#4

10 1 0
                                    


Sabado pero may pasok kami. Kainis kasi dapat nakahiga pa ako sa kama ko ngayon at nagpapahinga pero heto ako sa school. Nasanay lang siguro akong walang pasok pag Saturday. 4 days a week lang pasok namin pero may assignment naman na gagawin. Di ka talaga makakapagpahinga.

Himala naman at di siya late at nakikipag usap siya sa barkada. Ako tahimik lang kasi busy ako sa pagbabasa no. So ayun nagstart din yung class. Discuss... discuss then nung nag 1:00pm na dinismiss na kami.

Since maaga pa naman nagkayayaan sila kaya ayun pati siya na yaya nila. Okay lang naman sakin. The more the merier. Walo kaming lahat non. Tatlo silang lalaki.

Masaya din naman pala siyang kasama. Nag archade lang kami. Nagbasketball pa kaming dalawa. Walang malisya yun. Friend na turing ko sa kanya.

Nakita namin yung iba na sa billiard hall kaya pumunta kami don. Tinry ko din yun pero di talaga ako marunong. Nung titirahin ko yung bola tinapat niya sa butas yung isa kaya ayun shoot. Feeling ko ang galing ko non kasi na shoot ko yun for the first time.

Nung napagod kami bumili kami ng pagkain at nagpahinga. Kain lang kami ng kain ng maya maya nagtanong siya kung sino may pantawag. Inoffer nung isa kong friend yung phone niya eh ubos na pala yung pantawag kaya yung akin nalang yung inoffer ko. Then lumayo siya konti.

'Di nagtagal binalik na niya at binigay sakin yung phone sabi niya "Salamat pala. Di naman kasi niya sinasagot eh". Nilagay ko lang sa bag ko yung phone at di na inintindi kung sino tinawagan niya. Pagkatapos naming kumain umuwi na din kami. Habang sa sasakyan kami may nagtext na number. Hinayaan ko lang
Pero text pa rin ng text at napansin yung ng friend ko. Sabi niya wag ko daw replyan yung text hayaan ko lang daw. Kaya hinayaan ko lang. Binasa ko yung text at isa dun sabi"Classmate ka ba ni Zach?" Di ko sinagot kasi wala akong paki dun. Pero nacocurios na ko kung sino man yun.

Dear Crush, Magbrebreak Din KayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon