Kaya naman pala ayaw niya akong ligawan eh (one shot)

320 5 2
                                    

KAYA NAMAN PALA AYAW NIYA AKONG LIGAWAN EH!

(One Shot)

“Pang-ilang boyfriend mo na ba yan Best?” tanong saken ng bestfriend ko, si Willan.

Bestfriend ko si Willan as well as my childhood friend. Magkasama na kami simula noong bata palang kami kaya naman alam niya na kung ilang lalaki na ang naging boyfriend ko.

Ako naman ang bestfriend niyang babae, I’m Jhulia. I’m 16 years old. Parehas lang kaming first year college at nag-aaral kami sa iisang University.

“hulaan mo pang-ilan na.” sabi ko sa kanya. Nakatambay kami ngayon dito sa rooftop ng boarding house ko. bumibisita kasi siya saken dito. Bawal mag board dito ang lalaki kaya bumibisita nalang siya.

“pag 12 mo na ata yang si Francis eh.” Nakasimangot ang mukha niya. Ang cute talaga ng bestfriend ko.

Pero ang totoo niyan, ni isa sa mga naging boyfriend ko wala akong minahal. Isa lang naman kasi ang mahal ko, at yun ay ang bestfriend ko. Oo, si Willan ang mahal ko. Matagal na, pero di niya naman kasi ako nililigawan.

Chickboy din ‘tong isang ‘to eh. Kung sino-sino ang nililigawan at nagiging kasintahan. Okay, gumaya lang ako sa kanya. Kung ako naka 12 na, siya naman naka 16 na! lamang siya saken ng apat na kasintahan.

“ikaw nga jan pang 16 mo na si Annika.” Nagtawanan nalang kaming dalawa.

        ***

        “totoo ba yung narinig ko?” galit si Willan nang puntahan niya’ko sa boarding house.

Masakit pa ang ulo ko kasi bagong gising ako nang puntahan niya ako sa boarding house. Kinaladkad ko siya sa rooftop at doon kami nagharap.

“ano ba ang problema mo?” naiinis na tanong ko sa kanya.

“narinig ko mula sa barkada ni Frances na may nangyari daw kagabi. Ano yun? Explain mo nga saken.” Galit talaga siya.

Ako naman nabigla ako. Anong pinagsasabi ng barkada ni Frances? Nalasing lang ako kahapon and---

“Best.. nalasing lang ako kahapon kasi pinainom ako ni Frances, ang naaalala ko lang ay hinalikan niya ako. Yun lang, walang nangyari, bigla kasing pumasok yung tatlo niyang barkada kaya hanggang halik lang yun. Lumabas agad ako noon sa kwarto niya kasi alam kong mali yung ginawa namin.” Naiiyak na’ko.

Totoo naman eh. Walang nangyari samen ni Frances. At kahit lasing ako, alam ko naman ang ginagawa ko. Tanga lang ang taong di naaalala ang ginawa niya kapag nalasing siya.

“bakit ka nagpahalik? Mahal mo na ba yun?” mahinahon na ang boses niya.

Alam kasi ni Willan na hindi pa ako nahahalikan ng mga boyfriend ko, kasi nga, magpapahalik lang ako sa lalaking mahal ko na talaga. Alam niya naman kasing hindi ako seryoso sa mga kasintahan ko. Gaya niya rin.

“hindi ko yun mahal. Nagkataon lang yun!” pinunasan ko na ang luha ko.

“I’m sorry kung nasigawan kita. Naiinis lang kasi akong isipin na hinalikan ka niya eh. Akala ko kasi mahal mo na siya.” Seryosong-seryoso yung mukha niya.

Bakit ba kasi hindi nalang ang lalaking ‘to ang manligaw saken?

“makikipagbreak na’ko kay Frances.” Argh! Ayoko na magkaroon ng boyfriend. Ganoon pa rin naman eh, walang kwenta. Di niya naman ako liligawan kahit na umabot pa ng isangdaan ang boyfriend ko.

“bakit mo siya hihiwalayan?”

“tss, ayoko na! ayoko nang magkaroon ng boyfriend. Wala pa rin naman kwenta.” Naiinis kong sabi sa kanya.

‘manhid ka!’ gusto kong isigaw sa harap niya, pero hindi pwede. Masisira ang pagkakaibigan namin.

“makikipagbreak na din ako kay Annika.”

“huh?” teka, bakit siya makikipagbreak?, “bakit?” gulat ako.

“eh kasi magiging single kana, dapat parehas tayong maging single. Karamay mo’ko lagi, di ba?” ^____^ ngiting-ngiti siya.

Ewan ko sa lalaking ‘to.

Ayon nga, break na kami ni Frances at break na din sila ni Annika.

Grumaduate kami ng college na hindi na nagkaroon pa ng kasintahan. Palaging kami nalang yung magkasamang dalawa. Marami na ngang nag-aakala na kami na eh.

Haixt!! How I wish kami na nga. Pero hindi ei, hanggang kaibigan lang kami.

Nagkaroon na’ko ng trabaho. Isa na’kong secondary English teacher sa isang public school habang siya naman ay isang accountant sa banko.

Pareho na kaming professional, at gusto ko na din magkaroon ng kasintahan ulit. This time, yung seryoso na.

“may problema?” tanong niya saken.

Nandito kami ngayon sa dati naming tambayan noong teens palang kami. Sa malaking bato na malapad, pwede kang humiga dito kasi malapad na makinis. ^___^

“gusto ko na ulit magka boyfriend.” Sabi ko sa kanya. Lahat naman kasi na tungkol saken sinasabi ko sa kanya.

“yung seryoso na?”

“oo naman. Ayoko na ng fling-fling lang.”

“alam mo bang noong nalaman ko na hinalikan ka ni Frances, nasaktan ako noon?” my eyes widened when I heard him say that. Bigla niya lang kasing sinabi eh.

“na-nasaktan?” di pa rin ako makapaniwala.

“kasi sabi mo saken magpapahalik ka lang sa lalaking mahal mo. Natakot ako eh, baka kasi mahal mo na siya noon. Pero natuwa naman ako kasi lasing ka naman pala at wala lang yun sayo. Kahit papano, nakahinga ako noon ng maluwag.”

“ows? Nasaktan ka noon? E bakit di mo’ko niligawan noon?” ang totoo niyan kinikilig na’ko. We’re already 21 pero feeling ko teens pa kami. Haha!

“e kasi naman ayaw mo sa seryosong relasyon. Kaya di kita niligawan noon kasi gusto ko kung ikaw na yung liligawan ko, seryoso na. tapos sinabi mo naman na ayaw mo nang makipagrelasyon, kaya hindi na din ako nanligaw para pareho na tayo. Hinihintay lang naman kita eh.” Hinawakan niya ang kamay ko bigla.

Ohmeeged!! Kinikilig na’ko!! GOSH!

“ngayon, sabi mo gusto mo na ng seryosong relasyon, papayagan mo ba akong ligawan ka?” ngumiti siya saken ng nakakaakit.

Ay… Ang landi ko. -______-

Well, napangiti niya lang naman ako tapos yung saya ko noon abot hanggang langit! Haha!

After how many weeks, sinagot ko na din si Willan. Haha!

Akalain nyo yun? Ginaya ko lang siya kaya nakipagrelasyon ako sa kahit na kaninong lalaki. Tapos siya naman hinihintay lang na sabihin kong gusto ko nang magseryoso? Haha!

KAYA NAMAN PALA AYAW NIYA AKONG LIGAWAN NOON EH, di kasi ako pang fling lang.. pang seryosohan daw kasi ako.

Aba!! Worth waiting for naman pala ang ginawa ko. ^___^

Ngayon?? Haha.. ikakasal na kami. Pareho na rin naman kaming may trabaho, 3 years na kaming magkasintahan kaya naman…

Hello MARRIED LIFE…

[vote tsaka comment naman po keu .. ^___^ tenchu poeh!!]

Kaya naman pala ayaw niya akong ligawan eh (one shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon