Chapter 3: First Day with Him

365 5 2
                                    

 Nang makababa ang dalwa sa kwarto ni Kim. Nag simula na si Kim na ipaghanda ng umagahan si Xian.

"Xi, pasensya na ha, wala kasi akong sofa eh. So jan ka na lang muna sa kama. Magpahinga ka kung gusto mo. Magluluto lang ako ng breakfast."

"Okay Kim. Salamat! "

Habang nagluluto ng umagahan si Kim napansin niya na biglang tumahimik sa loob ng kwarto nya. Sinilip niya ang bedroom niya at nakita niya na si Xian ay nakatulog na sa sobrang puyat siguro nito. Hind na inantala pa ni Kim ang pag tulog nito. 

Natapos na si Kim sa kanyang pagluluto, nag handa siya ng fried rice,  bacon at corned beef para sa umagahan nila ni Xian. Napansin niya na napakahimbing ng tulog ni Xian. Lumapit siya dito habang natutulog ito. Naupo siya sa isang tabi sa kanang bahagi ng kama. Tinitigan ni Kim si Xian hanbang natutulog ito. Ng biglang....

NAGISING SI XIAN habang nakatitig si Kim sa kanya.

"Gwapo ko ba pag natutulog?" ang preskong tanong ni Xian kay Kim

"Ha? Ano? Okay ka lang ba? Hahaha. Mukang kulang ka pa sa tulog Xi." ang sagot naman ni kim habang natatawa ito.

"Sus, pinagmamasdan mo ako habang natutulog noh?"

"Ha? ano ka ba. Hndi ahh. Naabutan mo lang siguro akong nakatingin sayo kasi balak na kitang gisingin para mag breakfast. Hay nako. Sya Tumayo ka na nga jan at kumain kna. Kanina pang luto yan, baka lumamig."

"Change topic agad. Palusot mo ha." ang pabirong sabi ni Xian 

Nag simula ng tumayo mula sa kama si Xian at sinimulan ng tikman ang mga hinandang pagkain ni Kim. Dahil sa masarap ang pagkakaluto ni Kim. Halos naubos ni Xian ang lahat ng pagkain sa kanyang plato. Matapos siyang kumain bigla na lang siyang nakaramdam ng antok.

Napansin niya sa kabilang parte ng kama, nakahiga si Kim at nakatulog dahil siguro sa sobrang puyat at pagod. Hinayaan nya lang ito at siya naman ay natulog din sa kabila naman bahagi ng kama. Nilagyan niya ng hotdog pillow ang gitnang parte ng kama upang makatulog ng mahimbing si Kim at ala itong isiping masama kahit pa katabi niya si Xian na natulog sa iisang kama.

Unti-unting napasarap ang tulog ng dalawa at hindi nila namalayan na wala na yung divider na unan sa gitna ng kama, Ng magising si Kim. Nagulat siya at napasigaw.

"AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHH!!!!" sigaw ni kim na ikinagulat ni Xan kaya nagising ito.

Nagising silang dalawa na mag kayakap. Napatayo naman si Kim dahil sito at tinanong kay Xian.

"Bakit magkayakap tayo?" halatang halata sa muka ni Kim ang pagkagulat habang sinasabi ang mga salitang iyon.

"Ha? Ewan ko. Siguro may magnet ka sunod hinigit mo ako at yumakap ka sa akin. Eto naman ang pabirong sagot ni Xian kay Kim.

"Hay nako! Nagawa mo pa talagang magbiro ng ganyan. Umalis ka na nga dito. bumaba ka na sa kwarto mo at maligo kasi may pupuntahan din ako" Ang mataray na sabi ni Kim kay Xian.

Kaya nagsimula ng bumangon si Xian. At lumabas sa kwarto ni Kim na tila may ngiti sa kanyang mga muka. Habang si Kim naman ay nagsimula ng magligpit ng mga kalat sa kanyang kwarto. Inayos niya ang kanyang kama at nagsimula ng maligo at mag ayos bago siya pumunta sa Peta Theater upang manuod ng dula para sa kanyang proyekto sa Filipino Class nila.

------> AYOS BA? MASYADONG NAKAKAGULAT ANG MGA NANGYAYARI KAY KIM AT XIAN. TILA NAPAKABILIS NG LAHAT NG PANGYAYARI. PANGALAWANG ARAW PA LANG NILA PERO NAGKATABI NA SILA SA KAMANG NATULOG AT PAG GISING PA NILA AY MAGKAYAKAP SILA.

ABANGAN NATIN ANG SUSUNOD NA MANGYAYARI SA BUHAY NI KIM AT XIAN.

---- you can leave your comments below & share this story to your friends. Hope you'll like it! ----

FOLLOW: @GlydelAnne_

Ang Mainlove, TALO! (KimXi FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon