PROLOGUE

120 1 0
                                    

"Mama, mama saan po tayo pupunta?" Tanong ng limang taong gulang na batang babae habang nakaupo siya sa likod ng sasakyan.

"We're going to Palawan anak. Vacation na ni daddy. Magbibeach tayo." Ngumiti ang ginang sa kanyang mga anak.

"Kuya saan yung Palawan?" Tanong ulit ng batang babae, ngayon naman ay sakanyang nakatatandang kapatid.

"Malayo yun princess. Sasakay tayo ng airplane. Gusto mo yun?" Sagot ng kanyang kuya.

"Yehey! We're going to ride an airplane!" Nagtatalon pa ang batang babae sa kanyang upuan sa sobrang saya. "Excited na po ako mama. Papa bilisan niyo po."

"Don't worry princess makakarating din tayo doon." Masayang sagot ng kanyang ama.

Isang masayang pamilya ang larawan nila ng araw na iyon. Papunta sila ng Palawan para magbakasyon since summer break na naman.

Ngunit lingid sa kanilang kaalaman na ang iyon na marahil ang huling araw nila bilang isang pamilya.

Habang nagmamaneho ng sasakyan si Mr. Carreon papuntang airport, biglang may paparating na sasakyan sa kanilang harapan.

"Hon umilag ka!" Sigaw ng kanyang asawa ngunit huli na dahil mabilis ang takbo nito na paparating sakanila.

Isang malakas na pagsabog na lamang ang nangyari nang nagsalpukan ang dalawang sasakyan.

Kaagad namang dumating ang mga ambulansya upang tulungan ang mga naaksidente. Pagdating sa ospital ay agad na sinaklolohan ang mga ito.

Samantala ay nasa isang silid ang batang babae na puro sugat at galos ang katawan na natamo mula sa aksidente. Ngunit sa kabutihang palad ay hindi naman ito malubha. Makalipas ang ilang oras ay nagising din siya.

Pagmulat niya ay nakakita siya ng isang lalaki sa gilid ng kanyang kama na nakatungo at mukhang natutulog.

"P-papa.." Inabot niya ang lalaking natutulog at nang mag-angat ito ng mukha ay nakilala niyo ito. Ito ay ang kanyang Tito Albert, ang kapatid ng kanyang ama.

"Kiera, salamat sa Diyos at gising kana. May masakit ba sayo? Ayos ka lang ba?" Sunud sunod na tanong nito.

"Tito? Ano pong nangyari?"

"Ah.. Ahm.." Tumikhim ito. "Tatawag lang ako ng doctor ha? Sandali lang." At umalis na ito sa kanyang silid.

Ipinalibot niya ang kanyang tingin sa paligid at napag-alaman niyang nasa ospital siya. Nakita niya ang kanyang murang katawan na puno ng galos. At doon niya naalala ang nangyari sa kanila. Sumalpok ang sinasakyan nila.

Nasaan ang mama niya? Ang papa niya? Ang kuya?

Sakto namang bumalik ang kanyang tito kasama ang isang doktor nang magsimula siyang umiyak.

"Tito sina mama po? Nasan po sila tito?" Tuloy lamang siya sa pagiyak. "Bakit wala po sila dito?"

"Hija huminahon ka lang. Kailangan muna kitang tingnan." Lumapit sakanya ang doktor at tiningnan ang kanyang kalagayan. "Ok naman po siya Mr. Carreon. Mga sugat at galos lang ngunit mawawala din yan. Bukas na bukas ay makakalabas na rin siya. Thank God nothing severe happened to her like the others."

"Doc nasan po ang parents ko? Gusto ko na po silang makita." Iyak pa rin ng iyak ang bata. Nakita niyang tumingin ang doktor sa kaniyang tito, parang nagtatanong.

Lumapit naman sa kanya ang kanyang Tito Albert. Hinawakan nito ang kanyang mga kamay. "Keira, I want you to know that whatever happens, we'll be right here ok?"

"O-opo tito. Pero nasan po sila?"

"Hija, do you rember what happened?" Tanong ng doktor.

"Opo nabungo po kami. Pero ok lang naman po ako diba? So ibig sabihin ok din po sina mama." Ito lamang ang naisip ng kanyang murang isipan.

"No Keira." Nabasa niya ang lungkot sa mga mata ng kanyang tito. At dito niya lang napansin na namumula ang mga mata nito.

"Tito did you cried?" Kahit naman five years old palang siya ay alam na niya ang mga ganoong bagay.

Parang lalong lumungkot ang ekspresyon ng mukha nito. "Keira.. they are dead."

Dead.

Dead.

Dead.

Dead.

Paulit ulit lamang itong sumasagi sa kanyang utak. Pilit ipinapaintindi sakanya ang salitang iyon. Isang mahabang katahimikan ang sumunod. Walang nagsalita sakanila.

"T-tito. H-haha. Hahaha. You're.. You're just joking right?" Sabi niya na pilit pinapasok sa kanyang isip na hindi iyon totoo. "Let's go to them tito."

"Keira please. Listen to me. Alam ko masyado ka pang bata para maintindihan ang mga bagay na ganito. But they did not survived."

"No tito! Let's go na. Gusto ko na talaga silang makita." Lalong lumakas ang kanyang mga iyak sa isiping baka nga totoo ang sinabi ng kanyang tito.

Nagkatinginan ang dalawang ginoo aa loob ng silid na iyon. Parang naguusap ang kanilang mga tingin. "Ok, ok. We'll go to them. But please, Keira, be strong ok?" Binuhat siya ng kanyang tito palabas ng silid at naglakad. Makalipas ang ilang minuto ay tumigil sila sa tapat ng isang silid. Pumasok sila at doon ay may tatlong kama.

"Mama! Mama I'm here!" Bumaba siya sa pagkakabuhat ng kanyang tito at tumakbo sa unang kamang nakita niya. Ngunit nakatakip ang mukha ng nakahiga roon. Bagkus ay nakatakip ang buo nitong katawan ng puting kumot. "Mama wake up na. Nasisilaw ka po ba mama?" Nililis niya ang kumot ay tumambad nga sakanya angppp kanyang ina. Maputla ito at nakapikit ang mga mata. Niyugyog niya pa ito ngunit hindi pa rin gumising.

Lumipat siya sa katabi nitong kama at inalis din ang kumot. "Kuya wake up! Gisingin mo nga si mama. Kuya.." Pilit niya ring ginigising ang kanyang kuya pero tulad din ng ina, hindi rin ito gumigising. "Kuya.." Patuloy pa rin siya sa pagiyak.

At nang wala pa rin ay lumipat na siya sa huling kama kung nasaan marahil ang kanyang ama. "Papa.. Papa gising na. Papa please.. I'm scared." Patuloy siya sa pagyugyog at pagiyak. "Papa!" Why aren't you all waking up?! We're going to Palawan pa po diba? Please papa wake up na."

Ang doktor naman at ang tito niya ay naroon lamang sa may pinto at nakatingin sa batang pilit ginigising ang kanyang pamilya. Makikita sa mukha nila ang kalungkutan at awa na sinapit ng bata dahil patay na ang kanyang pamilya. Parang winawasak ang kanilang mga puso sa tuwing gigisingin ng bata ang kanyang mga magulang ngunit wala namang nangyari.

Hindi na natiis ng kanyang tito ang nakikita kaya't nilapitan na niya ang bata. "Keira, please, stop." Hinawakan niya ang bata at binuhat ngunit nagpupumiglas ito at pilit na bumababa.

"No! Papa! Mama! Wake up! Kuya please." Nagpipilit itong bumaba ngunit niyakap niya ito.

"Keira you need to understand. Wala na sila."

"N-no! No! NO!"

"NOOOOO!!" Nagising siya mula sa kanyang panaginip. Hilam sa luha ang kanyang mukha mula sa pagiyak.

That again? Tanong niya sa sarili at gamit ang palad ay pinunasan ang kanyang mukha na tila hindi natutuyo dahil sa patuloy niyang pagiyak.

Nang hindi ito tumigil sa pagtulo ay pinabayaan na lamang niya at naupo siya sa kama. Itinaas niya ang dalawang paa at niyakap ang tuhod niya. Doon ay ibinaon niya ang kanyang mukha at pinabayaan na lamang na tumulo ang luhang pilit niyang itinatago sa loob ng maraming taon.

"Papa, mama, kuya.."

Behind Closed DoorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon