Two

94 2 0
                                    

NAGISING si Tyrone dahil sa patuloy na pagtunog ng alarm clock niya. Pinatay niya muna ito bago naginat-inat sa kama. Tumayo na siya at pumasok sa banyo para maligo. Kailangan niya pang pumasok sa opisina dahil may breakfast meeting pa siya sa isa nilang kliyente.

At the age of 25, Ryuki Tyrone Montreal is already well known in the field of business. Lalo na't siya ang tagapagmana ng Montreal Empire. Bata pa lamang siya ay hinubog na siya sa ganitong trabaho kaya't nang tumuntong siya sa tamang edad ay agad siyang nakikilala sa larangang ito.

Matapos siyang maligo at magbihis ay lumabas na siya ng condo niya. Pumunta siya ng basement para kunin ang kanyang black na Aston Martin at sumakay na dito para makaalis na. Habang nasa biyahe ay tiningnan niya ang kanyang relo. 8:34AM. Nice, that was fast. Twenty to twenty five minutes lang naman ang kailangan para makadating sa office dahil malapit lang naman ang condo niya. Tulad kahapon, hindi niya dinadala ang kotse niya minsan at naglalakad nalang. Sumagi naman sa isip niya ang nangyari kagabi.

That girl's funny. Napangiti na lamang siya. Ngunit inalis niya agad iyon nang makita ang kanyang sarili sa side mirror. Hindi naman dapat siya ngumingiti e. Inalis niya nalang sa isip iyon at nagconcentrate sa pagmamaneho. After ilang minutes ay nakarating din siya sa office. Agad siyang nagpark at umakyat na sa top floor kung saan naroon ang office niya.

"Hey man." Bati sakanya ng pinsan niyang si Zeinon. Ito ang tumatayong secretary niya pansamantala habang wala pang nahahanap na kapalit sa dati niyang sekretarya.

"Morning Z." Bati niya dito bago pumasok sa loob ng office niya. Ibinaba niya muna ang mga gamit sa desk bago muling lumabas. "Hey can you order coffee for me? Maya maya pa ng konti ang meeting at wala pang laman ang tiyan ko." It's a breakfast meeting though. Naisip niya. Pero kailangan pa rin niya ng pampainit ng sikmura.

Ngumiwi ito at nagsalubong ang kilay. "Remind me again why did I became your fvcking secretary?"

Napatawa nalang siya sa tinuran nito. "Well, pumayag ka naman dito e. Atsaka sandali lang naman."

Mas lalo lang kumunot ang noo nito. "Yeah right. It's like, you've said that the hundredth time already. Pangilang secretary mo na ba ito? Lagi mo nalang pinapalitan." Lagi nalang kasi ito ang pinipilit niyang maging pansamantalang sekretarya habang naghahanap pa siya ng bago. Kaya oanay din ang reklamo nito sakanya, pero papayag din naman ito.

"Hindi ko naman sila ginustong palitan. Puro nalang kasi mukha ko ang napapansin nila." Naalala niya ang last na secretary niya. Isa nanamang sakit sa ulo ang nangyari.

"Well, man, di naman kasi kita masisisi. Masyadong maganda ang genes natin e." Sabay tawa nito. Napailing nalang siya sa sinabi nito. Hindi na rin siya kokontra dahil totoo namang maganda ang lahi nila. At dahil don, lahat nalang ng nakukuha niyang secretary ay wala nang inatupag kun'di ang magpapansin sakanya kaya lagi nalang siyang nagpapalit ng bago.

"Yeah whatever. Just get me my coffee. I still have to prepare some things for meeting." Sabi niya nalang at bumalik na sa kanyang office. Ilang minuto lang ay pumasok na si Zienon at may dalang Starbucks coffee. Inilapag nito iyon sa harap niya at tumalikod na. "Thanks bro."

"Come on. It's almost time." Nakita niyabg nakasilip si Zienon sa may pinto. Napatingin naman siya sa orasan at napansing malapit nang mag-nine thirty. Tumayo na siya at kinuha ang mga gamit na kailangan niya saka lumabas. Sumakay sila sa elevator pababa para makarating sa isa sa mga conference rooms nila.

Pagpasok doon ay naroon na ang mga kameeting nila. Naroon na rin ang mga tauhan niya at hinahanda ang agahan nila. Naupo siya sa pinakaharap na silya. Si Zienon naman ay umupo sa malapit sa tabi niya.

Behind Closed DoorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon