Chapter 6 "ᶜᴿᴬᶻᵞ ᴰᴬᵞ ᴼᵁᵀ"

525 74 7
                                    


                                ~•~                                

"Ouch!" daing ko ng mahulog ako mula sa kama. May narinig kasi akong  nakakatakot na sigaw kaya agad akong napabalikwas.

"K-kuya may multo!" halos paiyak na sambit ko habang nagtatago sa ilalim ng kama ko. Madilim pa kasi sa kwarto at nakasara ang ilaw pati bintana kaya wala akong makita ng maayos. Bakit ba kasi madilim itong kwarto ko? Halos lahat ng gamit ko kulay black at indigo. Ganun ba ako ka adik sa kulay na itim?

"Grabe bro that was epic!" sambit ng isang pamilyar na boses sabay tumawa ito.

"That was fun! Haha I thought hindi tatalab sa kanya ang mga ganito," sagot naman ng isa kaya napanguso naman ako. Plano nila 'to? Hmp! pwes tingnan natin kung sino ang na-isahan niyo.

Sumilip ako mula sa ilalim ng kama at napansin ko pa na nag-high five sila. Tsk! Ganito ba nila ako i-trato?

"Can you imagine if wala siyang amnesia? I bet we can't even enter this vampire type room of her," sambit pa ulit nito kaya hindi na ako nakapagtimpi pa at mahinang naglakad papalapit sa kanila.

"Haa!" sigaw ko sabay sipa sa kanila na ikinatumba nilang dalawa. Rinig ko pa ang malakas na pagkalabog ng sahig sa sabay na pagkabagsak nila. Woah! ang lakas ko naman para mapatumba sila. Serves them right!

"Bebsi!" sabay na sigaw nila at nag peace sign naman ako kahit hindi naman nila kita. Bakit ko nga ba ginawa ulit 'yun?

"You little monster! halika nga dito!" tawag ni Kuya Erickson sa akin kaya agad naman akong napatakbo. Kaso sa kasamaang palad hindi pa pala sila nakatayo kaya naapakan ko silang dalawa sabay nagpatuloy parin sa pagtakbo.

Rinig ko pa ang pagdaing nilang dalawa na ikinangisi ko. "My bad!" sambit ko pa sabay takbo. Saan ba kasi ang palabas dito sa kwarto ko? Bakit  kasi kulay itim ang buong paligid? Haist! kailangan ko ng makalabas! Paano kung maabutan nila ako? Ahhh! Pinto nasaan ka na ba?

"Huli ka!"

"Ahhh!" gulat na sigaw ko matapos kong makakita ng ilaw pero mukha naman ni Kuya Eric ang nasisilawan kaya halos gumulong ako sa gulat.

Malutong naman itong tumawa habang nasa mukha niya parin ang liwanag na nagmumula sa flashlight ng phone niya. "Halika nga," malumanay na sambit nito kaya agad naman akong lumapit. Siguro naman wala na silang masamang plano? Feeling ko kasi anytime may sasakmal sa leeg ko.

"Lalabas na ba tayo Kuya?  Hindi ko kasi makita 'yung daan," sambit ko pa sabay hila sa buhok niya. Wala lang gusto ko lang malaman na totoo siyang tao at hindi multo.

"Aw!" daing naman nito at late reaction pa.
Kaya napangisi ako. "Labas na tayo Kuya!"  sambit ko ulit sabay hila na naman ng bahagya sa buhok niya.

"Haha bakit? ayaw mo na dito sa beloved room mo?"

"Eh... hindi naman sa,"

"Haha! Tara na nga," sambit nito sabay marahan na itinulak ako. Binuksan nhiya rin 'yung pinto kasabay ng pagpindut niya sa ilaw at huli na ng ma-realize ko na nasa shower room na pala ako.

"Ahhh!" sigaw ko sabay pahid sa mukha ng  may tumalsik na malamig na tubig dito. And now basang-basa na ako. Kapatid ko ba talaga sila? parang ma to-trauma na ako pag nagtagal pa akong kasama sila. Humahalakhak pa silang dalawa na tumakbo palayo sa'kin hanggang sa hindi ko na marinig ang boses nila. Malamang nakalabas na ang mga 'yun kaya ipinagpatuloy ko nalang ang pagligo. Basa na din naman ako,

Ng matapos akong maligo ay kaagad din akong nagbihis ng black ripped jeans at isang V-neck shirt na kulay itim din. Ng matapos ako ay kaagad na din akong lumabas ng kwarto. Habang nakasimangot na nakatingin sa kapatid ko.

It's Her (ONHOLD) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon