Bakit Di Na Lang Ako?: Part 2

174 7 1
                                    

Sabado ngayon. Kainis naman. Buong araw akong walang magawa dito sa bahay. 8 p.m na. Wala naman sina Mama at Papa. Di ko alam san nagpunta. Tumawag kanina, baka bukas pa raw sila makauwi. Akalain mo na naman. Iniwan ang nag-iisang anak nila sa katulong.

"Hay. Ano bang pwedeng gawin?" humiga na lang ako sa sofa. Ang boring. Ayaoko ng ganito. Yung walang ginagawa. Mas naiisip ko si Drake. "Haay."

~Wake up, feel the air that I'm breathin'... 

I can't explain this feeling that I'm feelin'...  

I won't go another day without you.. ~ ♪

"Sino ba naman tong tumatawag?" Kinuha ko ang cellphone ko sa katabing mesa. Oh. Si Caith. Anong kayang meron?

"Oh Caith, napatawag ka?" umupo na ako ng maayos sa sofa.

"Punta ka dito sa bahay. Movie marathon tayo. Walang magawa eh. Sige na. Pretty please?" paawang tono ng boses ang ginagamit niya.

"Okay. Okay. Kung magmakaawa naman to. Oo na. Sino pang pupunta?"

"Pupunta rin daw si Drake. Kakatawag ko lang sa kanya." Pupunta rin pala si Drake. Makikita ko na naman siya.

"Ah, ganun ba? Oh sige." yun na lang ang nasabi ko saka ko binaba ang tawag.

Naligo na ako't nagbihis. Dinala ko na rin ang car ko. Regalo ng parents ko. Dahil nga raw, graduating na ako.

Dumaan muna ako sa isang Pizza house at umorder ng 2 boxes. Kaya kami nagkasundo ni Caith eh dahil sa pizza.

Nang makarating ako sa tapat ng bahay nina Caith, nakita ko nang nakapark ang sasakyan ni Drake. Mas nauna pala siya sa akin. Pinark ko na rin ang sasakyan ko sa harap lang rin ng bahay nina Caith. Dinala ko na rin ang dalawang box ng pizza.

Pinapasok naman ako ng katulong nina Caith sa gate. Dumiretso na ako papasok dahil napansin ko namang nakabukas ang pinto. Nilibot ko ang mga mata ko pero wala naman akong nahagilap na Caith at Drake sa loob

Nakita ko sila sa may Dining Area. Di ata nila ako napansin. Magsasalita na sana ako nang biglang hawakan ni Drake ang isang kamay ni Caith.

"I love you." seryosong sabi ni Drake. Sabay bigay ng bouquet ng flowers sa kanya.

Nakakagulat.

Akala ko wala lang dahil nagdesisyon na akong magkaibigan na lang kami, pero bakit? Bakit?

Ba't nadudurog ang puso ko. Nanlalambot ang tuhod ko. Di ko alam. Panaginip ba to? Kung panaginip 'to, ba't ang sakit? Hindi to panaginip.

Bakit kase di na lang ako?

Naibagsak ko sa sahig ang dala dala kong boxes ng pizza na naging rason para lumingon sila sa akin. Gulat na gulat ang mukha nila lalo na si Drake.

Naiiyak ako. Naiiyak ako. Di dapat nila makita. "A-ah. C-Caith, D-drake, m-may pupuntahan p-pa pala ako."

Di na ako lumingon pa. Tumakbo na ako kaagad sa sasakyan, pinaandar at umalis.

Bakit Di Na Lang Ako (One Shot) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon