Chapter two

9.5K 120 6
                                    

† Chapter Two †

Narinig nilang nagsalita si Nathaniel.

Na nakapagpagaan ng kalooban ng mga kabarkada niya.

"Malapit na tayo sa rest house."

Napahinga si Erika ng malalim.

Napangiti naman si Nick.

Pero halata pa rin ang bakas ng takot sa mukha ni Krissa.

"Krissa, bakit??"

"W-wala."

"Tumahimik na lang muna tayo. Wala munang magsasalita tungkol sa nangyari." utos ni nathaniel.

Wala nang nasagot ang buong bakada.

Nakarating na sila sa rest house nila Nathaniel.

Bumaba na sila sa sasakyan.

"Wow! ang sossy naman ng rest house mo!" sigaw ni Erika sa tuwa.

"antique , pero vintage." sabi naman ni Nick

"Tara, pumasok na tayo." wika naman ni Nataniel.

Sumunod naman sila kay nathaniel.

 "Welcome sir!" pambungad ng mayordoma.

"Thank you." sagot naman ni Nathaniel.

"Meding, kunin niyo na ni Aiza ung mga bagahe nila sir." utos ng mayordoma.

Sumunod naman ang dalawang katulong.

"Ituro niyo na rin kung saan yung isa-isang mga kwarto nila."

"Sige po. Sumunod na lang po kayo sa min."

"Sige, sumunod na kayo. sunod na lang rin ako sa inyo maya-maya. Kakausapin ko muna si Aling

Selia." ani Nathaniel.

Sumunod naman sa dalawang katulong ang buong barkada.

Hinatid sila ng dalawang katulong sa isang malaking kwarto.

"Maiwan na po namin kayo." anang dalawang katulong. "Tawagin niyo na lang po kami kung may

iba pa po kayong kailangan."

"Sige po." sagot namnan ni Krissa.

Umalis na ngaang dalawang katulong.

"this room is creepy." reklamo ni Erika.

"Wag ka nga ngang magreklamo. Buti nga binigyan tayo ng kwarto eh." tuligsa naman ni Dan.

"Teka lang, nasaan si Nick." sabat ni Krissa.

Napansin na lang nilang wala na si Nick sa tabi nila.

"Nick.." sambit ni Erika sa tonong naghahanap.

Pumunta si Erika sa C.R. ng kwarto.

Kinabahan siya.

Unti-unting bumubigat ang pakiramdam niya sa bawat hakbang na ginagawa niya papalayo sa

dalawa niyang kasama.

Nang makarating na siya sa kwarto.

Tiningnan niya ang paligid.

Ang lamig ng paligid.

Lalo itong nagpataas ng kanyang mga balahibo.

"BULAGA!!!!!" panggugulat ni Nick.

"AHH!!!" sigaw naman ni Erika sa sobrang pagkagulat.

"Erika! ERIKA!" sigaw naman ng dalawa niyang kasama.

Nang makarating sila sa C.R.

Nakita nila si Erika na umiiyak.

"Anong ginawa mo Nick?!" tanong ni Krissa.

"Parang tanga kasi tong si Nick eh!" sigaw naman ni Erika sabay paghinto ng pag-iyak.

"Hay naku! mabuti pa, bumaba na tayo. sabi kasi ni Nat susunod lang raw siya sa 'tin. hindi naman

siya sumunod." sambit ni Dan.

"Tara na nga! natatakot na ko dito eh. G*go naman kasi tong si Nick eh! ginulat pa 'ko!"

Paalis na sila nang mapansin nilang hindi pa gumagalaw si Krissa sa inuupuan nito.\

"Ayaw mo bang sumama?" tanong ni Nick.

"Dito na lang muna ko. Nahihilo pa kasi ako sa biyahe eh."

"Sige. pagaling ka na lang." sabi ni Erika.

Binuksan na ni dan ang seradura ng pinto.

At bumaba.

Si Krissa na lang ngayon ang nasa kwarto.

Nakarinig siya ng kalabog sa C.R.

"Wag mo nang puntahan krissa..." sambit niya sa sarili.

Pero hindi niya na napigil ang mga paa niyang pumunta sa pinanggalingan ng tunog.

Nang makarating siya sa pinanggalingan ng kalabog, nabigla siya nang makitang walang katao-

tao sa C.R.

Agad siyang tumakbo pabalik sa kama na kanina lang ay hinihigaan niya.

Agad siyang nagtalukbong ng kumot.

Umihip ang malakas na hangin.

"TAMA NAH!!!!!" napasigaw siya.

Agad ring huminto ang hangin.

Narinig niya ang boses ng apat niyang kasamahan na papaakyat sa kwarto.

"Anong nangyari?!" tanong ni Nathaniel.

Nakita na lang nilang lumuluha si Krissa.

"Ikwento mo sa 'min kung anong nangyari Krissa.." 

"May narinig akong kalampag sa C.R." pagsisimula ni Krissa habang tumatangis.

"Pero nang pumunta ako sa C.R. walang tao. kaya tumakbo ako papuntang kama tapos

nagtalukbong ng kumot. Tapos humangin ng malakas."

"Nat, hindi kaya ito yung sinasabi ng matanda. na maghihiganti siya?" tanong ni Nick kay

Nathaniel.

"Nick, natatakot ako." sambit ni Erika habang nakapulupot sa braso ni Nick.

Lola Cresilda (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon