Chapter 5

124 2 3
                                    

[Eto na. Inspired ho kasi ako. :) Salamat sa mga nagbabasa. Mahal ko kayo.]

Dumating ang araw ng contest. Excited na si Dianne na sumakay sa jeep patungo sa school na paggaganapan sa pag-aakalang makakatabi niya si Paolo dahil pagtatabihin sila ni Jhen. Pero nangisay na lang siya nang mapunta siya sa dulong loob ng jeep (malapit sa driver's seat) at si Paolo naman sa kanilang dulo ng parehong side. Hinayang na hinayang siya.

Di siya makasilip. Ang layo masyado. Pero one time, hindi siya nakatiis.

Silip.

Hala! Nakasilip din si Paolo?

Gulat na gulat siya. At nagpakipot epek pa siyang tumalikod kunwari. Pero kiilg na kilig naman siya.

May kapalit naman pala kahit di ko siya nakatabi! Tumatawa siya nang mahinang mahina.

Nang makarating sila sa destinasyon, huli na kaya naubusan sila ng mga upuan sa auditorium. Napakainit pa at tirik na tirik ang araw sa pwesto nila. Bitin kasi ang bubong ng auditorium.

Okey lang kahit mainit dito, atlis nandito si Paolo sa harap ko! Obsessed na talaga si Dianne. Kahit maging nog-nog pa siya sa sobrang init ng araw, basta kasama si Paolo, okey lang.

"Payong oh, share share tayo." ika ng kasama nilang si Bienne habang inaabot kay Jeremy ang payong. Katabi niya si Dianne. Katabi naman ni Bienne sina Paolo at Geraldine. Kinuha ni Jeremy ang payong at nagsilungan sila. At etong Dianne, pakipot epek. Ayaw pa kunwari sumilong dahil kasama si Paolo. Masyado siyang malapit.

"Oy Pao, me payong pala ako!" ika ni Geraldine kay Paolo. Binuksan ni Paolo ang payong at humiwalay sila sa grupo.

Sila na naman. Di ba pwedeng kami naman? 

Naasar si Dianne.

Nakisilong kay Geraldine sila Mrs. Tolentino at Jhen kaya etong gentleman na Paolo, nagpakitang gilas na naman. Pero hindi niya matiis ang init. Sayang daw kasi ang maputi niyang balat.

"Pasilong." nagulat si Dianne nang iangat ni Paolo ang payong kung saan siya nakasilong kasama ni Jeremy. Nakatingin pa ito sa kanya na wari'y sa kanya nagpapaalam.

Nagpapa-cute pa naman kasi eh!!! 

Kinikilig na naman si Dianne.

Matapos ang ilang oras, nakaupo na rin sila. Wala pa rin silang ginagawa bukod sa panghihintay. Gusto sanang tumabi ni Dianne kay Paolo kaso... Nahihiya siya. At natatakot siyang masabihang masyado na siyang kumakabit kay Paolo.

"Okey ka lang?" pangungumusta ni Jeremy kay Dianne. Sila ang magkatabi. Sila ang laging magkasama dahil pareho sila ng category ng paglalabanan. Habang si Paolo, dalawang row ng upuan ang layo sa kanya. Pero dikit-dikit ang mga upuan kaya malapit pa rin. Mas gusto pa ni Dianne na siya na lang ang nasa likod ni Paolo. Doon kasi, makakatingin siya nang malaya.

"Okey lang. Medyo gutom na ako."

"Gusto mong bumiling pagkain?"

"'De. May baon ako. Hehe."

Haaay. Amboring naman. Kala ko pa naman makakabonding ko siya. Tas ganto lang...

"Hello. Oscar. Hahahaha!" si Jeremy ito sa tabi ni Dianne na kausap sa cellphone ang isa pa nilang kasamahan na si Oscar na nasa likuran lang nila, katabi si Paolo.

"Oh, Pao. Kakausapin mo? Sige eto." ika ni Jeremy na patungkol kay Dianne.

"Yieeeee!" tukso naman.

Namula si Dianne. Tumalikod lang siya mula sa kanila habang kumakain ng Kettle Korn: Caramel Flavor.

"Dianne, kausapin mo daw--"

Say That You Love MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon