† Epilogue †
"AHHHHHH!!" sigaw ni Nathaniel.
Kasalukuyan silang nasa byahe papuntang bayan ng San Lorenzo sa Capiz.
Dito kasi nila napagdesisyunan na magselebra ng Halloween sa rest house nila Nathaniel sa
naturang probinsya. Ayon kasi kay Nathaniel, mas marami raw thrill kung sa resthouse nila
iseselebra ang halloween. Mahigit Sampung Oras na silang nasa byahe. Medyo pagod na rin si
Dan, sya kasi ang nagmamaneho ng Isuzu Alterra na sinasakyan nila. Hindi pa kasi sya natutulog
simula nung magbyahe sila patungo nga ng Resthouse nila Nathaniel. Call center agent kasi ang
trabaho nya at na-aktuhan pang night shift sya. Kaya hanggang umaga ay wala pa syang tulog.
"Ano ba yan Bro?! Mas malakas pa yang sigaw mo sa pinapakinggan kong tugtog eh!"
pagrereklamo ni Nick.
"Ano ba kasing problema? Bakit ka napasigaw? Ang sarap-sarap ng tulog mo tapos ngayon bigla
ka na lang sumisigaw ng wala kaming kaalam-alam.." ani naman ni Erika.
"P-papunta tayong San Lorenzo?!" hindi maka-paniwalang sambit ni Nathaniel. "Bumalik tayo sa
maynila Bro, Bilisan mo ngayon na!" pag-uutos ni NAthaniel sa kaibigang nagmamaneho ng
naturang sasakyan.
"Ano?! Nababaliw kana ba?! Andito na tayo oh! Malapit na! Tapos magba-back out ka?!" pagtataka
ni Dan.
"Wala ka bang napanaginipan, Krissa?!" pagtatanong ni Nathaniel sa kaibigan.
"Napanaginipan saan?! Buong byahe natin gising ako pa'no ako mananaginip?!"
"Ano ba talagang nangyayari Nat?!" pagtatakang tanong ni Erika.
"Wala ka man lang bang napanaginipan tung kol sa mangyayari?!"
"Wala nga eh!" nagngangalit na bulalas ni Krissa.
"Ano bang nangyayari sa 'yo bro?!" pagtatanong ni Dan.
"Dan, bumalik tayo sa maynila.." pinipilit kalmahin ni Nahtaniel ang sarili.
"Bakit nga?!! Nakakapanibago ka ah!" pasigaw na wika naman ni Nick.
BINABASA MO ANG
Lola Cresilda (Completed)
FantastiqueAng kwentong ito ay nabuo sa pangalan ni Lola Cresilda na nasawi sa isang aksidente kung saan siya'y nasagasaan ng isang sasakyan na minamaneho at sinasakyan ng grupo ng kabataan sa kasukalan ng isang tagong lugar sa may bandang Capiz. Ayon sa kanya...