One

6.3K 33 1
                                    

"Waiter!" sigaw ng isang costumer. 

Pumunta siya sa table kung saan may tumawag. "What's your order sir?" magalang niyang sabi. 

"One slice of chocolate chiffon cake and a lemonade."

"Is that all sir?" Mabilis niyang sinulat sa maliit na pad niyang hawak ang order nito.

"Yes." sabi ni costumer.

"Okay sir, coming right up." At pumunta siya sa counter at ibinigay ang order nito. Habang hinihintay naman iyon ay inasikaso niya muna ang ibang mga costumer na nandoon.

"Order for table #20 is ready!" sigaw ng chef nila. Kaya naman agad siyang bumalik sa counter upang ibigay na ang order. Kinuha niya ang tray kung saan nakalagay ang order at hinanap ang table na may simbolo na 20. Isa iyong way ng café na pinagtatrabauhan niya para hindi malito ang mga waiter na katulad niya sa mga orders.

Ngunit, subalit, bagkus, datapwat...Nangyari ang hindi inaasahan.

Natapilok siya at parang slow motion na tumilapon ang tray ng pagkain na hawak niya sa isang costumer na babae. Lumaki ang kanyang  mata ng makitang galit na galit ang babaeng costumer. Halos napatingin naman sakanila ang iba pang mag costumer.

"Sorry po ma'am, Hindi ko po sinasadya!" tumayo siya at sabay na humingi ng tawad. Nakatungo lang sa sobrang hiya habang panay pa rin ang pagsosorry niya sa babae na parang isang bulkan na sasabog sa sobrang galit.

Kasalanan mo kasi Kiera! Ang clumsy mo talaga! Argh!

"Look at what you've done to my dress!! Gosh, do you know how much it costs? Mahal pa siguro 'to sa buhay mo eh!" sabay niyang irap nito sakanya.

"Ma'am sorry po talaga. Pasensya na po."  Sabi niya at natatarantang kumuha ng tissue. Pero huli na noong napansin niyang mas lalo lamang kumalat ang dumi na nasa damit ng babae.

"Yuck! Ano ba?! Mas lalo mo lang sinisira ang damit ko eh! Nasaan ba yung manager niyo?! Kailangan ko siyang makausap!" Nagpupuyos na sa galit ang babae at ngayon ay sigurado siyang nakatingin na sakanila ang lahat ng tao sa loob ng café dahil sa lakas ng sigaw ng babae.

"What's happening here?" Sabi ng kanilang kadarating na manager.

"Obviously, nakikita mo ba tong ginawa ng tanga mong empleyado sa dress ko?! Alam mo bang mahal pa sa buhay niya 'to? This is imported at bigay pa ito ng boyfriend ko and all she did was ruin it!" angal ng costumer 

"Sorry ma'am, I understand that you are upset, and rightly so, that our employee here has ruined one of your luxurious dress. We would be obliged to pay for the damage, we are really, really sorry for what has been done." pag-eexplain ng manager namin

Sa isip isip niya ay baka sakanya pa ipabaya ang mga gastos na yon. Wala pa man din siyang pera.

"Kiera dun ka muna sa office ko, mamaya tayo mag uusap." Napatingala siya nang magsalita ang kanyang manager na halata sa mukha ang disappointment.

Tumingin muna siya dun sa babaeng costumer ngunit sinamaan lang siya nito ng tingin kaya't nagpunta na lamang siya sa office.

Ang tanga tanga mo naman kasi Keira! Ano kaya ang sasabihin niya sakin?

Kung ano ano na ang pumapasok sa isip niya habang hinihintay ang manager niya sa office. Di nagtagal ay dumating na din ito.

"M-manager, sorry po talaga. Hindi ko naman po sinasadya eh." Pagmamakaawa niya dito. 

"I'm sorry Keira pero hindi ko na pwedeng palampasin ito." Naupo ito sa upuan na nasa likod ng isang maliit na desk.

"A-ano pong.. I-ibig niyong sabihin?" Namamawis na ang kaniyang mga kamay sa nerbiyos.

Behind Closed DoorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon