Chapter 10 "ᴵᴿᴱᴬᴾᴱᴿˢ ᵂᴱᴸᶜᴼᴹᴱ"

391 57 10
                                    

    



       Sumikat na naman ang haring araw. At Oras na para kumilos.

     Papunta na ako sa school namin. At ngayon ko lang napagtanto na ang laki pala talaga ng school na ito, soon gusto ko naman makita ang dorm ng mga kaklase ko. Pwede naman siguro 'yun tatanungin ko na lang si Greeny mamaya.


 
  

Ngayon naman ay nakasakay kami ni Kuya Eric sa skate board niya habang tulak-tulak naman ni Kuya Erickson. Kanina ko pa nga naririnig ang pagmumura niya sa likod. Paano ba naman kasi natalo siya sa jack n poy namin kaya siya ang nagtulak sa amin.

     "Bro, ang weak mo naman, pwede bang lakasan mo naman? kasi alam mo--"

        "Ako ba talaga hinahamon niyo?" agad na sagot ni Kuya Erickson. At hindi man lang pinatapos sa pagsasalita si Kuya Eric. Himala nga at nagtagalog na naman ang isang 'to.

       "Parang ganun na nga. Hehe ang hina mo kasi,"

       ''Fine,"







     "AHHHH!" sabay na sigaw namin ni Kuya Eric. Nang biglang bumilis ang Takbo namin.

     "Bro bagalan mo ng kunti,"

         "Gusto mo 'to di'ba?" sagot na naman ni Kuya Erickson at nagtatagalog na naman siya.
Halos humiwalay naman sa katawan ko ang sariling kaluluwa nang makitang may hagdan sa unahan.

      "Ah, Kuya! M-may... H-Hagdan!"

       
       

    "Ahhhh!" sabay na sigaw namin ni Kuya Eric. Sabay kumalampag kami pababa ng hagdan.

    "Am I dead?" agad na bulalas ko matapos makabangon. Wala naman akong nararamdamang sakit. Ganito ba talaga pag kaluluwa na lang?

       "A-Aray! aray ko Bebsi, umalis ka na sa likod ko. Ang bigat-bigat mo. Ugh! Nag crack yata bungo ko dahil dun."

       "Oops! haha sorry Kuya; 'buti na lang,"


     "Anong 'buti na lang? ginawa mo akong kutson. Aray! hindi mo ba tutulungan ang
Kuya mo na tumayo? dalhin mo ako sa hospital. Kailangan ko ng CT-scan,"

     ''Kuya, hindi mo na kailangan 'yun. Hindi naman masama pagkabagsak natin ah. Apat na hakbang lang naman ang hagdan eh,"

       "So, do you like it?'' sambit ni Kuya Erickson habang nakangisi ito sa taas.

      "Erickson!" galit na sigaw ni Kuya Eric habang pa ika-ika na hinabol si Kuya Erickson.

   Bahala na nga silang dalawa kailangan ko pang pumasok.

     "Boo/Rainbow," eh? Boo; Rainbow. Anong klaseng tawag 'yun. Am I a pet to them?

       "Bestie!" sambit ko

      "Huh?" sabay na sagot nilang dalawa.

      ''Gusto niyo 'yun ang tawagan natin? Since kaibigan ko naman kayo di'ba?"

       "Seryoso ka Rainbow? pang babae lang 'yan.''

It's Her (ONHOLD) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon