Naisipan ni Kim na sumakay na lang ng tricycle papuntang Gilmore station at mag LRT pauwi. Habang pauwi na si Kim sa kanyang Condo. Bakas sa muka nito ang kaligayahan na maaga siyang makakauwi. Nasa Pureza station na ang kanyang sinasakyang tren ng biglang bumuhos ang sobrang lakas na ulan.
"Oh shit! Paano ba to' wala man lang akong payong." ito ang mga salitang pumasok sa isip ni Kim.
Malapit na syang bumaba sa tren ngunit hndi pa tumitigil ang pag ulan. Katunayan, lalo pa itong lumakas. Pagdating ng Legarda. Mejo bumabaha na. Walang tigil pa din ang pag ulan. Dahil sa walang dalang payong si Kim napagpasyahan nitong magtricycle papunta sa kanyang Condo Unit.
Ng makarating siya sa Condo. Agad siyang pumunta sa kanyang Unit upang maligo dahil basang basa siya ng ulan. Nang matapos siyang maligo at nagsisimula ng magbihis. Biglang tumunog ang kanyang cellphone.
Isang text message ang kanyang natanggap.
Xian: Nasan ka na?
Agad naman niya itong nireplyan at napansin niya na hndi mapawi ang mga ngiti sa kanyang lagi.
Kim: Andito na ako sa Unit ko. Ikaw?
Xian: Nasa Roof deck pa din. Pupunta ako jan ha.
Kim: Ha? Bakit? Osige. Okay lang.
Antay si Kim ng Antay ng Reply mula sa kanya habang biglang may kumatok sa pintuan nya. Agad naman niya itong binuksan. At bigla naman siyang niyakap ng taong nsa labas papunta sa loob. Si Xian. Ikinagulat ito ni Kim.
"AAAAAAAAAAAAAAAH! Ano ba! Uso ba talaga sayo ang basta basta na lang yumayakap?" ang pataray na pagsabi ni Kim sa kanya.
"HAHAHAHAHA. Ikaw naman, namiss lang kita ehh." ang pabirong sabi naman ni Xian.
"Baliw! Hahahaha" ang sabi ni Kim sa kanya
"Oo na. Hmm teka kumusta pla Kim ang pag punta mo sa theater?"
"Ayun ayos naman. Nakakatuwa yung pinanuod namin."
"Ahhh. Mabuti kung ganun. Kumain kna ba?" ang tanong ni Xian sa kanya.
"Hndi pa ehh. Ikaw ba?"
"Hndi pa din. Tara kumain?" ang paayang tanong ni Xian kay Kim.
"Hmmm. Sige. Saan? Lalabas pa ba tayo ehh sobrang lakas ng ulan?"
"Ha? Hndi na. Tara na lang pumunta sa baba. Tara magpadeliver."
"Ano naman kakainin natin?" tanong ni Kim sa kanya.
"Ano bang gusto mo?"
"Kahit ano."
"Tinatamad kasi ako magrice. Kaya bili na lang akong burger sa Mcdo. Ikaw ba? Okay lang ba sayo ang Mcdo?" tanong ni Xian sa kanya
"Oo naman. Sige. May number ka ba? Kunin ko na lang ka Kuya Guard yung number."
Pumayag naman si Xian sa sinabi ni Kim. Inintay niya ito sa may harap ng payphone habang kinukuha nito ang number ng Mcdo sa guard. Ng maka order ang dalawa. Inintay nila ang pinadeliver nila sa unit ni Kim. Napansin ni Xian na napakatahimik ni Kim.
(Xi's POV)
Bakit kaya napakatahimik nya? Ano naman kaya iniisip nito. Hay. Ang ganda nya talaga. Napaka simple lang nya mag ayos pero ang ganda ganda nya.
Nagtagal pa din ang pananahimik ni Kim na bakas sa muka nya na problemado ito. Napakalalim ng iniisip nito na tila alang pakialam sa kasama nya sa kwarto.
(Kim's POV)
Bakit ganito? Bat ganto yung nararamdaman ko. Masyadong magulo. Pag nandyan sya bumibilis yung tibok ng puso ko na para bang hndi ako makahinga. Pag nagtetxt sya para bang wala ng bukas. Hindi mapawi ang mga ngiti sa labi ko. Ang gulo naman nito. Nababahala ako sa nararamdaman ko kasi gwapo sya? Hayyyyyy! Ehh gwapo naman kasi talaga sya. :') Hay ewan. Bahala na nga itong nararamdaman ko! Hahahaha.
Ng magbalik na si Kim sa kanyang sarili, napansin niya na nakatitig sa kanya si Xian. Bigla tuloy namula ang kanyang muka na para bang lahat ng dugo sa kanyang katawan ay umakyat sa kanyang muka.
"Aba aba! Xi, bat mo naman ako tinititigan? Baka matunaw na ako ha" ang pabirong sabi ni kim sa kanya.
"Ha? Wala. Napansin ko lang na kanina ka pang tulala."
"Ah yun ba. Wala may iniisip lang ako kanina."
"Ahhh sige."
Natapos ang pagkkwentuhan ng dalawa ng may biglang kumatok sa kanilang pintuan.
*TOK TOK TOK - Goodevening! Delivery from Mcdonalds Recto*
"Xian, ikaw na lang mag bukas ng pintuan" ang sabi ni Kim sa kanya.
"Sige."
"Kuya, magkano po lahat?" ang sabi ni Xian sa delivery man
"Sir, 387 pesos po."
"Eto po ang bayad."
"Sir sukli nyo po. Salamat! :)"
Ng makaalis ang delivery man ng Mcdo, nagsimula ng kumain ang dalawa. First Dinner nila iyon together. Si Xian ang nagbayad ng kinain nila. Ayaw kasi nito na tangggapin pa ang pera ni Kim. Napakasaya ni Kim nung araw na iyon hindi nya lang ito ipinahahalata kay Xian. Pero parang sasabog ang puso nya sa sobrang saya.
------> ABANGAN ANG SUSUNOD NA MANGYAYARI KAY XIAN AT KIM...
I NEED COMMENTS & RATE NA DIN IF OKAY PARA SA INYO. THANKYOU FOR READING! :)
FOLLOW: @GlydelAnne_