3rd Meeting

4 0 0
                                    

"Cara I lab you talaga! akala ko mawawala na tong phone ko!" sabi niya habang niyayakap ako pagkatapos kong ibigay sakanya ang cellphone niya

"oo na oo na! sa susunod kasi ingatan mo na yan ako ang naaagrabyado eh!" sabi ko naman sakanya pero sa loob looban ko,laki ang pasalamat ko ng 

mawala ang cellphone niya kahapon dahil nakita ko nanaman ulit siya.. landi hehehe!

Nandito kami ngayon sa front gate dahil uwian na. Ngayon ko lang kasi nabigay sakanya dahil hindi kami sabay maglunch.

Naunang dumating yung sundo ni Jaira at sumunod naman si manong. Tumunog naman ang cellphone ko nang pagpasok ko sa sasakyan.

The message says:

Oy,pink face punta ka dito sa dating tagpuan. Can't wait to see you.

-Rayon

bigla yatang tumibok ang puso ko ng pagkalakas-lakas.

"manong sa eternal cemetery po." sabi ko sakanya

tumakbo ako papunta dun sa malaking puno na tagpuan namin pagkarating na pagkarating namin dun sa gate ng sementeryo.

ngunit pagkarating ko dun...wala naman siya.

nilibot ko yung malaking puno at ngayon ko lang napansin na marami palang nakasulat sa punong ito.

ewan ko pero parang... itong punong to, ay para siguro sa mga couples kasi puro mga hearts at mga love thingy ang nakasulat at nakaguhit sa punong to.

pero nung nasa likod na ako ng malaking puno,di ko inaasahan na may puntod pala dito...

babasahin ko na sana ang pangalan ng...

"hulaan mo kung sino to." may tumakip sa mata ko. parang may may mga butterflies sa tiyan ko sabayan pa ng puso kong sasabog na.

"Rayon. ikaw si Rayon sige na pwede mo ng alisin ang kamay mo." sabi ko dahil parang hindi ko na kaya kasi sasabog na talaga ang puso ko.

inalis niya ang kamay ko at pumunta sa harapan ko.

"mabuti at nahulaan mo. akala ko hindi mo mahuhulaan eh! hehehe may utak ka na pala, pink face!"

"hoy! anong akala mo saken?" 

"uhhh...tao? akala ko tao ka eh."

"bakit hindi ba ako tao?" tanong ko sakanya ng maypagkahalong inis

"hinde." sagot niya

"eh ano ba ako?" tanong ko naman

"anghel..." 

bigla naman akong namula sa sinabi niya.

"ayyyieeee kinilig kanaman sa sinabi ko." sabi niya pagkatapos ng isang nakakabingeng katahimikan

"h-hinde ah" sabi ko

"anong hinde,eh red face ka na nga eh!"

"tseh!"

"ayyyieee si pink face..."

"teka, kung ang meaning ng pangalan ko ay pink face,eh anong meaning ng pangalan mo?" tanong ko sakanya

"ah,wala eh. hindi naman kasi ako katulad mo na pinapahalagahan ng magulang" biglang naging malungkot ang aura niya. ang tanga mo kasi Cara! bakit ka pa kasi nagtanong ng mga ganyan,ayan tuloy!

"pero--"

"ah alam ko na! since ang meaning ng pangalan ko ay pink face,ang meaning ng pangalan mo naman ay map! oo map ang meaning ng pangalan mo!"

"talaga? pero bakit naman map?"

"kasi...kasi basta map,map ang meaning ng pangalan mo okay?"

Ano ka ba naman Rayon,syempre map kasi... kasi ikaw ang nakahanap ng kasayahan ko!

"haha okay,pink face"

*********************

Our Rendezvous (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon