Bakit Di Na Lang Ako?: Part 1

376 7 5
                                    

Bakit Di Na Lang Ako? (One Shot) 

by: That Nanashi Girl

This is a work of fiction. Names, characters, places and incidents either are products of the author's imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual events or locales or persons, living or dead, is entirely coincidental.

---------------------------------

~Wake up, feel the air that I'm breathin'... 

I can't explain this feeling that I'm feelin'...  

I won't go another day without you.. ~  ♪

Nagriring nanaman ang phone ko. Parang kilala ko na kung sinong tumatawag.

Di nga ako nagkakamali. Siya nga. 

Sagutin ko na nga.

"I, favor..."

Heto na naman. Tinatawag na naman niya akong 'I'. Oo. NA NAMAN. Di ko alam kung ilang beses niya na akong tinatawag na 'I' sa tanang buhay ko.

Buti nga sana kung Irish o di kaya Icelle o Imee o Ivy ang pangalan ko. Eh di naman. Ang layo nga ng pangalan ko sa tawag niya sa akin.

Di ko nga alam kung saang lupalok ng mundo niya nahugot yang 'I' na yan.

Ay ewan ko ba.

"Oh, Drake, ano na naman ang kailangan mo?"

"Grabe ka naman I, na naman? Di naman. Please. Sandali lang. Pwede bang pumunta ka muna dito sa room?"

"Drake naman. Please lang no. Ikaw na lang kaya ang pumunta dito sa room. Ikaw naman ang may kailangan."

Nakakaasar na siya. Hay ewan.

"I, please. Major subject ko ngayon oh. Tapos may quiz kami. Di ako pwedeng malate. May ibibigay lang ako. Please please please."

 

Ano pa bang magagawa ko. Pasalamat sya minor subject lang ang klase ko ngayon. "Asan ba kase ang room mo?"

"Sa O.M. Building. 7th floor. Salamat I, di mo talaga ako matitiis."

"Kainis ka! Alam mong nasa R.H. Building ako." Nakakaasar. Sa katapat pa na building tapos sa 7th floor pa. Langya. Buti na lang may elevator kami.

"Salamat I, Ailabyooooo!" Binaba niya na agad ang tawag.

Naglakad na ako papuntang O.M. Building.

Nagtataka ba kayo kung bakit ako pumayag at parang sunod sunuran sa kanya? Syempre. Halos 8 years na kaming magbest friend.

Bakit Di Na Lang Ako (One Shot) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon