An Anti Christ's Love Story
By: JheangLiit
(FWG CONTEST)Gabing gabi na. Nakainom ako pero hindi ako lasing, galing ako sa isang bar kung saan nagcelebrate ang isa sa mga kaibigan ko ng kanyang kaarawan, syempre ako pa ba? Si Demia Monica Paloma, tatanggi? It's a big no.
Nagdadrive ako ng matiwasay sa kahabaan ng kalsada ngayon pauwi ng bahay. Antok na antok na ako pero pinipilit kong idilat ang mga mata ko para hindi ako makatulog. Ayoko pang makita si Satanas!
Wala ng gaanong dumadaang mga sasakyan kaya naman naisipan kong bilisan ang pagpapatakbo ng sasakyan ko.
🎶Don't let me, don't let me, don't let me down. Don't let me down.🎶
Sinabayan ko pa ang tugtog sa speaker ng kotse ko, nagheadbang pa ako habang nakatingin sa kalsada para maalis ang antok na namumuo sa aking sistema, nang biglang may sumalubong na puting kotse sa sasakyan ko.
Mabilis ang pangyayari at bago ko pa maitabi ang sasakyan ko ay nagkiskisan ang mga sasakyan naming dalawa! What the hell!
Lumabas ako sa kotse ko at handa na sanang pagmumurahin ang p*tang*nang bumangga sakin.
Nakita kong lumabas din siya, tama lang para sapul siya sa mga mura ko, nawala tuloy 'tong antok ko, bullshit!
"Damn, bakit mo ko binangga!" Pambungad na bulyaw ko sa kanya.
"Ow! Hindi kita binangga miss. Ikaw ang bumangga sakin, hindi ko kasalanang mabilis kang magpatakbo." Mahinahong sagot niya saakin. Talagang mahinahon!
"Excuse me, mister! Nagasgasan mo ang kotse ko!" Itinuro ko ang kotse kong may gasgas sa gilid.
"Mas malaki ang gasgas ng kotse ko." Mahinahon pa rin niyang sabi. Put*ng*na talaga, ANG GWAPO NIYA. Bwisit bakit yun pa ang naisip ko?
"Look, sorry. Kunh ayaw mong tanggapin ang kasalanan mo.." Dumukot siya sa bulsa niya at inilabas ang isang maliit na papel, "Tawagan mo ako, ipapaayos ko bukas yang kotse mo. Sa ngayon umuwi ka na kasi gabing gabi na, baka mapagdiskitahan ka pa ng mga masasamang loob sa tabi tabi." Tinalikuran niya ako at pumasok sa kanyang kotse. Nakatayo lamang ako habang pinapanuod siyang pinaandar ang kanyang sasakyan.
What the hell Demon? Just what the hell.
***
Kinabukasan, pagkagising na pagkagising ko ay tinawagan ko agad yung lalaking nakagasgas sa kotse ko. Ang sabi niya, magkita kami sa labas ng simbahan ng Holy Cross. Linggo ngayon at p*ta talaga bakit sa simbahan pa? Huwag niyang sabihin na naniniwala siya sa punyetang Diyos na yan! Hindi totoo yun! Kay Satanas maniwala pa ako, pero sa Diyos? It's a BIG NO.Tinext ko siya nung nasa tapat na ako ng simbahan. Dala ko ang kotse ko, halos masunog na ang katawang lupa ko kakahintay ko sa kanya dahil ayoko talagang napapalapit ako sa Diyos nila.
Lumabas siya ng simbahan. Nakasimangot akong nakatingin sa kanya samantalang siya ay sobrang laki ng ngiti.
"Bakit ka nakasimangot? Nasa harap tayo ng tahanan ng Diyos." Tanong niya na mas lalong nagpakunot sa noo ko.
"Wow. Makadiyos, edi ikaw na! Tara pasok na sa kotse ko, masusunog na ako dito."
Pumasok kami sa kotse ko at dali dali ko itong pinatakbo.
"Diyos ko, bakit napakabilis mong magpatakbo! Nagpapakamatay ka ba? Ibaba mo na ako, kasalanan sa Diyos ang suicide." Sabi niya sa tabi ko, binagalan ko ang pagpapatakbo.
"T*ngin* tama na nga yang Diyos Diyos mo! Kahit anong gawin mo, sa impyerno parin tayo babagsak!" Sabi ko sa kanya ng hindi nakatingin. Dahan dahan na lamang ang pagpapatakbo ko kasi punyeta baka mamaya na naman kung ano na namang sasabihin nito!