Bakit Di Na Lang Ako?: Part 3 (Fin)

179 10 4
                                    

Bakit mas napapansin mo siya?

Bakit di na lang ako?

Bakit mas mahalaga sya?

Bakit di na lang ako?

Bakit mas nakikita mo sya?

Bakit hindi na lang ako?

Bakit mas mahal mo siya?

Bakit di na lang ako?

Bakit siya pa?

Bakit di na lang ako?

Nakakainis! Akala ko ba tanggap ko na? Akala ko ba okay na? Pero ba't ganito? Nasasaktan ako. Masakit. Sobrang sakit.

At saan ako napunta. Dito lang naman sa Freedom Park. Ewan ko ba ba't ako napadpad dito. Malayo layo rin to. Buti di ako nabangga't nakabangga kanina. Puno na luha yung mga mata ko kanina.

Naglakad na ako papunta sa isang bench na katabi ng isang poste ng ilaw.

Kainis.

Para na akong tangang umiiyak dito. Gabing gabi tapos ako nagdadrama't umiiyak dito. Baka mapagkamalan akong multo nito eh.

"Wag ka ngang umiyak." may nag-abot ng panyo mula sa likuran ko.

"Akin to ah." nilingon ko kung sinong nagbigay. Di ko kinuha nag panyo. Sa halip, kinuha ko ang panyong dala ko sa bulsa ko. "Ba't ka nandito? at paano mo nalamang andito ako?" umupo siya sa tabi ko pero di ko siya tinitingnan.

"Ba't ka umiiyak? Ba't ka umalis?" Di man lang niya sinagot ang tanong ko. Nafifeel kong tinititigan niya ako pero ayoko siyang tingnan. Baka may masabi pa ako.

"M-masaya lang ako para sa i-inyo. P-para sa inyo ni Caith. At dib-ba sabi ko may pupuntahan pa ako."

"Saan ka pupunta? Dito? Dito sa Park?" tanong niya.

"Oo nga. Alis ka na nga dito. Hinihintay ka na ni Caith." Hinarap ko siya at tinulak palayo pero hinawakan niya ang kamay ko.

Sa sobrang gulat ko. Inalis ko agad yung kamay ko. Di naman yung unang beses na hinawakan niya ang kamay ko pero para bang nakuryente ako.

"Di ko pa ata nakukwento sa'yo to, pero alam mo bang nung bata pa ako, may nakilala akong batang babae dito sa park." Tumigil siya sandali sa pagsasalita at sinandal ang likod niya sa bench.

"Siya yung nakahanap ng necklace ko na nawala dito sa park. Napaka importante ng necklace na 'yon. Bigay ni Lola. Ibibigay ko lang daw yun sa babaeng sigurado akong makakasama ko habang buhay." Tumingin siya sa bakanteng playground. Walang mga batang naglalaro. Gabi na rin kase. "Kahit di nya ako kilala tinulungan nya pa rin ako. Simula non, nagustuhan ko na siya."

"Ang tagal na non. Summer bago mag first year highschool." Natawang sabi niya. "Ewan ko ba kung naaalala niya pa ba pero ako di ko yun makakalimutan."

"Nakita mo ba siya ulit?" Yun na lang ang naitanong ko. At ba't ba namin to pinag-uusapan.

"Oo. Magkapareho pala kami ng school." Magkapareho ng school? Ba't di niya sinabi sa akin. Schoolmate pala namin. "Magkaklase kami. Magkatabi pa ng upuan."

Nabigla ako sa sinabi niya at tiningnan siya. Eh nung first year kami, siya yung nag-iisang katabi ko sa likuran. "Akala ko maaalala niya ako, di pala. Hinayaan ko lang 'yon. Pero naging magkaibigan kami at naging magbestfriend." Inalis niya ang tingin sa sa playground at itinuon 'yon sa akin. "Ayaw na kitang maging kaibigan. Ayoko nang maging mag best friends tayo."

Bakit Di Na Lang Ako (One Shot) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon