Chapter 10

3.6K 75 1
                                    






Sa condo niya ako dinala. Buong biyahe di siya nagsalita. Siguro alam niyang wala ako sa mood.






Lumabas siya ng kwarto niya na may dalang towel at malaking shirt. Nakaupo lang ako sa sofa ng unit niya. Ang laki ng unit niya. Nakatalukbong parin sakin yung jacket niya.






"Ito, maligo ka muna nandun yung shower ito muna gamitin mong pangpalit habang wala pa yung bag mo" binigay niya sakin yung dala niya. Tinanggap ko naman. Nangangamoy na nga ata ako dito eh.






Bago ako pumunta ng shower may sinabi mo na ako.






"Salamat...Daniel" mababang sabi ko tapos pumunta na sa shower.






*






Daniel's POV







Papasok na si Kathryn ng shower. Pinaligo ko muna kasi mukhang lumot na sa itsura niya. Tinext ko sina Lester na hanapin si Julia yung bestfriend ni Kath para dalhin yung bag niya dito.






Kanina nung nakita ko siya na puno ng green na bagay na parang lumot naawa ako lalo na nung umiyak siya para akong dinurog. Kung di lang kami dumaan dun sa hallway siguro di ko maabutan si Kath.






Flashback~






Tapos na yung klase namin. Papunta na kami sa gym para sa practise namin mamaya. Dun kami dumaan sa kabilang hallway kung saan shortcut papuntang gym.






Sa hallway na yun daanan namin yung pang babae na CR.






"Ang hanep nga tol eh idunk ba naman tapos ayun sapol sa ring sila panalo!" Sigaw ni Lester ang maingay sa grupo namin. Nagtawanan silang apat ako wala lang.






Parang may ibang tawa pa akong narinig dun sa cr kaya pinatahimik ko sila tumahimik naman. Lumapit ako dun sa cr ng girls at may narinig nga akong tawanan may sinasabi pa sila na di kanais-nais. Kaya ang ginawa ko binuksan ko yung pinto na kinagulat naman nung tumatawa.





Lintik sila nanaman! Sa unahan nila may nakita akong babae na nakatayo at puno ng green na something ang katawan tansya ko binuhusan ng slimy na bagay. Di makilala yung babae kasi bahagya siyang nakayuko at nangangatog sa lamig.






"D-dj..."Nauutal na sambit ni Michelle.






"V-varsity" utas nung babaeng patay na patay kay Ronnie.






Di ko sila pinansin nakatitig lang ako sa babae hanggang sa marealize ko kung sino siya. Agad kong tinanggal yung jacket na suot ko at pinatong sa itaas na bahagi ng katawan niya.






Nung inangat niya yung ulo niya dun ko nakompirma na si Kathryn nga yun at ang mas kinagulat ko ay umiiyak siya. Di ko maintindihan ang sarili ko para akong nasasaktan sa bawat hikbi niya.






"Are you okey?" Tanong ko. Umiling siya. Kaya niyakap ko siya. Nagulat din ako sa ginawa ko. I don't know I just feel to hug her to calm her down. Pero umiyak pa siya lalo.








"Make sure makakarating 'tu sa Dean this is the 4th time na may ginawa nanaman ang grupo ni Michelle" sabi ko kina Diego at tumango naman sila. Wala na yung grupo ni Michelle siguro ay natakot na sila.







End of flashback~







Kaya naisipan kong dalhin siya sa unit ko malapit lang naman sa school. Malaking problema kung iuuwi ko pa siya sakanila baka anong sabihin nung kuya niya ako mapagbintangan.







The MVP's CheerleaderWhere stories live. Discover now