Lia,
Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang liham na ito, pero sana basahin mong maigi dahil lahat ng ito ay ang laman ng isip at puso ko at siguro ito na rin ang huling liham ko sa'yo.
Lia, nung una pa lang kitang nakita ang ganda ganda mo sa paningin ko... Ang ganda mo na halos ayaw ko na ngang umalis sa kinatatayuan ko sa mga oras na 'yon. Ayaw ko na nga halos magpakita sa'yo dahil nakakahiya, hindi naman kasi ako gwapo. Naisip kong baka layuan mo ako at hindi magustuhan.
Isa lang naman kasi akong lalaking walang ginawa sa buhay kung hindi ang pasirko sirkong pag inom ng alak, pagtambay at ang umasa sa magulang.
Pero dahil sobra akong nabighani sa'yo, pinilit kong maghanap ng trabaho para maligawan kita. Nakakatuwa nga eh, dahil pumayag ka naman, alam mo ba 'di ko akalain na sasagutin mo ako? Kasi ang alam ko, langit ka lupa ako.
Nangako ako sa'yong hindi kita pababayaan. Mamahalin kita ng tapat, ibibigay ko lahat ng gusto mo, babaguhin ko ang sarili ko at hinding hindi kita sasaktan...
Pero pangako ko lang pala yun Lia, kasi hindi ko kayang talikuran ang mga nakasanayan ko. Hindi ko matanggihan ang barkada ko kahit pa date natin isinasantabi ko para lang sa inuman. Naiintindihan mo naman 'diba?
Monthsary natin at binigyan mo ako ng relo. Syempre natuwa ako dahil sa ginawa mo, unang beses na gawin sa'kin ng babae yun eh. Kaso nahiya ako dahil wala akong nabili sa'yo maski isang pirasong bulaklak manlang dahil naalala ko nung isang gabi winaldas ko ang pera ko sa isang sugalan. Naintindihan mo kasi ang sabi ko may sakit si ina at ibinigay ko sa kanya ang pera ko...
Ni hindi kita madalaw sa inyo dahil wala akong pera, nanghihinayang kasi akong gumastos at imbes na pamasahe at pasalubong ko sayo, ipinambibili ko ng alak, naging masaya pa ako. Naintindihan mo kasi ang sabi ko, wala akong isusuot dahil hindi ako nakapaglaba.
Natatandaan ko pa Lia, gustong gusto mo akong katext pero sinasabi kong busy ako, naglalaba ako, naglilinis ng bahay o kaya may ginagawang trabaho. Pero ang totoo, nakikipag inuman lang talaga ako...
Naaalala ko nung ibigay mo ang sarili mo sa'kin dahil mahal mo ako at sabi mo gusto mo akong pakasalan, ang tanga mo! uto uto ka Lia pero salamat sayo nakaraos ako!
Hindi naman kita ganun kamahal eh, tulad ng inaakala mo, dahil takot na akong muling masaktan dahil alam ko lolokohin mo lang din ako. Kahit pa magand ka, nag aalangan parin akong magseryoso.
Isang araw lumapit ka sa akin at sinabing nagdadalang tao ka, sinong lalaki ba ang hindi matutuwa kapag nalamang may junior na diba? Siguro yung mga gago lang... At oo, gago ako.
Kasi kahit buntis ka nakukuha kong pumuslit ng inom, sugal at pambababae...
Nagsama tayong masaya ka, pinagsisilbihan mo ako... Pinagbibigyan sa lahat ng gusto ko...
Pero isang araw nangyari ang kinatatakutan ko...
Nahuli mong may nagtext sa akin na babae na dapat makikipagkita sa akin... Kasunod pa ang pag aaya ng tropa ng inuman.
Sa unang pagkakataon nakita kitang lumuha... Ngunit hindi mo ako sinumbatan, nanatili kang tahimik kahit nasasaktan ka...
Akala ko ayos lang sa'yo, kaya inulit ko. Kaya lang hindi kita napansin na sumunod nung araw na umalis ako.
Nakita mo akong may kaakbay na babae, habang tumatagay sa liblib na lugar na pinagtataguan naming magtotropa.
Muli kitang nakitang lumuha. Sunod sunod na patak ang aking nakita. Tumakbo ka pa at tanga ako para hindi ka habulin.
Bigla akong kinabahan, nanlumo ako. Nakita niya ako! Sa harap niya mismo!
Pagdating ng bahay nakita kitang umiiyak. Sinubukan kong magpaliwanag pero ang mga salitang binitawan mo ang nagpamulat sa lahat ng kalokohan ko...
Tandang tanda ko ang mga sinabi mo Lia,
"Walanghiya ka talaga ano? Binigay kong lahat! Kulang pa ba? Nabuntis mo na ako nambabae ka pa! Akala mo hindi ko alam yang mga pinag gagawa mo! Para mo akong sinasaksak patalikod! Para mo akong pinapatay Jude! Ginagawa mo akong tanga, kasi tanga nga talaga ako. Kulang parin lahat ng sakripisyo ko! Kailan mo ba malalaman ang kahalagahan ko?! Pagod na akong intindihin ka, pagod na akong magpakatanga! At kahit sa'yo pa itong dinadala ko wala akong pakialam dahil bubuhayin ko siyang mag isa! Ayokong lumaki syang may tarantadong amang walang puso! Minahal kita ng higit sa buhay ko, pero anong sinukli mo? 'Yang mga kagaguhan mo!"
Tumayo ka at hinatak ang maletang puno ng mga gamit mo. Pero nabigla ako ng mahilo ka tumumba sa sahig kasabay nun ay ang pag agos ng dugo sa pagitan ng iyong binti.
Dinala kita sa hospital ngunit huli na, wala na ang anak nating bunga ng pagmamahalan natin sa isa't isa... Natin ba? Siguro pagmamahal mo lang kasi gago ako eh.
Kung sana una pa lang pinahalagahan na kita, kung sana ibinigay kong lahat ng magandang bulaklak sa'yo, kung sana isinayaw kita sa date na gusto mo, kung sana iniwasan ko ang lahat ng bisyo ko, kung sana kinalimutan ko ang sakit na dinanas ko noon sa nakaraan ko, kung sana pinag aralan kitang mahalin ng gaya ng ginawa mo, kung sana ginawa kong lahat ng yan edi sana...
Buhay ang anak natin, masaya tayong tatlo na naglalakad sa pasyalan at nagtatawanan at nagsusubuan ng paborito nating pagkain, ni hindi ko pala alam kung anong paborito mo... At sana nakatira tayo sa iisang bahay, masayang namumuhay habang nagmamahalan... Kaso...
Wala ka na sa piling ko dahil sa mga ginawa ko...
Gago ako, tarantado at hayop! Tanggap ko ang lahat ng sasabihin mo. Tatanggapin ko! Lia, ngayon ko lang kasi napagtanto na mahal na mahal pala kita... Kung kelan wala ka na tsaka kita minahal. Kung kelan masaya ka na sa iba, tsaka kita minahal ng gan'to...
Nakita kitang may kahawak kamay sa plaza at masayang nakikipagngitian sa lalaking 'yon, may hawak kang tatlong pirasong rosas at habang sa kaliwa nama'y kahawak kamay mo sya... Ang sakit sakit pero wala akong magagawa dahil huli na...
Sana masaya ka na Lia.
Ang lalaking nanakit sa'yo,
Jude.