Meet the Characters

120 4 0
                                    

Hello!

Ito si Dianne Villegas. Matalino, laging bet ng mga teachers. Maganda, pero hindi pansinin kasi manang. Walang ganong alam pagdating sa fashion. Di mahilig sumali sa mga beauty contests. Pero sa totoo lang, nangangarap maging escort sa Mr. and Ms. Intrams si Paolo Rivera. Crush na crush niya si Paolo, one year older sa kanya. Grade 3 pa lang siya ay crush niya na yun. Si Dianne ay makulit, mabait, at mapagmahal. Gagawin ang kahit ano, mapasaya lang si Paolo.

Ito naman si Paolo Rivera. Gwapo, athletic at talented. Di gaanong matalino gaya ni Dianne pero nasa star section. Heartthrob kahit payatot. Mabait, gentleman, magalang at malambing sa teacher nilang vaklush at sa mga babaeng alam niyang pinapapantasyahan siya. Pero siya ay ubod ng yabang. Pinagmamayabang niyang napaibig si Dianne.  Paasa ba. Si Dianne lang ata ang babaeng nagkagusto sa kanya na hindi niya nilambing. Imbis ay lagi niyang pinagtri-tripan ang kawawang Dianne.Pero kahit ganoon siya, sweet siya sa pamilya niya. Palangiti din siya, kaya nangangatog si Dianne pag nakikita niya siya. Ayaw man niyang aminin, ang trip trip na ginagawa niya kay Dianne ang naging daan para magising nang tuluyan ang interes niya rito. 

Noong nasa elementary pa sila ni Dianne, lagi silang nagtutuksuhan. Si Dianne daw ay "Baliw" at siya naman ay "Ngongo". Binabato pa nga siya ni Dianne ng walis noon. Ganoon sila ka-close. Lagi nag-aasaran. Heto namang Dianne na isip bata, pam pam at papansin kay Paolo, mag-tumbling ba naman sa harap nito kahit naka-palda siya. Di niya alam, tinatawanan lang siya nito. Akala niya ay kamangha-mangha siya.

Masayahin si Dianne. Ikaw ba naman magkaroon ng mga kaibigang kagaya nila Angel, Carl, at Faye. 

Si Angel ay isang babaeng chubby, pikon, at ayaw nang inuutusan. Nagkakasundo sila ni Dianne sa maraming bagay. May pagka-grade conscious sya at makasarili, pero lagi siyang nandyan para kay Dianne. 

Si Carl naman, na mahilig mang-paparazzi ng mga pretty girls sa Twitter ay ang kauna-unahang BFF talaga ni Dianne. Gwapo pero masungit sa mga babae. Mapagbigay siya, mabait, at kahit playboy siya ay may pagka-hibang sa kaklase nilang si Melissa. 

At eto namang si Faye, maharot at maingay, ay kailan lang napasama sa grupo ni Dianne. Dati pa nga, siya ang mortal enemy ni Dianne. Not to mention, ganon din ang story ni Dianne at ni Angel.

At ito naman si Ellice Cruz. Kaklase ni Paolo na best friend niya. Kahit mag best friends sila, in love si Paolo sa kanya mula pa noong third year high school sila. Mabait naman, yun nga lang, sa mga kaklase niya lang at kaibigan. Tinatarayan niya ang mga hindi niya kakilala.

Other Characters:

> Ang mga barkada ni Paolo:

Jonas

Aleck

Oscar

Jeremy

> Ang mga alpores ni Ellice

Clarissa

Pamela

> Ang mga hari ng campus

Sarah

Geno

Jessa

> Ang mga kaklase ni Paolo na nakasama nila ni Dianne sa campus journalism

Jhen

Bienne

Yvy

Carla

Geraldine

> Ang mga babae sa buhay ni Paolo

Ellice

Geraldine

Rachel

Lianne

Say That You Love MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon