dito?
"Bakit?"tanong ko.
Natulala siya at parang may iniisip na hinahanap na ewan. Bigla siyang tumakbo papunta sa loob.
"Hey! San ka pupunta?!"
sinara ko ang pinto ng kotse at sinundan siya sa loob. Saan ba pupunta ang babaeng 'yun?Nagsilip silip ako sa mga stores upang tignan kung nasaan siya at nakita ko naman agad siya sa way papuntang CR.
"There you are. Anong bang ginagawa mo?"
Hinihingal ako. wooh
"Ha Ha. Nag-abala ka pa. Wala nag-CR lang ako. Ano tara na?" sabi niya at bahagyang napangiti.
CR? CR ba talaga? eh mukhang may hinahanap ka eh. Ang weird naman ng taong to.
"Weh? Seryoso? Eh kung makatakbo ka wagas. May tulala effect ka pa kanina." sabi ko habang pabalik kami sa kotse.
"Di ko na kayang pigilan eh kaya tumakbo na lang ako."
"Hay nako!"
Pinaandar ko ang kotse. Hinatid ko muna si Vera sa apartment niya bago ako makarating sa bahay. Alam ko naman talaga na hindi siya okay pero baka wala pa sa tamang panahon na sabihin sa akin kung ano man iyon.
Vera POV
Pumasok ako at sumalagpak sa kama.
Siya kaya ang nakita ko? Ano naman ang ginagawa niya dito eh nag-aaral din siya sa States diba?
Impossible na siya yung nakita ko. Lampa siya eh.
.
.
.thinking
.
.
.thinking
.
.
.Uwaaahhhh! Tama na nga. Nakakasakit nang ulo.
Makatulog na nga.
YOU ARE READING
The Runaway Neighbors
Hayran KurguLet's face reality. Kung ikaw ay ipapakasal sa taong di mo mahal at di mo kilala, gugustuhin mo ba? Syempre hindi or baka sabihin niyo na naman, depende. Pero sa akin Hindi! a big NO NO! Arranged Marriage! Oo arrange arrange na naman. Pero wag kayon...