Wednesdey ngayon at pre-assessment exam na! Di naman ako nagreview. Stock knowledge lang naman yun eh. Ang kaso lang baka wala akong stock na 'yan.
Nauna yung mga classmate naming nakapasok kaya dun kami sa second to the last row. Vacant yung sa tabi ko kasi andun yung dalawa kong friends sa kabila. Sa may aisle pa naman yung vacant seat.
Nag umpisa na nga ang exam. Medyo mahirap nga siya kasi di pa naman talaga to nadidiscuss. Shade lang ako ng shade sa answer ng biglang bumukas ang pinto.
Sino pa ba ang palaging late? Edi si Zach at nandamay pa siya. Since vacant din yung katabi kong seat dun siya umupo. First time to! Tumabi siya sa akin. Pwede naman yung sa harap ah. Bahala na nga!
Pinagpatuloy ko lang yung ginagawa ko. Tinginan ko yung test paper niya tas tumingin siya sakin! Oh shocks lang. Ngumiti na lang ako sabay sabing, "Set B ka pala." Ngumiti lang siya at nagpatuloy na ding sumagot.
Di man lang siya nagsalita? Hayaan na nga atleast nakatabi ko siya kahit ngayon lang. At nginitian pa niya ako!
After almost 30 minutes, 'di pa rin ako tapos sa pagsasagot. Binabasa ko pa kasi kahit hindi ko alam yung sagot. Biglang tumayo yung katabi ko. WTH?! Nauna pa nga akong sumagot sa kanya tas siya tapos na?
Pinasa na nga niya yung test paper niya. Pagbalik niya sa upuan niya tinanong ko agad siya. "Nasagutan mo na agad lahat?" "Oo, pero di ko alam kung tama 'yun" sabi niya habang nilalagay yung ballpen sa bag niya napa "ah" sabay tango na lang ako. 'Di kasi kapani-paniwala na natapos niya agad yung ng ganoon lang kadali.
Hindi nagtagal pinasa ko na din yung papel ko. Nakakabobo naman yung pre-assessment test na 'yun.
Ganon lang ang nangyari buong araw ko sa school. Katabi ko siya sa exam at nakakahiya kasi feeling ko ang baba ng nakuha ko dun. Pero okay lang naman, hindi pa naman talaga natake-up yun eh.
How I wish makatabi ko siya next time sa seat.
BINABASA MO ANG
Dear Crush, Magbrebreak Din Kayo
RandomHera has a crush but it seems na may girlfriend ito. How she can deal with it? Is she going to aviod Zach? Mahuhulog na ba talaga ang loob niya para dito? O gagawa siya ng paraan para magustuhan siya nito at sila ang magkatuluyan? Let's see! xoxo