HaS Four: Kanino galing?

8.2K 223 20
                                    

HaS Four:
Kanino galing?
Logan's POV
"AAAAAAAAHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!" Bakit ko katabi 'tong babae-slash-tiboyish na 'to!? Bakit!? At nakayakap pa siya sa akin! Ang puri ko! WAAAHH.

"Makasigaw naman 'to, parang walang natutulog!" napatingin siya sa ayos namin, nakayakap siya sa akin, tapos yung ulo niya nasa braso ko. "AAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHH" bigla niyang pinulupot sa kanya 'yung kumot."Ano'ng ginawa mo sa akin!?" Sa totoo lang, wala ako'ng maalala. Ano nga ba ang nangyari? Bakit kami magkatabi?

"Wala ako'ng ginawa sa iyo. Hindi kaya ikaw ang may ginawa sa akin!?" Tumayo na ako, nandidiri talaga ako. Eww. Binato niya ako ng unan

"Hoy! Ang kapal mo! Ano naman mapapala ko sa iyo kung gagalawin kita!? At wala sa isip ko ang ganyang mga bagay!" tumayo din siya, chinieck niya 'yung katawan niya. "Nakadamit pa naman ako, wala ka nga sigurong ginawa sa akin. Uuwi na ako. Salamat pala at pinatulog mo ako dito."

Ang kapal, so talagang iniisip niya ginalaw ko siya? Jusme isipin ko pa lang talagang nandidiri na ako, gawin ko pa? Eww. Palabas na siya ng bigla siyang na out balance, hinabol ko siya, buti na salo ko. Aww~ Hinimatay na naman siya. Hiniga ko ulit siya sa kama, tapos tumawag ako sa intercom.

"Manang Salud, pakitawagan po ulit si Dr. Mendoza. Salamat po."

Jusko, ano kaya'ng nangyayari sa babae-slash-tiboyish na ito? Pangalawang beses na 'to ah. Kailangan ko nasiguro tawagan si Mark, malamang may alam siya about dito.

"Mark, pumunta ka dito sa bahay. Nandito si Amber."
"Why? Ano'ng ginagawa niya dyan?"
"I'll explain everything later." Then he hanged up.

"Hindi ko sigurado kung ano'ng nangyayari sa kanya ngayon, but when I talked to her, maybe she is just too physically, emotionally, ans mentally stressed. She need lots of rest, and try to know her cause of stress."

"Is there anything, Doc?"

"Just call me when it happen again."

"Oh, baka ikaw na sumunod kay Amber? Easy ka lang, everything will be alright. Stress nga lang daw si Amber 'di ba?" tinap ko yung balikat niya.

"I know. I hope wala ng ibang cause yung pagkahimatay niya bukod sa stress. By the way, ano'ng ginagawa ni Amber dito?"

"Actually... Ahm... Dito siya natulog kagabi. Kasi kahapon nakita ko siya sa park malapit kila James, hinimatay din siya. Kaya dinala ko na lang siya dito sa bahay since hindi ko naman alam ang bahay niya."

"Salamat pare! Sige puntahan ko muna si Amber."

I can see, na worried talaga si BFF kay Amber. Pag-ibig nga naman, love. One week nang nakakalipas, hindi na naman na ulit 'yung himatay effect ni Amber, as I can see. Okay na naman siya. Maybe she is just too stressed last time. Medyo close na din kami. Although she still love to tease me that I'm a gay. Argh. Wag niya sana ako mahuli, dahil mahirap na. And today, Mark will start courting her-slash-him. I still hate the idea of courting, pero wala naman ako magagawa sa talagang tinamaan si BFF kay Amber na babae-slash-tiboyish. And he said, he'll definitely turn Amber to a girl. Sana nga magawa niya.

"Ethan, eto na oh. Number 12 'yung locker niya." First stop daw, love letter.

Lord, help me. Sana hindi ako mahuli habang nilalagay ko 'to. Kinuha ko 'yung sulat then dahan dahan ako'ng naglakad papunta sa lockers. I checked the area clear naman, tapos dahan dahan ko'ng shinoot sa loob 'yung sulat. Mas mabilis pa sa alas-kwatro'ng bumalik ako sa pwesto namin ni Mark.

"Mission accomplished." Nag high five kami. Naghintay lang kami sa di kalayuan, hindi naman nagtagal dumating na din si Amber, binuksan niya 'yung locker niya, kumuha ng libro, notebooks. At nahulog 'yung letter hindi man lang niya napansin. Lumabas ako sa pinag tataguan namin, tapos pinulot ko 'yung letter. "Amber, nakita ko 'tong nahulog sa locker mo." then inabot ko sa kanya. Tinignan niyang maigi 'yung letter.

"Sure ka'ng sa locker ko'to nanggaling?" I nod. Binuksan niya 'yung letter, then... "Secret admirer? Kalokohan. Kanino galing 'to?" Nag kibit balikat lang ako. Tinignan niya ako ng masama.

"Wala akong alam dyan!" Winave ko pa yung mga kamay ko. Shemai! Para tuloy akong defensive! "Whoa! Bakit mo tinapon?!" Kinuha ko ulit yung love letter. Pinag hirapan namin 'to ni Mark 'no! "If you don't like it bakit hindi mo na lang sabihin kagad?!" Napalakas ata yung pagkakasabi ko kasi nakita ko napatingin sila sakin. Oh my gosh! Mali ata 'tong ginagawa ko?

"Bakit ba affected ka?! Sa itsura ko na ito mukha ba akong interesado sa kapwa ko lalaki?" Tinulak niya ako ng medyo malakas.

"Ouch!" Napahawak ako sa dibdib ko. Masakit talaga! "Brutal ka talagang tiboyish ka! Nakakaloka ka!" Inangilan ko siya at iniwan na.

Maloloka na ako! Imposible talagang maging babae yung tiboyish na 'yun! Hindi siya normal! My gawd! Ang lakas sumuntok at tumulak, may babae bang ganun? Eh mas mahinhin pa ata ako sa kanya eh?! Malolosyang ata ang beauty ko sa pinapapagawa ni Mark.

"Anong problema mo couz?" Tinuktok ko lang ulit yung ulo ko sa study table ko. "Lalaki na naman ba yan?" Tinignan ko siya ng masama. "Ethan, mag pakalalaki ka na kasi! Ewan ko ba naman kasi sayo eh."

"Kung mang aasar ka lang Dustin, umuwi ka na lang." Tumabi siya sakin. "Sabi ko na umuwi ka na eh!" Pinagtulakan ko na siya.

"Ang laki ng problema mo? Share mo naman!" Nag pout ako at tinuktok ulit yung ulo ko sa table.

"Dustin, paano ka manligaw sa babae?" Napatingin siya sakin. Yung gulat na tingin. "Bakit?"

"M-may liligawan kang b-babae?" Kinapa niya yung noo ko. "Ethan ikaw ba 'yan?" Hinawi ko yung kamay niya.

"Gago! Hindi ako! Si Mark ang nanliligaw nag papatulong lang." Saglit na nag isip siya. "Ano ba? 'Di ba tinuturuan kayo nun sa school mo?" Kakaiba kasi yung school ni Dustin eh. Parang school para sa mga gustong mag artista. Basta ang pangalan ata Heartbreaker academy.

"Depende kasi sa klase ng babae."

"Eh pano kung tibo?"

"Tibo? Tomboy? Lesbian?" Tumango ako. "Alin dun? Tomboy o Lesbian?"

"Mag kaiba ba 'yun?" Binatukan niya ako. "Ano ba?! You know naman I'm more fragile than the way I look!"

"Bakla."

"So? Tss. So ano pinag kaiba ng Tomboy sa Lesbian?" Umupo siya sa edge ng kama ko.

"Tomboy, boyish manapit pero lalaki pa din ang gusto nila. While the lesbian they can dressed up like a girl pero girl din ang trip nila." Napaisip ako.

"Si Amber... Boyish siya manamit... Hindi ko lang alam kung ano trip niyang gender."

"Letters, harana and adventure dates ang bagay sa kanya. Usually pag ganyan music lover kaya madadaan mo sa harana." Tumayo na siya at tinap yung shoulder ko. "Ingat ka lang, minsan bayolente yung mga ganyan." Hinawakan ko yung pisngi ko na nasuntok na ni Amber at saka tumango tango. "Good luck sayo!" Lalabas na sana siya ng kwarto ko ng may bigla siyang na alala. "Pinsan kong maganda, ingat ka pala ha? Minsan kasi yung mga nagiging tulay daw hindi na iiwasang mainlove." Tinignan ko siya ng masama at nginitian lang akonng unggoy.

"Gago 'yun?! Anong tingin niya sakin? Maiinlove sa tiboyish na 'yun?! Yuck!"

He's a SHE?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon