Pangit Ako Pero Mahal Kita

101 5 0
                                    

PANGIT AKO PERO MAHAL KITA (2WG CONTEST)
By: Jea Amboayan

Ako si Beauty. Pangalan pa lang maganda na. Oo maganda ako, sikat ako sa aming eskwelahan at suki rin ako ng iba't ibang beauty pagent sa bayan namin. Kaso minsan mahirap rin talagang maging maganda at sikat. Marami kasing mga mata ang nakatutok sa akin. Lahat ng kilos ko binabantayan, wala na akong privacy.

"Hi babe!" Bati sa akin ng boyfriend ko, si Darwin. Sikat si Darwin dahil siya ang Team Captain ng basketball team sa school namin. Gwapo siya at talaga namang walang babaeng hindi mahuhumaling sa angking kagwapuhan niya.

"Hello!" Hinalikan ako sa pisngi ni Darwin, isa sa mga katangian ni Darwin ang paghalik sa akin sa harap ng maraming tao. Hindi siya nahihiyang ipakita iyon sa lahat. Nahihiya man ako ay ayos narin sa akin, atleast alam kong ako lang ang mahal niya.

Nagbulong bulungan ang ibang mga estudyante sa loob ng campus. Ang ilan kinikilig sa aming dalawa, at ang ilan nama'y naiirita. Bali balita kasi sa school na niloloko lang daw ako ni Darwin at hindi naman daw talaga loyal saakin si Darwin, pero hangga't hindi ko nakikita, himdi ako maniniwala.

"Uwi na tayo babe." Tumango ako at kinuha niya ang bag ko para bitbitin.

Nang makalabas kami ng school ay pumara kami ng jeep atsaka sumakay.

Pag uwi ng bahay ay pinapasok ko muna si Darwin para magmeryenda. Legal kami ni Darwin sa mga magulang ko pero sa kanila, hindi pa dahil nasa ibang bansa ang kanyang ina at ang ama niya naman ay patay na.

"Mama! Nandito na po ako."

Walang sumasagot kaya malamang wala pa si mama.

"Wala pa yata si mama, dito ka muna at magbibihis lang ako ipaghahanda kita ng meryenda."

Umakyat ako sa second floor ng bahay namin at pumasok sa kwarto ko. Kumuha agad ako ng damit at inilapag sa aking kama atsaka naghubad ng damit. Nagsusuot pa lamang ako ng shorts ng biglang bumukas ang pinto kaya naman dali dali akong pumunta sa pintuan.

"Darwin! Ano ba nagbibihis pa ako!" Galit na sigaw ko sa kanya atsaka akma sanang isasara ang pinto pero pilit niya itong binuksan at pumasok.

Gulat na gulat ako sa ginawa niya, hindi ko alam kung anong unang gagawin ko dahil bra at panty lang ang suot ko kaya naman isinuot ko agad ang hawak hawak kong shorts.

Isinara niya ang pinto at lumapit sa akin.

"Darwin!"

Mahilig mang asar si Darwin kaya naman akala ko ay isa lang sa mga biro niya ang ginagawa niya ngayon, pero bigla niya na lamang akong sinunggaban ng halik.

Marahas at mapusok ang iginawad niyang halik sa akin kaya naman itinulak ko kaagad siya.

"Darwin ano ba?!"

Nakita ko ang pag igting ng panga ni Darwin.

"Ano ba Beauty? Akala ko ba mahal mo ako?! Bakit dalawang taon na tayong magkarelasyon pero hindi parin kita natitikman?! Mahal mo ba talaga ako?"

Kumalabog ang puso ko sa sinabi ni Darwin. Ilang beses ko pa bang sasabihin sa kanya? Hindi pa ako handa.

"Darwin kung mahal mo ako, please hindi pa ako handa!"

Ginulo niya ang buhok niya at tiningnan ako ng masama. Tinalikuran niya ako, at lumabas ng kwarto. Padabog pa niyang isinarado ang pinto.

Napaluha na lamang ako sa inasal ni Darwin. Si Darwin? Hindi ko talaga siya mahal, sinagot ko siya kasi sa tingin ko sya ang bagay sakin, kasi maganda ako at kailangan gwapo at sikat rin ang boyfriend ko. Oo, may iba akong mahal, pero yung mahal ko na yun? Hindi kami pwede kasi hindi kami bagay.

One Shots Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon