#7

13 1 0
                                    

#7
Papunta na kaming seven-eleven kasama ng dalawa kong kaibigan na si Lyrra at Elane. (Actually sa barkada sampu kami. Pitong babae at tatlong lalaki.) Dito daw kami magkikita para makapunta sa bahay ng isang kabarkada.

Ng makapasok kami, nagulat ako na nandon silang tatlo pati si Zach nandon. Kala ko di sila pupunta. Salamat naman at nandito siya. Naexcite tuloy ako.

Bumili muna kami ng makakain habang naghihintay sa iba. Late na naman sila asusual. Habang kumakain tinanong ni Lyrra si Zach. "Zach, alam ba ng girlfriend mo na gagala ka ngayon?" Muntik naman akong mabulunan sa tanong niya. Psh! Kelangan pa talaga niya ng pirmiso galing sa girlfriend? Ako na bitter!

"Alam naman niya yung ngayon." Sagot niya. "So nung nag arcade tayo di niya alam?" Tanong ko naman. Aba curious eh. Tumingin siya sakin at sumagot, "Hindi. Biglaan naman kasi yun. Nakitawag nga ako para ipaalam sa kanya na kasama ko kayo."

Ouch! Si Girlfriend pala yung tinawagan niya. Sana pala di ko nalang inofer yung cellphone ko. Pero infernes nahawakan niya phone ko. Kilig naman daw ako! Teka bakit naman ako kinilig? Psh.

"Guys andiyan na sila" sabi ni Kier, isa sa kabarkada kong close kay Zach. Tumayo na kami at naglakad palabas para makapunta na kami sa bahay nila.

Habang sa byahe nagkukwentuhan sila. Ako nakikinig lang at tumatawa pag nagjoke yung isa. Sa harap kasi kaming girls at sa likod yung tatlong lalaki. Ganoon din si Zach. Parang wala din sa mood.

Nang makarating kami sa bahay nila, umupo agad ako sa couch. At nilabas ko phone ko. Baka may text si mom. May text nga pero hindi si Mom. Binasa ko ang text sabi "Kasama niyo si Zach ngayon?" Sino naman kaya to?
Tinawag ko si Zach at umupo siya sa tabi ko. First time! Ang lapit niya sa 'kin. Pinakita ko sa kanya yung phone ko then sabi niya "Sabihin mo oo" "Sino ba yun? Bakit ka niya hinahanap sa 'kin?" Tanong ko sa kanya. Malay ko bang trip lang yung text. "Girlfriend ko yan. Ang usisa talaga *sigh*" ang lalim naman ng buntong hininga niya. May pinanghuhugutan talaga.

Sinabi ko nalang na magkasama kami. Buti naman at di na nagtext yun. Baka kung ano pa masabi ko pag nagkataon. Maya-maya nagsimula na kaming sumagot sa assignment namin. Math yung inuna namin since madali lang yun.

"Hay ang hirap naman nito" Sabi nung isa. "Di ka kasi nakikinig!" Sabi naman ni Kier. Nag aaway pa yung dalawa eh sila lang nga nagtutulungan eh. Patuloy lang kami sa pagsagot ng assignment. "Tama na muna yan at kakain na. Kanina pa kayo diyan eh" sabi ni Tita. Tiningnan ko wrist watch ko at pass 12 na pala kaya pumunta na kaming dinning area.

Pagkaupo namin kumain na agad kami. Ngayon ko lang din naramdaman ang gutom. Si Tita nauna na daw kumain kanina kaya kami nalang kumakain ngayon.

Nakakailang lang na kumain. Katapat ko kasi si Zach habang kumakain. Nakakahiya pag nagkalat ako. Pero di naman talaga ako makalat kumain eh. Ano bang kinakailang ko? Ang tagal kong maubos yung pagkain ko kahit konti lang nilagay ko.

Napansin ko sa perephial view ko na nakatingin sakin si Zach kaya tiningnan ko siya upang masiguro ko. Aba nakatingin nga siya sakin! Ngumiti naman siya kaya nahawa ako at napangiti rin. Nagkatitigan lang kami. "Oy kayong dalawa! Kumain lang kayo!" "Zach alalahanin mo may girlfriend ka na. Lumalandi ka na naman eh"sabi nila.

Nahiya naman ako kaya napayuko nalang ako "Gago alam kong may girlfriend ako. Ikaw lang ang malandi sa'ting dalawa alalahanin mo rin" depensa ni Zach

"Mga abno talaga kayo. Friends lang kami ni Zach no. Walang talo talo dude!" Sabi ko nalang at tumayo. "Oy saan ka pupunta? Affected?" Sigaw ni Dianna. Kung maka sigaw naman kasi tong isang to kala mo ang layo ko sa kanya.

"Sa kitchen ako pupunta maghuhugas lang ng kamay! Kulit niyo!" Sabi ko nalang. Ayoko kasing umasa. Pero may part pa rin sa kin na umaasa? Ewan ko. Confuse ako ngayon eh.

Dear Crush, Magbrebreak Din KayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon