4th Meeting

6 0 0
                                    

naging madalas ang pagkikita namin. 3 linggo na kaming nakikipagkita sa lugar na to at 3 linggo na rin akong nahuhulog sakanya. ewan ko pero beyond admiration na ata tong nararamdaman ko para sakanya. 

"Rayon,bakit ba dito lang tayo nagkakausap?" tanong kong bigla sakanya habang nakahiga siya sa lap ko.

"ewan,siguro ito narin and renedezvous natin."

"rendezvous?"

"oo,siguro ito na yung tagpuan natin o rendezvous. dito tayo nagkakilala, dito rin tayo..."

"matatapos?" pagdugtong ko.

"uhh oo."

bigla akong nalungkot. sana wala na tong katapusan.

"alam mo ba na itong punong to ay tinatawag rin nilang... Lover's Rendezvous?"

"hinde eh. pero pansin ko nga rin kasi ang daming nakasulat tungkol sa love"

"sabi nila,kapag ang isang babae daw at lalake ang nagtagpuan dito,sila daw ay para magiging magsoulmate"

tumango nalang ako. sana nga kami nga ang magsoulmate.

"at sabi daw nila, pagdito daw kayo nagtapos o yung nagbreak,magkakabalikan daw kayo"

"ganoon ba?"

tumango siya.

"kaya ito,ito na siguro yung rendezvous natin. "

"rendezvous...natin" sabi ko

umupo siya at

lumapit sakin at...

hinalikan ako sa labi.

"always remember I will be your map and this will be our rendezvous so that you will never be stray... s-sige pink face!" tinakbuhan niya ako ng nakabukas ang bibig.

I was left dumbfounded. Hindi ko inaasahan ang ganung pangyayari. Dahil dun nasabi ko ang mga salitang ito...

"you are my map,Rayon...I love you"

*******************

"ah manong..." 

"sa Eternal Cemetery? o sige." 

Siguro nasanay na si manong na pupunta muna kami dun sa sementeryo bago sa bahay. minsan nga nakakalimutan ko na ang gagawin ko pasunod-sunod dahil sa kakaisip ko tungkol sakanya. And speaking sa pagiisip sakanya,hindi nanaman ako nakatulog dahil sa halik na binigay niya sakin kahapon or should I say kagabi. Eto pa, bukod sa hindi ko na naoorganize ang mga gagawin ko ng pasunod-sunod, lagi narin akong umuuwi ng gabi.

pumunta na ako sa rendezvous namin, pero wala siya. Naglibot muna ako sa punong yun at hinihintay ang pagtakip ng mata niya pero ni hangin wala.

at nung nasa likod ako ng puno,nakita ko nanaman ang puntod. Ito yung puntod na nakita ko dati na hindi ko na napansin dahil kay Rayon. 

Tiningnan ko yung puntod at...

"anong ginagawa mo jan,pink face?" 

"ay gwapo ka!" napatalon naman ako kay Rayon at eto nanaman akong puso ko,tumitibok ng pagkalakas-lakas

"ah salamat ah! gwapo ko talaga!" tiningnan ko siya. pumayat ata siya at...tumamlay

"ang puti mo yata." sabi ko sakanya.

"ganon talaga gwapo na...mestiso pa" 

"tss yabang"

"anong sabi mo?"

"wala." 

"oy anong tinitingnan mo jan?"

"itong puntod dito. sino kaya to?"  

Titingnan ko na sana kung ano ang pangalan ng puntod ng...

"Pain. Pain ang pangalan niya." tiningnan ko naman Pain nga ang pangalan niya pero walang apelyido? 

hinawakan niya ang kamay ko na parang kinuryente ako ng isang milyong beses at hinila niya ako papunta sa harapan ng puno since nasa likod kami.

"Listen to me..." hinawakan niya ang mukha ko.

shet. ang init ng pisngi ko!

"No matter what happens... please don't change your way, please don't let yourself be lost even your map isn't here anymore,please" huh? 

"h-hindi kita maintindihan..."

"just promise,don't change your way...promise me."

"promise." sabi ko.

at tumakbo siya palayo sakin.

hinabol ko siya pero hindi ko na siya makita. ano bang pinagsasasabi niya? ewan ko pero parang may mabigat akong nararamdaman.

*****************************************************

"iha? Cara iha." napalingon ako kay manong.

"sa Eternal Cemetery ba?"

"o-opo." sagot ko. hindi parin ako napapatigil sa pag-iisip dahil sa nangyari kahapon.

"No matter what happens... please don't change your way, please don't let yourself be lost even your map isn't here anymore,please" huh? 

"h-hindi kita maintindihan..."

"just promise,don't change your way...promise me."

"promise." 

Ang bigat ng pakiramdam ko,parang may mali. Shet.

"Rayon?!" sabi ko pagkaapak na pagkaapak ko sa tagpuan namin

umupo ako sa harapan ng puno para hintayin siya. Dadating siya,dadating siya...

"7:30pm" sabi ko pagkatapos kong tumingin sa relo ko.  mga apat na oras na akong naghihintay ngunit wala pa siya. 

kung maghintay pa kaya ako?

"8:00 pm" 

"8:30...sheesh!" biglang umulan. 

"Cara,Cara iha! halika na! umuulan na oh! nakong bata ka basang basa ka oh! papagalitan ka ng mom at dad mo!" sigaw ni manong habang may hawak hawak na payong papunta sakin.

"Cara,iha bakit ka ba umiiyak? may nangyari ba?" hindi ko alam na umiiyak na pala ako. para akong tanga!

umuwi ako ng basang basa sa ulan at may sugat sa puso.

**********************

Our Rendezvous (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon