HaS Three:
Sapak gusto mo?
Amber's POV
"Aray! Dahan dahan naman bossing Amber. Maging babae ka naman kahit sa pang gagamot lang ng sugat... ARAAY!" Lalo ko ngang diniinan. Loko kasi 'tong si James eh. Nakipagsuntukan daw sabi ni Mark. Hindi na talaga 'to na dala.
"Kasalanan mo naman kung bakit ka nagkasugat eh. Sapakin kita eh." Diniinan ko ulit.
"Ayan ang napapala, matuto ka kasi humanap ng kaharap mo."
"Yeah right. Kainis talaga, makakaganti din ako sa gumawa sa akin nito. Naku, pasalamat talaga yun." sabay tingin ng masama kay Mark. Pansin ko kanina pa 'to nag paparinigan ah.
"Hoy! Umamin nga kayong dalawa. Ano ba talaga nangyari kay James?"
"Wala naman, ikaw naman masyado kang tamang hinala."
"Oo nga, Amber. Tamang hinala ka eh." iniayos ko na yung first aid kit. Biglang sumama yung pakiramdam ko, hindi ko alam kung bakit.
"Mauna na ako. Sumama yung pakiramdam ko eh." tumayo si Mark.
"Hatid na kita?" umiling ako.
"Wag na, kaya ko naman eh." iniwan ko na siya sa sala nila James. Bakit kaya sumama yung pakiramdam ko? Siguro dahil hindi ako tinigilan kanina sa school. Takte! Tampulan kami ng usapan ni Ethan Logan Parker na yun! Letchugas, hindi ba nila maintindihan na hindi kami bagay nung bakla na yun! Ay, erase erase. Lalaki pala. Nag promise pala ako na hindi ko na siya aasarin na bakla. 'No ba yan, ang bait mo Amber, ikaw ba yan? Tse, ano ba yan kinakausap ko sa sarili ko. Pero nahihilo na ako, hindi ko na ata kayang mag lakad. Feeling ko babagsak na ak...
"Asaan ako?" Hindi ko naman 'to kwarto. Ang huli ko'ng naaalala nahilo ako dun sa park malapit kila James. Tumayo ako, pero yung ulo ko sobrang sakit. Feeling ko binibiyak.
"Oh, gising ka na pala. Wag mo munang piliting bumangon."
"Anak ka ng tipaklong! Logan?" nagulat talaga ako sa bakla, ay lalaki na 'to. Bigla na lang linuwa ng pinto. "Asaan ako?"
"Andito sa bahay namin." Bahay daw nila? Ano'ng ginagawa ko dito?"Bigla kang na out balance dun sa park malapit kila James, buti na salo kita. Kundi baka bagok na yang ulo mo."
"Ah, salamat ha? Teka ano'ng ginagawa mo sa park?"
"Ah, susunduin ko kasi yung pamangkin ko dun, sakto nakita kita." lumapit siya sa akin, tapos inayos yung kumot ko. "Sige na, mag pahinga ka pa. Sabi nung doctor kailangan mo daw ng maraming pahinga."
"Bakit naman? Wala naman ako'ng sakit." Dinampi niya yung likod nung palad niya sa noo ko, yung para bang chinecheck kung may lagnat ba ako o wala. Parang kinilabutan ako nung dumikit yung kamay niya sa akin. Ayan na naman yung kuryente. Ano bang nangyayari sa akin?
"Wala ka ngang lagnat, sabi nung doctor baka masyado ka lang madaming iniisip."
*knock knock*
Bumukas yung pinto tapos may pumasok na maliit na babae, hindi naman totally maliit mga nasa 12-13 years old na. Ang cute niya, langya. Na nakaw ata puso ko. Tumingin yung bata, may dala pala siyang tray na may soup ata.
"Uncle gising na po pala si Ate." tapos ngumiti siya sa akin. Tae naman oh, ang cute niya. Teka, uncle? Siya yung pamangkin ni Logan?
"Hindi "ate" yan, Jaimee. "Kuya" kuya ang itawag mo dyan." Lumapit na si Jaimee, tapos inilapag yung tray sa night stand sa tabi ng kama.
"Ikaw talaga, uncle. Sige ate kainin mo yan ah? Si Tita nag luto niyan." Lumabas na siya ng kwarto. Sinundan ko ng tingin si Jaimee.
"Hoy! Hindi pwede yang pamangkin ko ha. Wag mo ng ituloy yang pinaplano mo."
"Logan, na in love ata ako sa kanya."
"Sapak gusto mo?" ang init naman ng ulo ni Koya.
*knock knock*
Ay potek bumalik si Jaimee? Inayos ko yung buhok ko. Syempre para kahit may sakit may pogi points. Aw~ Basag ang iniimagine ko. Hindi si Jaimee yung pumasok.
"Gising ka na pala." nag nod lang ako, tapos lumapit siya sa kama. "Girlfriend ka ba ni Ethan? Fiancee? Nililigawan? Ano sabihin mo? Daliiii. para siyang bata, sobrang excited.
"Hindi po." biglang na lungkot yung expression nung babae.
"Ate Jessica, ano ba talagang ginagawa mo dito? Magpapahinga pa yung bisita ko. Hindi mo ba nakikita?"
"Tinawag mo pa ako'ng ate, kung tarayan mo naman ako eh akala mo'ng mas matanda ka sa akin." nakapout na lumabas yung ate niya. Natawa naman ako dun. Ang kulit.
"Tigilan mo yang kakatawa mo dyan, matulog ka na lang ulit." Ang sungit talaga, hindi nga kaya meron 'tong dalaw ngayon?
"Uuwi na lang ako, nakakahiya naman kasi eh." tatayo na sana ako ng pinigilan niya ako. Binaba niya yung likod ko sa kama. "Hoy! Bakit ka nakahiga din!?"
"Para siguradong hindi ka aalis dyan, at makakapagpahinga ka."Hindi ko alam,pero parang nawalan ako ng lakas makipagtalo sakanya nung naramdaman ko yung katawan niya sa tabi ko. Humaygawd. Wala naman siguro gagawin sakin 'tong masama 'di ba?
BINABASA MO ANG
He's a SHE?
RomanceSino'ng may sabing Love has a gender ? At sino'ng may sabing Love can't wait? Meet Amber Ysabelle Valdez-babaeng-babae man ang kanyang pangalan pero self-proclaimed Tomboy siya. She doesn't know she's pretty and she's not aware that someone is secre...